*Chapter Nine*

115 10 17
                                    


Isang pares ng mga matang lilac ang tumambad sa paningin nina Lucan at Montez nang imulat na ni Ceres ang mga mata dalawang oras ang makalipas matapos itong mapainom ng amaranth potion. Saktong alas dose na ng tanghali nang sandaling iyon ayon na rin sa table clock sa study table.

"N-Nauuhaw ako," saad ni Ceres sa paos na tinig, sa kabila nang matinding uhaw at pagod ng katawan ay hindi nito maialis ang tingin sa gawi ni Lucan. "Nananaginip ba ako?"

Nasisiyahang ngumiti si Lucan dahilan para mapakurap si Ceres. Hindi pa rin makapaniwala sa nagisnan nang imulat ang mga mata.

"No, you're not," maarteng saad ni Montez dahilan para mabaling dito ang paningin ng naguguluhan pa ring kaibigan. "She's really here, hinintay ka niyang magising, bff."

"I'm glad you're awake now."

Oh, dear God. That voice. Nang marinig ni Ceres ang tinig ni Lucan ay bigla na lang siyang napabangon, ni hindi napiligan nang pananakit ng katawan ang mabilis na pag-upo. Agad na nagbalikan sa isipan niya ang alaala nang pakikipaglaban. Kung paano siyang nasugatan ng babaeng lamia dahilan para matalo siya nito sa bandang huli. Sa alaalang iyon ay bigla siyang nanlumo. Isa lang ang ibig sabihin niyon, hindi pa siya handang harapin si Salvatore at ang siyam na congrego kung sa isang pulang matang lamia pa lang ay natalo na siya. She needed to up her game and train even more. Then her thoughts drifted to Lucan, kung paano nitong pinigilan ang pagtarak nang patalim sa kanyang dibdib.

Napatingin siya sa mukha ng babaeng nakatunghay sa kanya. "You were there for me last night," she said breathlessly.

"Yes, I was."

"You were talking to me last night."

"Hanggang ngayon naman ay kausap mo pa rin ako," Lucan said, amusement laced her voice.

"You have a very beautiful voice." Ani Ceres na ikinatawa ni Montez.

"Friend, akala mo ba nananaginip ka pa rin?"

Napatingin si Ceres sa kaibigan. "I fell asleep on her," wala sa loob na saad niya. "Maybe this is a continuation of a dream."

"You got me worried." Saad ni Lucan sabay buntong-hininga.

"I did? Really?"

Tumango si Lucan bilang sagot, marahan pa nitong inabot ang isang kamay ni Ceres para hawakan at pisilin.

Manghang napatingin si Ceres sa kamay niyang hawak nito, noon lang siya naniwalang hindi nga isang panaginip ang lahat. The touch of her hand on hers were real. Lalo siyang nanghina sa sensasyong lumukob sa katauhan niya sa simpleng hawak-kamay na iyon. Animo siya nanigas na parang bato, and if she had a vote, she would want this woman to always hold her hand like that. For eternity.

"I can vouch for that," ani Montez na bumasag sa umiiral na katahimikan. "Hindi mo nakita kung paano niyang sinira ang front door natin makapasok lang kayo dito sa bahay."

Dahil doon ay biglang natawa si Lucan at si Ceres naman ay natulala na ng husto habang titig na titig dito. "Sorry about the door, I'll fix it." She said while playing her hand unconsciously.

Napatingin si Ceres kay Montez, kumindat naman sa kanya ang kaibigan, tila may kung anong senyal na pinapaintindi sa kanya, nang hindi niya agad makuha ang ibig nitong sabihin ay inginuso nito si Lucan na ang mga mata ay nakatutok sa mga kamay nilang magkahawak pa rin.

She felt her whole face flushed despite the lack of blood in her veins. "You'll fix the door?"

"I will," she answered as she slowly turned her gaze up to meet hers.

Innamorata Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon