KABANATA1

18.1K 295 4
                                    


Nakatingin lang ako sa mga taong busy sa kani-kanilang mga gawain , may mga ibang nagmamadali dahil sa kanilang trabaho yung iba naman wala pa ngang kain nag-iinuman na

"Uy uno?" Mula sa pagkakadungaw sa bintana ay nabaling ang aking atensyon sa kapatid kong wagas kung tawagin akong 'uno' "Pinapatawag ka ni mama bumili ka daw ng napkin niya!" Aba't

Napatawa ako dahil sa sinabi niya alam ko namang hindi si mama ang nagpapa-utos sakin na bumili ng napkin alam kong siya lang yun.

Siya nga pala ang kapatid ko na kambal ko na si Dos veneracion babae yan at kung manamit daig pa si mama kaya kadalasan siyang sitahin ni mama dahil sa mga suot niya , ang iiksi kasi

"Anong nakakatawa d'un uno? May nakakatawa ba sa sinabi ko ha?" Sabi nito sakin habang nakaturo sakin yung daliri niya

"Kambal alam ko namang hindi si mama ang nagpapabili ng napkin , ikaw lang talaga yun haha" Ewan ko dito kung bakit ayaw niyang siya ang bumili ng napkin niya

Nakita kong natigilan ito at tinaas niya ang damit niya sa braso natatawa ko siyang tiningnan

"Hindi ako! Si mama nga kasi!" Kawawa naman ang mama namin laging damay kapag meron si dos

"Ahh ganun? Okay sige tatanungin ko si mama-" agad siyang nauna sa harap ko nang akma na sana akong lalabas

"Wag! Sabi kasi ni mama ano eh ahhh wag ahm-wag daw siyang istorbuhin oo tama yun nga" napailing na lang ako

"Alam mo hindi ko alam sayo kung bakit nahihiya kang bumili oh siya ako na bibili penge pera" sabay buklat ko ng aking palad

Ngiting tagumpay naman si kupal pero mas ngiting tagumpay ako dahil sa naiisip ko

"Oh ayan bale non-wings ang bilhin mo gusto ko este ni mama pala whisper" nadulas pa talaga

"Teka lang! Papayag ako pero sa isang kondisyon?" Sabi ko dito tumigil ito at maya maya'y tumango din

"Okay ano ba yun?" Sabi nito lumapit ako sa kaniya "Ito lang naman" sabi ko tsaka siya binatukan ng malakas napasigaw naman si kupal.

Tumakbo agad ako palabas sa kwarto namin at nakita ko agad si mama na abala sa paghahain ng pagkain namin. Nagtago ako sa likod ni mama ng maabutan na ako ni dos

"Ay Dios ko!! Ano ba yan uno? Dos?" Mukhang nagulat pa si mama sa biglaang sulpot namin ni dos

"Mama si uno kasi binatukan ako" sumbong nito isa pa yan sumbungera yan kay mama kaya alam ko na ang mangyayari

Humarap sakin si mama na nakamewang at hinawakan ako sa tenga.sabi na nga ba

"Bakit mo binatukan ang kambal mo uno? Hindi mo ba alam na masama yang batok-batok na yan?" Oa na pagkakasabi ni mama sakin. Kita ko namang nakangisi ang kambal ko sa likuran ni mama

"A-aray mama naman! Bini-aray ko ma! Binibiro ko lang naman si dos" sabi ko halos mapunit na ang tenga ko

Salamat naman at binitawan na niya ang tenga ko "Sa susunod wag kayong magbibiruan!" Huling sabi ni mama bago pumunta sa sala

Tiningnan ko si dos nakangisi pa din ito sakin

Sabay kaming napalingon ni dos sa direksyon ng sala dahil nakarinig kami ng tawa

Nagkatitigan muna kami ni dos bago pumunta sa sala

At d'un nga nakita namin si mama na may kausap na babae nakatalikod ito sa pwesto namin at si mama lang ang nakikita namin may lalaki pa palang kausap si mama


Tumingin ako sa kapatid ko na ngayon ay kumikinang ang mga mata habang nakatingin sa pwesto ng lalaki. Masasabi kong gwapo yung lalaki halatang mayaman



"Ay naku mga anak , kung alam niyo lang kung gaano kapasaway yang dalawa kong anak jusme masisiraan ata ako ng bait sa dalawang yun" ani mama sa dalawang kausap niya natawa naman yung babae.


Ngayon alam ko na kung bakit ako ang pinapabili nitong kapatid ko



"Hoy Dos? Sabihin mo nga sakin" sabay tingin sa kaniya ng matalim "Kaya ba ako ang pinapabili mo dahil nahihiya ka sa lalaking yan? At" hinablot ko siya tsaka pinaikot kita kong may..





"Hahahaha putik! Kaya naman pala nahihiya ka baka kasi makita nilang may tagos ka! Tsaka baka maturn off sayo yung lalaking mukhang tisoy" natatawa kong sabi dito ako naman ang nakatanggap ng batok dito


Sorry guys kung ganito kami ah?



"Tsk sa susunod kasi magstock ka na ng maraming napkin!" Tumango lang ang kupal kong kapatid sakto namang pagharap namin sa tatlong nag-uusap napadako ang tingin samin ng isa sa kanila.


"Oh Uno? Halika ka nga dito" lumingon ako saglit pero wala na si dos? No choice ako kundi ang lumapit kay mama


Tumayo si mama tsaka ako pinakilala sa dalawang kausap niya "Mga anak ito nga pala si Uno ito yung kanina ko pang kinukwento sa inyo!" Tumayo din yung dalawa


"Hi uno ako nga pala si edward and this girl beside me she's my sister Bria" pati boses ni kuyang tisoy kakaiba at ano? May english pa


"Hi uno bria by the way" medyo nailang ako sa way ng pagtitig nito sakin


Pareho ko silang kinamayan masayahing tao si kuya edward at yung kapatid niyang babae medyo ahm may pagka flirty pala. Pati pananamit parehong-pareho sila ni dos siguro magkakasundo yung dalawang yun



"Ma alis po muna ako may bibilhin lang po ako pero saglit lang ako" paalam ko kay mama


"Eh teka isama mo muna kaya itong si bria isasama ko kasi itong kuya niya pupunta kami sa palengke kaya walang kakausap diyan kay bria" ani mama


Magsasalita na sana ako ng naglakad sa direksyon ko ang babaeng nagngangalang bria sabay kawit niya ng kaniyang braso sa braso ko.


"Tsk , sige ma" naiilang talaga ako dito kay bria nakalabas na kami ng bahay at yung mga tao sa kaniya lang nakatingin


"Bria pwedeng tanggalin mo na yang braso mo sa braso ko? Alam mo yun? Baka ano pang isipin ng iba satin" kalauna'y sabi ko dito


"Nope tsaka ayaw mo ba? Dyosa na nga ang lumalapit sayo hmp tara na" iling na lang ang sagot ko dito



Hanggang sa makarating na kami sa tindahan "Ate konchi pabili nga po ng napkin non-wings po whisper isa" ngayon naiilang ulit ako


"Hmm kaya pala" napatingin ako kay bria ng magsalita ito "Kaya naman pala ano?" Kunot noo kong tanong


"Kaya pala ang init ng ulo mo" sabi nito sakin na may kasamang irap



Naputol ang tingin ko dito ng binigay na sakin ni ate konchi yung napkin




"Hindi 'no! Kay dos ito pinagbili ko lang natagusan eh" sabi ko pumasok na kami sa loob ng bahay




Sakto nakasalubong ko si dos na may dala nang damit na susuotin niya.. Inabot kona dito ang napkin





"Uno? Pakisabi kay mama may lakad ako ah? Nag-aya kasi yung mga kaibigan kong sina angge at samieng" tumango ako dito







At ngayon? Wala si Mama
Wala si kuya edward
Pati ba naman si dos aalis? Gago ba siya?
So kaming dalawa lang nitong bria na ito ang matitira dito?

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon