KABANATA 37

4.5K 154 22
                                    


Tahimik na paligid na tila ba nakikiramay sa'king kalungkutan at ang langit na napapaligiran ng ningning tumbas ng ningning sa'king mga mata.


Hindi ko lang mapigilan ang mapasabunot sa'king buhok habang iniisip ang mga katangahan na ginawa ko.


Muli kong binasa ang mensahe Galing sa ama ni devon na si sir harold sabi dito na kailangan kong panindigan ang anak nila dahil hindi sila makakapayag kapag sila'y tinakbuhan ko.


Kaya naman kahit mahirap at hindi katanggap-tanggap ay gagawin kona lang alang-alang sa magiging anak ko.


Kaya naman sinagot ko ang message ni sir harold oras na tumapak ulit ako sa bahay nila alam kona kung anong responsibilidad ang kakaharapin ko.


Kinaumagahan ay maaga akong pumunta sa bahay ng mga diaz kahit pa marami akong naiisip na hindi maganda ay tinuloy ko pa rin na pumunta sa bahay nila.


Muli nanaman akong hinarang ng guard nila na sa pagkaka alam ko ay ito ang unang humarang sa'kin.


Kaya naman tinanggal ko ang helmet tsaka tumingin dito na siyang kinataranta niya at kinayuko.


"Naku kayo po pala pasensiya na sa abala" agad nitong binuksan ang gate tsaka sumaludo sa'kin pero hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay ng mga diaz.



Pagkapasok ko lang ay agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap kahit hindi ko man makita ang mukha nito ay alam kona kung sino 'to.


"Dev bitaw nga muna" Naiinis talaga ako kapag naaalala ko na nasa ganitong sitwasyon ako.



"Anak mabuti pa siguro kung ipaghanda mo kami ng maiinom" mabuti na lamang ay dumating na ang ama niya na naka office attire pa.



Sinunod siya ni devon kaya naman inaya ako ni sir harold na sundan siya.


"Masaya ka ba ng malaman mo na magkaka anak kana?" Sabi nito tsaka umupo may pang-aasar pa sa tono nito.


"Ako kasi hindi.. nang malaman kong buntis ang anak ko ay hindi ako natuwa" Huminto muna 'to bago humithit ng sigarilyo "Ikaw ba naman mabahiran ng walang antas sa buhay ang anak mo" Tuloy nito na naiiling pa sa tipo ng pananalita nito ay alam kong nilalait ako nito.



"Uy don't get me wrong ha? hindi kasi ako-


"Dad here's your drink" biglang sumingit si devon sa usapan at inabot sa tatay niya ang maiinom ganun din sa'kin nagpasalamat naman ako.



Akala ko ay aalis na 'to pero nagkamali ako dahil umupo 'to sa'king tabi.



"Dad? anong sinasabi mo kay uno?" tanong niya sa ama na ngayon ay parang walang pang-iinsulto ang nangyari.



"Nothing anak tinatanong ko lang siya about sa baby" sagot ni sir harold sa anak.


Tumango-tango naman si Devon sabay baling sa'kin ng tingin.



"Sige na anak ako ng bahala sa kaniya magpahinga kana" Hindi ako nakarinig ng pagtutol kay devon.


Umalis na 'to pero bago siya tuluyang umalis ay may sinabi pa 'to pero hindi kona lang pinansin.



"Gusto kong pakasalan mo ang anak ko" diretsahang sabi ni sir harold habang binuga sa harapan ko ang usok.



"Ackk! Hindi.. hindi pa ako handa sir" Wala talagang galang ang matanda na lalaking 'to sa harap kopa binuga.


𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon