KABANATA9

5.3K 176 1
                                    

UNO








Sabado ngayon kaya walang pasok Busy ang mga tao ngayon sa mansyon dahil daw may darating na mga bisita nagtanong ako isa sa mga katulong sa bahay,sabi lang nila yung kaibigan daw nila tito'tita ang bisita









"Uy ako na" Nang makita ko kasing muntik ng madulas sa kamay ni sydney yung mga dala niyang baso ay agad akong lumapit sa kaniya para matulungan siyang ilagay ang mga yun sa lamesa Pero sadyang hindi ko napansin yung kamay ko na nakahawak pala sa kamay niya kaya ngumiti ako ng konti sabay kuha sa mga kamay niya ng baso








Kaya pala siya laging trip ni bria at lagi siya nitong pinagbubuntungan ng galit yun ay dahil anak pala siya ni tito oscar sa ibang babae , medyo gulat ako d'un sa nalaman ko , hindi matanggap nitong si bria na nagkaroon ang ama niya ng anak sa ibang babae bale panganay si bria at ito nga pangalawa si sydney mabait si sydney ayaw ni tito oscar na magtrabaho siya bilang katulong dito sa bahay pero dahil siya si sydney nasunod ang gusto niya pinagtrabahuan niya ang mga binibigay sa kaniya








"S-salamat uno kung hindi ka dumating agad baka nakabasag na ako" ilang na tumingin ito sakin umiling ako dito habang napapangiti na ewan nakikita ko sa kaniya na magiging mabuti siyang kapatid yun nga lang yung kapatid niyang tyanak na manyak ay demonyo pero mabait din paminsan-minsan si bria







Oo nga pala mula nang mangyari ang insidenteng hinalikan ako ni devon madalas na lang ako nitong pansinin at tapunan ng tingin hindi tulad dati minamanyak niya ako na ayaw ko naman yung lagi niya akong inaasar na hindi na kagaya ngayon para nakong hangin na lang para sa kaniya nagbago siya nang hindi ko alam ang dahilan.






"Hindi ko matatanggap ang salamat mo syd.. Libre mona lang akong icecream" sabi ko sa kaniya binibiro ko lang naman ang babaeng ito syempre minsan lang kami magkausap dahil kapag nandito si bria hindi kami nag-uusap naging magkaibigan kami nang hindi niya nalalaman






"Ayun lang? Sige ba game ako diyan pero ikaw gagastos ah? Haha" natawa ako sa tawa niya hindi ako natawa sa sinabi niya..nakakahawa yung tawa niya "Djk lang oo sige payag ako grabe ka tumulong ah may kapalit?"






Napanguso naman ako sa sinabi niya binibiro ko lang naman siya "Syd naman! Binibiro lang kaya kita pero dahil sinabi mo nang ililibre mo ako talagang wala ka nang magagawa kundi ang ilibre ako" Natatawa kong sabi sa kaniya hindi ko napansin ang paglapit nito






"Ahm kung kiss na lang kaya? Kesa sa icecream para kasing mas masarap pa ang mga labi ko kesa sa icecream" Ako lang ba o sadyang may landi ang boses nito ng sabihin niya yun kaya napatigil ako sa pagtawa tsaka napatingin sa ibabang parte ng mukha niya gusto niya ng ganito sige sasakyan ko






Lumapit din ako sa kaniya dahilan para mapanganga siya ng konti at ang mga mata niya ay naging malikot "Hmm talaga ba?" Sabay hawak sa baba niya "Kung ganun papayag ka bang tikman ko na lang yan kesa sa icecream?" With kagat labi kong sabi sa kaniya para mas effective






"Ho-h-hoy nag aano - nagbibiro lang ako sinakyan mo naman agad ha ha ha" sagot naman nito gusto kong matawa pero pinigilan ko kasi may plano pa ako






"Kung nagbibiro ka ms. Pwes ako hindi kaya akin na lang yan ah? Titikman ko" Malapit na sanang magdikit ang mga labi namin ng makarinig kaming pareho ng nabagsak na.. Baso






Natulak ako ni sydney ng wala sa oras at para itong nakakita ng multo kaya taka kong sinundan ang tingin nito





"Bria?" Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at pangamba takot dahil baka kung ano na ang tinatakbo ng isip niya at pangamba para kay sydney






"Oh well naudlot ko ba ang dapat na mangyayari sanang halikan niyo? Sayang diba kaya nga lang hindi natuloy dahil naistorbo kayo" bawat salitang binibitawan niya ay may diin napatingin ako kay sydney na ngayon ay nakaharap kay bria






"Bria? Anong pinagsasabi mo diyan? Yung nakita mo-" magpapaliwanag sana ako kaya lang sarado ang utak ng babaeng ito "No need to explain uno para saan pa kung kitang-kita na naman na? Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin kay mom and dad enjoy ciao!" Mabilis itong umalis kaya kinalabit ko si syd







"Syd? Sorry sana hindi ko na lang sinakyan ang biro mo edi sana walang ganitong nangyari lalo ka tuloy na bad shot sa kapatid mo" napakamot ako sa kilay habang siya naman ay ngumiti lang nang pilit






"Asus ayos lang ako din naman may kasalanan kaya nangyari ito pero wag na nga tayong magsisihan" sa wakas ay ngumiti na ulit ito kaya numiti na din ako bumalik na siya sa pag-aayos






Lumipas ang dapit hapon ay nakarinig na kami ng mga bumubusinang sasakyan apat ito at sa apat na yun ay dalawang sasakyan lang ang alam ko kung sino ang nagmamay-ari






"Hala nandiyan na ang bisita nila Señorito't Señorita bilisan ninyo ang paghahanda" pagkasabi pa lang ng mayordoma? Ay agad na tumalima ang mga katulong kita kong nagpupunas ng pawis si sydney kaya nilapitan ko ito






"Pagod?" Tanong ko dito umiling lang siya tsaka tumayo "Medyo sumakit lang yung ulo ko tapos ito pinapawisan ewan" magulong sagot niya nag gala ang tingin ko sa kalooban ng bahay ayos ang pagkaka handa sa hindi sinasadya ay napako ang tingin ko sa isang babae na nakadress na puti above the knee






"Ahy kaya pala? Natulala sa ganda" wala sa wisyong napatingin ulit ako kay sydney "Baliw sinong may sabing nagandahan ako diyan sa kapatid mo? Mukha ngang mas maganda ka pa diyan" kita kong natigil ito sa pagtawa at namula ang magkaparehong pisnge





Hinintay naming pumasok ang mga sinasabing bisita maski ako ay excited makita ang bisita nila tito at tita






Hanggang sa may pumasok na nga "O im je! I kennat ! I kennat payt dis piling inimur" napangiwi ako dahil sa sinabi ng isa sa mga katulong nang makita na namin ang sinasabing bisita






Isang lalaki na sa tingin pa lang ay mayabang na maputi , hunk , matangkad , makinis ang kutis basta gwapo





"Mom ? Dad? Ito na ba yung bahay ng mga dela fuente?" Rinig kong sabi ni hunk boy sa mga magulang niya hindi kona narinig ang sagot mula sa mga magulang niya Pero teka?






May kamukha si hunk boy hindi ko nga lang malaman kung sino pero parang kilala kona din siya saan ko nga ba siya nakita?










=





=




=



=



=







O im je! Hindi ito pwede! Kuya siya ni devon?

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon