KABANATA 33

4.9K 186 28
                                    


wala sa sariling naglakad ako papuntang university na pinapasukan namin. Marami akong nakakasalubong na masasayang tao na para bang wala silang problema na iniintindi Samantalang ako heto durog.





"Hey?"






Isipin ko palang ang mga nangyari kahapon ay labis na sakit ang nararamdaman ko kahit hindi sabihin ni bria na buntis siya pero iba naman ang nagmamay-ari ang sakit na.







"Uno?"







Ginawa ko ang lahat para iwasan muna panandalian ang taong nagbigay pasakit sa'kin maaga din akong umalis ng bahay dahil ayaw kong makita siya.







"Hoy"







Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo siya pa ang nakuha kong pag-alayan ng pagmamahal ko bakit kasi siya pa? Napag-isipan kona rin ang pag-alis sa bahay ng mga dela fuente. pero hindi ibig sabihin nun ay susuko na ako gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya sa'kin kahit ikamatay ko pa.






"Aray!" biglang daing ko dahil may taong tumusok na matulis na bagay sa tagiliran ko.






Grabe mga tao ngayon! mapanakit! malayo pa undas uy dahan-dahan naman sa pananakit! nakakamatay eh.






"Finally!" Sabi ng nasa likod ko lilingon na sana ako ng maunahan ako nito't pumunta sa harapan ko.







"Anong nangyari? bakit lutang ka ata ngayon? ay mali bakit palagi kang lutang? any problem? share mo naman" Isang dilag ang nasa aking harapan ngayon.







Tiningnan ko muna siya saglit bago siya nilampasan ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay humarang muli ito sa'kin.






"Kung ano man 'yan Remember this, I'm always here for you" Nakangiting sabi nito tsaka hinawakan ang aking isang kamay kaya nagtataka ko siyang tiningnan.







"Duhh! Mala-late na tayo eh kaya hahawakan ko lang muna 'tong mga kamay mo baka maiwan ka Masakit 'yon " Makahulugang sabi nito tsaka ngumiti ulit na bigla kong kina-irita.








"Wag ka ngang ngumiti lumalabas yung mga dilaw mong ngipin" Pagsusungit ko kunwari para pagtakpan ang namunuong nerbyos sa'king katawan.







Sa sinabi kong 'yun ay napabusangot ito ang akala ko ay aalis na ito't mauuna na sa paglalakad pero nagkamali ako dahil bigla pa itong lumapit sa'kin na siyang kinaliyad ko.






"Ah ganun?" Nakakaloko ako nitong tiningnan tsaka lumayo ulit at may ginawa itong kalokohan na nakakadiri.







"Dilaw pala ha! ito oh bibigyan kita" kitang kita ko kung paano niya kalukutin yung bibig niya tsaka kiniskis ang isang kuko sa ngipin niya at matapos nun ay lumapit ito.







"Nakakadiri ka Dev!" ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit ay sumigaw ako tsaka tumakbo ng mabilis.







"Aba't hoy uno! sabay tayo wag mo'ko iwan!" Rinig kong sigaw niya tsaka tumakbo din at hinabol ako.








Mabilis pa namang tumakbo 'tong si devon.naaalala ko tuloy yung mga bata pa lang kami lagi kaming naglalaro ng habulan at lagi ako ang talo.









Habang tumatakbo ay hindi ko namamalayang napapatawa na pala ako ng malakas kaya napapatingin sa'kin ang mga kapwa ko estudyante na para bang nahihibang na ako ngunit wala duon ang pokus ko kundi nasa babaeng nasa aking harapan na ngayon.








𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon