Mahigpit na hinawakan ni Lucan ang kamay ng babaeng kalaban ni Ceres hanggang sa kusa na itong magpumiglas para pakawalan ang sarili at mabitawan na rin ang patalim na nalaglag sa damuhan. Pinakatitigan niya muna ng husto ang makintab at mahabang patalim bago iniangat ang paningin sa babaeng titig na titig din sa kanya. She recognized her at once. Amilia Demonte, Gustavo's daughter.
Will you be alright? Tanong niya sa isip habang inuupo si Ceres sa damuhan, pagkatapos ay mataman niyang tiningnan ang sugat ng dalaga sa balikat. That looks serious.
Dapat ay hindi ka nagpakita. Anito na ikinakunot-noo niya. Ikaw ang pakay nila.
Nonsense. Sagot ni Lucan. Kailangang masuri agad ang mga sugat mo kaya mabilis ko lang na tatapusin ang labang ito. Iyon lang at tuluyan na niyang hinarap ang kababatang kay tagal ng hindi nakikita. "Amilia, long time no see."
Napakurap si Ceres, hindi siya makapaniwalang narinig na sa wakas ang nagsasalitang boses ni Lucan, hindi iyong laging sa isip niya lang iyon naririnig. God, kahit sugatan siya ay hindi pa rin niya mapigilang mamangha. Her voice was deep and velvety, and damned, it was so sexy it fitted her perfectly.
"You really came to protect that servus," ani Amilia sa tinig na punong-puno ng disgusto. "Nasisiraan ka na talaga ng bait, Lucan." Iyon lang at bigla na lang itong sumipol, ilang sandali pa at naglabasan na ang sampu pang lamia mula sa kung saan, ang lahat ng mga ito ay may hawak na patalim.
Lucan sneered as she glanced around. "Iyan lang ang pinadala ng congrego para sa akin?" That mock earned her glaring stares from the eleven red-eyed ones.
"Wala ka pa rin talagang kasing yabang, we came prepared, y'know," Amilia said then winked, saka mabilis na pinulot sa damuhan ang nabitawang patalim.
Lucan, ani Ceres sa isip. Kailangan na nating umalis. Hindi pangkaraniwan ang mga sandatang hawak nila, it can hurt even you. Please, let's go. Hindi ka nila puwedeng masugatan.
Napatingin si Lucan kay Ceres, nakakaunawang tumango. Iyon lang at mabilis na siya nitong binuhat at inalis sa lugar na iyon.
"Habulin n'yo sila!" Ang galit na galit na sigaw ni Amilia ang pumukaw sa katahimikan ng paligid.
Ceres smiled as the cold wind gusted her face. Now that Lucan was carrying her again, nostalagia came rushing through her on that very day she first saved her.
"Are you really my knight in shining armor?" She said while staring at her face in awe, ang mukhang buong akala niya ay hindi na makikita ngayon ay napakalapit na sa kanya.
"I guess I am." She smiled her beautiful smile, looked straight into her eyes as if reading her very soul and then her heart made a back flip, if it was possible. "Keep talking, Ceres, don't sleep on me."
Nanghihinang tumango si Ceres. "Kasing ganda mo ang boses mo." Lucan's smile turned into a laugh, a musical one. It made her face lit up, without any worries, like they were in the middle of the park strolling and not being chased by their enemies. She herself promised to do everything to pull it from her again, it was that addicting. "I was their bait to lure you out," she said again, forcing herself to talk.
"Such a pretty smart move then, bakit kaya ngayon lang nila naisip iyon?"
"Lalabas ka talaga 'pag nasa pahamak ako?"
Lucan slowly nodded her head. "Always."
"Sana hindi ka na lumabas," aniya. "Sana hinayaan mo na lang ako, hindi puwedeng palagi mo na lang obligahin ang sarili mo para sa akin, ako ang ikakapahamak mo."
Hindi agad nakasagot si Lucan sa sinabi ni Ceres, agad siyang napatingin sa likuran kung saan may isang nakaagapay sa bilis niya. Si Amilia. She exhaled loudly as she looked down at Ceres who was now sleeping in her arms.
BINABASA MO ANG
Innamorata
Paranormal"In my entire life I only have one goal, it's to avenge everything I've suffered and lost. And then you came, you gave me light from then on. Suddenly nothing else mattered to me, cos I've got you." -Ceres-
