KABANATA 42

4.9K 139 13
                                    

Paroon't parito ako hindi ko malaman kung ano ba talaga ang gagawin ko kung susundin koba ang gusto ni Xia na wag 'tong ipaalam sa kahit na sino lalo na sa mga pulis.

"Hey Uno Can you please calm dow-

"Paano ako magiging mahinahon kung alam kong nasa panganib si bria?" Sagot ko agad kay Devon.

Nang matapos kasing tumawag si xia si devon agad ang naisip ko na pwedeng makatulong sakin.

"Okay pero ilang oras na lang darating na 'yung mga tauhan ni dad para tulungan tayo" mahinahong sabi naman niya habang naka-upo sa sofa nila.

Hindi na talaga ako mapalagay parang gusto ko ng sumugod kung nasaan si bria at iligtas 'to pero alam ko namang hindi lumalaban ng patas ang babaeng 'yun.

Maya-maya lang ay nakarinig kami na papalapit na mga tao .

"Nandito na sila" maya't sabi ni devon tsaka sinalubong ang mga tauhang kinuha ng daddy niya.

"Anak Sila ang magagaling na tauhan ng tito mo , Kaya sila ang kinuha ko" Tumingin sakin si tito agad din akong napa-iwas sa kaniya ng tingin.

Alam na rin niya ang lahat ng ginawa ni devon ang buong akala ko nga kasabwat siya ni devon dahil desidido talaga siyang ipakasal sakin ang anak niya.

Humingi siya ng tawad dahil sa mga nagawa nila maski noong ginawa niya ng pilit niya kaming pinaghiwalay noon ni devon.

Nagkapatawaran na naman ang lahat maliban lang sa magkambal na sina bria at xia. Malaki talaga ang galit ni xia sa kakambal niyang si bria.

"Tsaka sinabi kona rin sa mga magulang ni Bria na nasa panganib siya" Dagdag na sabi pa ni tito habang sakin parin nakatingin.

Hindi ko talaga pinaalam sa mga magulang ni bria ang nangyayari dahil sinabi na sakin ni bria na ayaw niyang madamay ang mga magulang niya sa galit ng kapatid kaya hanggang ngayon wala pa ring alam sila tita amandha.

Lumapit sakin si tito tsaka niya binigay ang baril na desert eagle "Kailangan mo rin ng baril para maproteksyunan mo ang sarili mo" Ngiting hayag nito kaya walang pag-aalinlangan kong tinanggap 'yun. Para kay bria gagawin ko lahat.

Sinabi ni tito na maya-maya lang ay darating na ang mga magulang ni bria na sina tito oscar at tita amandha. Kaya naman pinapa-alis na niya kami dahil tiyak niya na sasama ang mga 'to para iligtas din ang kanilang anak.








Habang nasa biyahe papunta sa sinasabing lokasyon ni xia ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman sinagot ko 'to ng hindi tinitingnan ang tumatawag.

"Ano na? Ako pa talaga ang pinaghihintay mo dito? kapag nahuli ka sa usapan baka walang buhay mo na 'tong makikita" Kahit hindi kona kilalanin 'to ay kilala kona siya. Xia

"Malapit na ako siguraduhin mong hindi siya masasaktan baka ano pang magawa ko sa-

Bastos na babaeng 'yun binabaan agad ako ng tawag.

Napatingin ako sa sasakyang nakasunod sakin dalawang sasakyang ang nakasunod sakin ang isa ay van na kulay itim duon nakasakay ang ibang tauhan ni tito habang 'yung isa naman ay taxi duon nakasakay si devon at ang dalawang tauhan pa.

Hindi kona sana ipapasama si devon dahil delikado pero gusto din niyang makaganti kay xia gusto niyanh mahuli 'to at pagdusahan ang mga kasalanan.

"Ma'am Kayo ho ang unang bumaba habang kami naman po ay i-aatras ulit ang sasakyan para walang makahalata tapos sa medyo tago kami lalabas" Nang huminto ang sasakyan ay sinabihan ako ng isang tauhan nila devon 'to ata ang leader.

Tumango lang ako sa sinabi niya hindi na talaga ako makapaghintay na mahuli na 'tong si xia.

Umilaw ang cellphone ko hudyat na may nagtext pagkakita ko si devon pala sinabi niyang mag-ingat daw ako kaya nireplyan ko din 'tong mag-ingat din sila.

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon