*Chapter Eleven*

92 15 24
                                    

Cavalry Cemetery during night time was a lot creepier. Total darkness would welcome brave souls in ungodly hours with its intimidating vast graveyard. Some buried flat to the ground, some has tomb on the surface, but all has their marbled gravestones despite the little differences. There were large crucifix and human size angel statues on the entryway on some mausoleums. Some plain, some grand. All six feet under the ground.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Montez habang hinahapit sa katawan ang suot na gray trench coat sa paraang ginaw na ginaw, sakto namang umihip noon ang malamig na hanging tumangay sa mga natuyong dahon.

Napatingin si Ceres sa kaibigang nagpilit sumama sa lakad ng gabing iyon saka niya ibinaling ang tingin kay Lucan na huminto naman sa paglalakad sa tapat ng isang malaki at lumang mosuleo. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang may naghihintay na sa kanila roong isang pulang matang lamia.

"Relax," ani Lucan nang makita ang hindi mapakaling reaksyon nina Ceres at Montez. "Siya ang dahilan kung bakit tayo nandito."

Sa kabila nang matinding kyuryosidad na mababanaag sa mukha ng dalawa ay wala sa kanila ang nagtangkang magsalita upang magtanong, mataman lang silang naghintay ng mga susunod na pangyayari.

Nang lumapit si Lucan sa lalaki ay nanatili lang sina Ceres at Montez sa kinatatayuan sa 'di kalayuan, maririnig din naman nila mula roon ang magiging usapan.

"Anong napag-alaman mo?" Tanong ni Lucan kay William Baron, isa sa pinakamayamang businessman na nakatira sa New York. He was more or less a seven hundred years old lamia with the appearance of a thirty years old man.

"He was compelled," imporma ni Ceres kay Montez sa pamamagitan nang mahinang bulong.

"Really?" Gilalas na saad naman nito sa paraang hindi sila makakaagaw pansin. "How come?"

"One of her abilities, she said I can do that too, but it take a lot of practice."

"Wow, ang taray naman ni Lucan. Wala bang limitasyon ang kakayahan niya?"

Ceres shrugged her shoulders then smiled proudly. "Who knows?"

"Wala akong nalaman," anang lalaki na ikinakunot-noo ni Lucan at ikinatahimik naman nina Ceres at Montez.

"Anong ibig mong sabihin?" Lucan asked, edge in her voice.

"Ngunit may pinasasabi ang pinunong si Gustavo sa' yo, binibini," anito na ikinasinghap nina Ceres at Montez, while Lucan's face remained unreadable.

"Anong pinasasabi ni Gustavo?" She scoffed, William was still under her compulsion she knew that, but there was something awfully off so she set her guards up.

"Dala mo ba ang latigo ko?" Muling bulong ni Ceres kay Montez, naging malikot na rin ang mga mata niya para magmatyag sa paligid. Mula nang mapahamak siya tatlong gabi na ang nakakaraan ay naging wala na siyang kasing paranoid. Walang sali-salitang iniabot nito ang latigo sa kanya. "Are you nervous?"

"No," sagot ni Montez. "I'm actually excited, ito ang unang laban ko kung sakali." He added while cracking his neck from side to side.

"Tinatanong kita!"

Mabilis na napatingin ang magkaibigan kay Lucan na kasalukuyang hawak na sa leeg ang lalaking iniangat sa lupa.

"W-Wala ka raw mukukuhang impormasyon mula sa Val Riglio, binibini."

Pagalit na binitawan ni Lucan ang lalaking nagkakandaubo. "Paano ka nilang nahuli?"

"They have eyes and ears everywhere, my lady. The fortress was heavily guarded, none would ever spill an information. The people around the area know nothing about us—"

Innamorata Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon