*Chapter Twelve*

101 12 11
                                        


"Palpak ang plano ko," Lucan said while walking back and forth at the length of Ceres' living room.

Walang anumang sinusundan lang ng tingin ni Ceres si Lucan, pinagmamasdan ang bawat pagkilos nito. Her index and thumb fingers were constantly touching her bottom lip while thinking hard, her jet black hair swaying along as she moved, and she was in awe of the visual. Halos kararating lang nila sa bahay niya at nagpasya silang magpahinga muna sa sala pero ang siste, hindi naman mapahinga ang mga mata niya sa nakikitang kagandahan.

"Walang nakuhang impormasyon si William, malamang wala ring nakuhang impormasyon ang iba. Or worst, they might be all dead by now." Muling saad ni Lucan sabay tingin kay Ceres na bahagya pang nagulat sa biglang eye contact, nabulabog tuloy ang pagmumuni-muni niya.

"Bakit kaya hinaharang ni Gustavo ang anumang pagkuha mo ng impormasyon? Ano kayang iniisip niyang gawin?" Tanong ni Montez.

Matamang napaisip si Lucan. "Hmm... hindi ko rin alam."

"Bakit nga ba hindi mo gusto ang mga congrego?" Tanong ni Ceres kasabay nang pag-ayos ng upo. "Hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong ipasok ang tanong pero baka may koneksyon, alam n'yo 'yon?" She tried to explain.

"Dahil hindi rin kasi nila ako gusto." Lucan answered as she took a seat on a single sofa across Ceres and Montez who were sitting at the long sofa. "Bago napunta sa akin ang ikalawang posisyon ay siyam lang ang original na bilang ng congrego. And then I was born and entered the scene, and I have violet eyes, so, that's it. Salvatore demanded that I should be a member of the council. I wanted to take the 10th position but he wanted to give the 1st-"

"The first position?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ceres.

"Yes, the first position."

"Gano'n ka kalakas?" Nanlalaki ang mga matang tanong naman ni Montez.

Lucan smiled and shrugged her shoulders. "Should I continue my story?"

"Please do." Ani Ceres.

"Alam kong sasalungat ang mga miyembro sa desisyon ni Salvatore kaya ipinilit kong ang ikasampung posisyon na lang ang mapunta sa akin. Salvatore considered Gustavo's 1st position, yes, but insisted on giving me the second position instead. Hindi na nabali pa ang desisyon niya, nasagasaan nang posisyon ko ang lahat ng congrego sa ibaba. I took Mattias position, Mattias took Piero's and so on... that's why they all hate me. Ni minsan ay hindi ko naramdamang kasama ako sa grupong iyon. Para lang akong saling pusa kahit na nga ba mas mataas ang posisyon ko sa iba kung tutuusin. Kaya naging napakadali lang sa aking talikuran sila noong nagkaroon ako ng pagkakataon." Lucan and Ceres locked eyes for several minutes. "Hindi ko naisip noon ang mararamdaman ni Salvatore ng umalis ako, I guess in my heart, I believed he would forgive me. Because in the past he always does."

Nagbaba ng tingin si Ceres. Matamang iniisip ang mga kuwentong naririnig tungkol kay Salvatore mula mismo sa bibig ni Lucan na pinalaki at minahal nito. Now she was torn, for her feelings for her and for taking off his adoptive father's head. But who was she kidding? Kahit na sabihing taglay na niya ngayon ang lakas ng isang congrego ay mahina pa rin siya kumpara sa siyam na miyembro lalo kay Lucan dahil higit ang tanda ng mga ito sa kanya. So, paano pa kaya kay Salvatore? Paano siyang makakalapit dito? Fuck it. And why was she having second thoughts on her vengeance again? She'd been plotting it her whole life and now it became more like of a second option, just like that? She raised her gaze at Lucan who was looking back at her with her earnest eyes, she gulped and suddenly began to understand why.

"Sa tingin ko ay walang kinalaman si Salvatore sa pagtugis sa'yo ni Gustavo, Lucan." Ani Montez na ikinaputol nang pagtititigan ng dalawa. "Ilang tao na ang nagawa mong lamia?"

Innamorata Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon