*Chapter Ten*

97 12 19
                                    



"So silver is our only weakness."

Mula sa tinititigang dalawang may kalakihang painting na nakasabit sa pinakagitnang dingding sa working lair ni Montez ay napatingin si Lucan kay Ceres nang magsalita ito matapos niyang ikuwento ang tungkol sa pagsumpa ni Artemis kay Salvatore.

"Those are weird looking paintings," wala sa loob na aniya na ikinatawa ni Montez at ikinangiwi naman ni Ceres. "But it's really good. So good."

"Thank you," ani Montez, proud na proud sa sarili.

"You painted it?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes, madame. I did."

"Wow, you're really something, dude."

"Guess I am." Now he was a bit shy.

"Were you the one who painted that painting at Ceres' room?"

"Wait a minute!" Napaalsa mula sa kinauupuang kama si Ceres, dahil nakainom na siya ng dugo na special delivery pa ni Montez ay tuluyan nang nakabawi ang pangangatawan niya. "You've seen it?"

"Of course she does," sabat ni Montez. "Have you seen her clothes? All yours. And have you seen your clothes? All changed. She'd been to your room, took bath there and rummaged your closet."

Tila noon lang napansin ni Ceres na sa kanyang mga damit nga ang suot ni Lucan. Sa wakas may pinagkasyahan din ang green cargo pants na iyon na hindi niya mapilit na magkasya sa sarili. At tama nga ang kaibigan, napalitan na rin ang kasuotan niya ng over-sized shirt. Wait, then who changed her clothing?

"Hindi ako, siya." Turo ni Montez kay Lucan nang maintidihan ang ibig sabihin nang pagkalito sa mukha niya.

Bigla ay gusto niyang matunaw sa kahihiyan, at para pagtakpan iyon at mag-astang wala lang sa kanyang halos nakita na pala ni Lucan ang katawan niya ay pinuri na lang niya ang suot nitong damit. Bakit ba kasi siya mahihiya, eh, lahat naman ng parte sa katawan niya ay meron din ito. "Now that I noticed... hey, nice outfit," she said then smiled.

"Thank you." Lucan said, biting her bottom lip to hide her smile.

"Doon sa tanong mo kung sinong nag-paint sa'yo na naka-display sa kuwarto ni Ceres?" Pag-epal ni Montez sa awkward na sitwasyon. "Ako ang nag-paint no'n."

"Yes, he did." Segunda naman ni Ceres habang hindi inaalis ang tingin kay Lucan na nakaupo sa isa sa visitor's chair sa harap ng study table.

"Great," aniya. "Now, I'm gonna hire you to paint something for me at any given price."

"Really?" Hindi makapaniwalang saad ni Montez.

"Really." Nakangiting saad naman ni Lucan, her right elbow was resting on a knee and her chin placed on her hand.

"He can paint you anything for free, really." Sabat ni Ceres. "Ang dami na kayang pera niyang si Montez, hindi na niya kailangan pa ng dagdag."

Nagkibit-balikat si Montez. "Oo nga naman," he said then smirked.

"Kailangan nang mabasawan ang mga ginto at mamahaling bato sa vault ko," ani Lucan sabay tawa ng malakas nang makita ang reaksyon nina Ceres at Montez na sabay pang nagsipagnganga. But honestly, she had so much money and treasures that she didn't even know how to spend. Madalas ay naglalagay na lang siya ng mga pera sa mga basurahan o kaya ay nagbibigay sa kung sinong taong kaawaan para naman may mapuntahang maganda ang anong meron siya. She was literally all over the world so it was clear that she'd helped so many people already considering the length of her immortal life on earth. As much as possible she wanted to share what she had to those who were much in need. "Kidding." She said then shrugged her shoulders.

Innamorata Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon