KABANATA 7

5.7K 187 3
                                    

UNO


Tapos na akong makapagpalit ng damit pero hindi pa dumarating si bria kaya nag-aalala na sila tito oscar at tita amandha maski ako ay hindi mapigilang mag-alala na baka napano na siya





"Oh my god! Bria.. Bria please answer your phone" sabi ni tita habang parito't paroon nakakahilo si tita sa totoo lang




Ilang beses na kasing tinatawagan si bria pero hindi nito sinasagot ang kaniyang cellphone maski ang mga malapit nitong mga kaibigan ay tinawagan na din ni tita't tito pero isa lang ang sinasagot nila 'Hindi ko alam' para tuloy akong nakokonsensya kung hinabol ko ba siya kanina baka nagkabati agad kami at nagkasabay umuwi? Hindi sana ito mangyayari



"Mahal calm down , uuwi din yang si bria para namang hindi mo kilala yang anak natin? Minsan na ding nangyari ito yun pala gumawa siya ng projects nila at yung minsan din diba? Busy siya para sa surprise niya satin? Alam kong hindi malayo satin si bria" pagbibigay salita naman ni tito oscar kaya kumalma naman si tita nagtungo na muna sila sa kanilang kwarto dahil masama daw kay tita ang masyadong mastress kaya ako na lang muna ang maghihintay kay bria



Kasalukuyan akong nasa kwarto ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya bumangon ako at tiningnan kung sino ito . tinungo ko ang banyo rinig na rinig ko ang tubig na rumaragasa kaya alam kong nandito na siya



Bumalik ako sa kama tsaka hinintay siya hindi din naman nagtagal ang paghihintay ko dahil bumukas na ang pintuan ng banyo at niluwa nito si bria na ngayon ay nagpupunas ng kaniyang basang buhok. Napalunok ako sa aking nakikita


Akala ko ay kakausapin ako nito ngunit nadismaya ako nang makitang nilagpasan lang ako nito at nahiga na sa kabilang parte ng kama gusto ko siyang kausapin hindi ako sanay na ganito siya katahimik.


"B-bria?" Pagtawag pansin ko dito pero para lang itong bingi na walang narinig "Bria? Alam kong gising kapa" saad ko pa humarap ito



"What? Didn't you see -" gulat ang rumihistro sa kaniyang magandang mukha maski ako ay nagulat sa ginawa ko Hinalikan ko siya!

"Why did you do -" hindi ulit ito nabigyan ng pagkakataong patapusin ang kaniyang sinasabi ng hinalikan ko ulit ito



"Sorry? Hindi ko alam pero pakiramdam ko kailangan kong humingi ng sorry sayo ewan ko ba ayaw kong nakikitang nasasaktan ka" nasabi ko dito Nakita kong naglumikot ang mga mata nito't hindi makatingin sakin ng diretso



"Tch! Pinagsasabi mo diyan? Ako? Nasasaktan at bakit naman?" Nagtatakang tanong nito sakin



"Ha? Ahm kasi nakikita ko sa mga mata mo.. Kung ako man ang dahilan niyan sorry" lumapit ako dito at dahan-dahang humalik sa kaniyang noo



"Hayst ang kulit Hindi naman ako nasaktan? Saan naman? Tsaka okay lang ako" pinalo pa Ko nito sa balikat at bahagyang nilayo sa kaniya d'un ko lang nalaman na nakayakap na pala ako sa kaniya yung isa kong kamay nakahawak na sa bewang niya



"Uy ikaw ah minamanyak mo ako.. Pero okay lang sayo lang ako magpapaman-" inis kong tinakpan ang bibig ni bria hasus ayan nanaman siya



"Masyado ka naman diyan! Nga pala hindi mo ata alam na kanina pa nag-aalala ang mga magulang mo lalo na si tita saan ka ba nanggaling?" Kunot noo kong tanong na agad naman niyang sinagot.



"Nag-aya bigla si .. Brix ah k-kaya ayun lumabas kami kain kain lang ganun" kabadong sagot niya hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at bakit naman ako naiinis?


Susme-_- kailangan kona atang pumunta sa albularyo para matingnan kung anong klaseng nilalang ba ang sumapi sakin at nagkakaroon na ako ng pake dito sa babaeng kaharap ko


"Hmm.. Kaya pala edi sana nag paalam ka sa mga magulang mo bago ka pumayag sa date date na yun! Tsaka hindi ata uso sayo ang sumagot sa cellphone" sabi ko nakatanggap ako ng kurot sa ilong


"Uy!! Nagseselos siya? Wag kang mag-alala babe sayo lang ako at walang naganap na date samin actually nilibre ko lang siya kaibigan ko lang yun hindi mo pa siya nakikilala pero kapag may time ipapakilala kita sa kaniya para sa ganun hindi kana magselos" kinurot ulit nito ang ilong ko grabe mapipisat na ito.



"Aray naman! Kung makakurot wala kang ilong? Yang sayo ang kurot-kurutin mo mas matangos yang sayo tsk tsk!" Kunwari'y galit ako sa pinagagawa niya sa ilong ko pero nakikiliti lang ako


"Ewan ko sayo tara na tulog na tayo" dumikit ito sakin at hinila ang makapal na kumot na lagi naming pinagsasaluhan



Tumango na lang ako sa kaniya naramdaman kong nakayakap na ito sakin yung ulo niya ay nakahilig sa dibdib ko at ang mga kamay niya'y nakayakap sakin tapos yung Ano niya nakadikit ng slight lang naman pero ugh nakadikit kasi ng konti sa Ano ko pero kailangan ko itong pigilan madali lang pa naman akong ahem alam niyo na yun


Unti-unti na ding nilamon ng dilim ang aking paningin nakatulog ako habang kayakap si bria.



Sabay na ulit kaming umuwi ni bria at masaya ako dahil masaya siya. Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti o di kaya naman kapag tumatawa siya



May importanteng lakad si bria ngayon kaya hindi kami magkasabay na pumasok kaya ako lang ang mag-isang naglalakad sa hallway nahihiya pa nga ako dahil sa mga nakatingin saking tao parang ngayon lang sila nakakita ng tao sa tanang buhay nila.



"Uno!"



Tawag sakin pero baka hindi ako yun dahil may uno din namang nag-aaral dito kaya naglakad ulit ako nang maramdamang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako dito



"Sa wakas" humugot muna sila ng hangin bago nagsalita "Kanina kapa namin tinatawag pero parang nasa itaas ang iniisip mo" dugtong pa ni Jokno sakin



"Tsk pa special gusto talagang ipagsigawan pa yung bulok niyang pangalan hayst!" Pailing iling ito at mayabang na nakatayo sa harapan ko masasabi kong para siyang tunay na lalaki dahil wala ka namang makikitaan dito na babae pala ito tsk pero naiinis na ako dito



"Anong sinabi mo?" Maangas ko itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa



"Hindi lang pala bulok ang pangalan mo pati pala ikaw bingi I don't know kung bakit ka nagustuhan ni bria?" Inayos nito ang buhok tsaka nakangising tumingin muli sakin "Hindi ang isang tulad mo lang ang kayang makatalo sakin Lalo na kay Bria " tinulak ako nito ng malakas kaya napahiga ako sa sahig



"My goodness jenemie stop it! Bruh, calm down wala sa usapan ito!" Tinulungan akong makatayo ni jokno mula sa pagkakahiga sa sahig marami na din ang nakakita ng pagtatalo namin ni jenemie


"Bruh ayos ka lang? Sorry sa nagawa ni jenemie ako na ang humihingi ng sorry sorry talaga" mabuti pa ang kaibigan niya



"Okay lang pakisabi diyan sa kasama mong hambog wag masyadong mayabang kung nalalamangan naman" ako naman ngayon ang napangisi dahil sa nakita kong reaction ni jenemie akmang susugod na sana ito pero agaran siyang naawat ng mga kaibigan niya



"Sige jok mamaya na lang tayo mag-usap kapag wala nang hambog na nakapaligid sakin sige" kumaway pa ako sa kanila



Nang maka alis na sa pwesto nila ay napahinga ako ng malalim mabuti na lang nakayanan ko ang jenemie na yun

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon