*Chapter Five*

140 10 18
                                    

"Nandito si Lucan sa New York," ani Ceres kay Montez isang gabi, saktong isang linggo na ang nakakaraan mula ng makita niya ang babaeng isang linggo na ring namamahay sa isipan niya. Seemed like she wanted to permanently reside there.

Parehong nasa dining table ang magkaibigan at kasalukuyang kumakain ng gabihan. For her, the usual. For him, the usual too. Random heavy meal consisting of steamed rice, beef steak, sunny-side up egg, mix veggies, varieties of fruits, and freshly squeezed orange juice. Madalas ay napapatanong na lang siya sa sarili kung saan kaya nito dinadala ang mga kinakain gayong hindi naman tumataba, in fact his body was so lean and muscled, aakalain mong member ito ng isang gym pero hindi naman talaga.

"Meaning?"

"Meaning, hindi muna natin itutuloy ang pagpunta sa Italy." Sagot niya matapos huminga ng maluwag.

"At least, na-postpone ang suicide mission natin." Tatawa-tawang saad nito, mas lalo pang ginanahan sa pagkain dahil sa tila napakagandang balita.

"Yeah," she agreed half-heartedly. Sa totoo lang ay para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan sa kasalukuyang turn of event, hindi man niya tahasang aminin ay alam niya sa sariling natatakot din siya. Ang tyansa na makalabas pa siya ng buhay sa bansang pupuntahan ay nasa sampung porsyento lang. She passed her friend a concerned look, Montez has to live no matter what. Hindi ito maaaring madamay sa giyerang susuungan niya. Admittedly, dahil sa biglang pagpapakita ni Lucan ay napigilan niyon ang pagpapadalus-dalos niya ng desisyon.

"So, what's the plan?" He asked in between munching.

"Itutuloy pa rin natin ang pagpunta sa Italy, but you have to perfect that invisibility potion first."

Sunod-sunod na tumago si Montez, naiintindihang kailangan nila iyon para sa dagdag na proteksyon. There were only just the two of them compared to a coven back at Forte di Visconti. "I'll work on it. Double time."

"Good," nakangiti na niyang saad. Tatayo na sana siya mula sa kinauupuan ng muling magsalita ang kaibigan.

"I've something to give you," anito saka tuluyan ng iniwan ang mga kinakain sa mesa. "Come with me."

Curious, she followed him to his working lair at the second floor.

Pagkabukas ni Montez sa pinto ay agad na umalingasaw sa paligid ang samu't saring amoy ng mga langis, mga pinatuyong dahon at mga bulaklak, at kung ano-ano pang sangkap na tanging ang kaibigan lang at mga kauri nito ang nakakaintindi kung paanong gamitin. There were the weirdest smelling ones and the fragrant ones, buti na lang at mas nanalo sa pang-amoy niya ang mabangong amoy.

Maayos na nakasalansan ang mga bote ng potions sa floor to ceiling open cabinet na nakapuwesto sa kaliwang bahagi ng parihabang sukat na silid. All of it were complete with labels and in various colors and sizes too. He was super OC, she got that. Methodology was his thing, gayundin naman siya kaya siguro nagkasundo sila ng husto.

As he turned on the lights on those three chandeliers up above the high ceiling, the whole room instantly lit up with those pale yellow and white bulb. The room was not all gothic looking with its black and white paint... Oh, well, but because of all the strange things he randomly placed everywhere? It had definitely caused a conflict. Gaya ng malaki at tusok-tusok na batong kristal na kulay itim at puti sa ibabaw ng varnished narra study table, it was for the balance as per her friend. That huge black pentacle painted intricately at the center of the room where the study table were placed was over the top creepy too. Then there were green plants everywhere, hanging and potted, for energy source he once told her. May dalawang nakapaso sa magkabilang gilid ng pinto, dalawa sa magkabilang gilid ng study table, at dalawa pa sa magkabilang gilid ng working table. Iyong mga hanging plants naman ay nakasabit sa mga bintana. But the wall at the center of the room has the strangest decoration of all. 

Innamorata Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon