UNO
Ano daw? Nabingi yata ako saking narinig tiningnan ko ito na parang nasisiraan na ng pag-iisip alam ko yung sinabi niya
"Ohh? Bria Nalia Dela fuente ?" Parang gulat na sabi naman ni devon para kasing iba ang tono ng banggitin niya ang pangalan ni bria
"The one and only" Nakataas kilay na sagot naman ni bria kaya hindi ko maiwasang maguluhan iba kasi yung mga tinginan nila parang ano mang oras ay handa na silang magsabunutan.
"Paano naman nagustuhan ni uno ang katulad mong matapobre? And look at yourself bria hindi ganiyang babae ang gusto ng Ex ko" malamang hindi magpapatalo itong si devon napatampal ako saking noo dahil sa nangyayari ngayon
"Excuse me? Nandito pa ako? Baka naman gusto niyo nang alam niyo na oras na kasi ng klase" singit ko sa dalawa na ngayon ay nagpapalitan ng nagbabangang tingin
Mabuti na lang unang nag paalam si devon kaya nakahinga ako ng maluwag "Anong sinabi nung babae na yun? Ex mo ba talaga siya?" Nilapitan ako ni bria sabay hawak sa kaliwa kong braso sa klase pa lang ng hawak niya ay nangigigil siya.
"T-teka hindi ba pwedeng pagkatapos na lang ng klase k-kasi ano male-late na ako , tayo" sabi ko dito huminga siya ng malalim at masamang tumingin sakin pati ba naman sakin? Inaano ko ba siya?
"Okay fine!" Marahas nitong inalis ang kamay mula sa braso ko tsaka nauna nang umalis sinundan ko ito ng tingin at napapailing na sumunod dito
Pagdating namin wala pa yung prof kaya agad akong umupo mahirap na baka maunahan ako "Hi best?" Napalingon ako sa katabi kong upuan napangiti ako dito siya nga pala ang bago kong kaibigan si Sachna Mer Victoramos tumango ako dito
"Uy nga pala nakita kita kasama si miss bria tsaka yung princess campus si miss devon" utsosera ang babaeng ito kaya naging kaibigan kona din siya
Aba tingnan mo nga naman princess campus pala si devon dito? "Yun ba? Naku n-nakikipagkilala lang ako kay dev-este kay miss devon" sagot ko naman dito ilang saglit lang ay dumating na ang prof namin. Paminsan minsan ay nakikita kong napapasulyap sa pwesto ko si bria kaya napapatingin din ako dito na nahuhuli naman niya
Lumipas ang isang oras ay nag bell na hudyat na tapos na ang klase kaya nagsitayuan na ang mga kaklase namin pero ako? Walang balak tumayo dahil may pag-uusapan pa kami ni bria
Nang wala na akong nakikita na kaklase namin ay tumayo si bria papuntang pinto kaya nangunot ang aking noo yun naman pala ay nilock niya lang ito bago pumunta sa gawi ko "Now talk!" Maiksi lang yun pero iba siya sa bria na nakilala ko dahil sa ibang tono ng pananalita ang ginamit nitoD'un ko lang naalala na galit nga pala siya sa mga tomboy o kahit na ano basta kasapi ng lgbt hindi kaya galit ito sakin at nandidiri? Tumikhim muna ako bago tumingin sa kaniyang mga mata nang diretso "Si devon Ano ahm first love ko" mukhang nagulat pa ito "Naging kami dahil s-sa ... M-may nangyari samin alam naming mga bata pa lang kami para gawin ang bagay na yun.. Hanggang sa nakuha ko ang puso niya at minahal na din niya ako sobrang saya ko nun pero sabi nga nila may kapalit ang mga sandaling saya , dahil sa likas na mayaman ang magulang ni devon ay napagpasyahan na nilang manirahan sa manila at naapektuhan ang relasyon namin.. Ayaw ko sa long distance relationship k-kaya nakipaghiwalay ako sa kaniya mahirap at masakit pero wala eh nagawa ko na" totoong may nararamdaman pa ako kay devon pero hindi na ito katulad dati
Tahimik lang siya habang naka crossed arms hindi ko maiwasang mapalunok "Kung nandidiri ka dahil sa-" nagulat ako dahil sumigaw ito
"SAGUTIN MO NGA AKO! MAHAL MO PABA SIYA?" sigaw nito malapit lang kami sa isa't isa pero kung makasigaw at ano? Anong klaseng tanong yan?
Naguguluhan ako kay bria sa mga kinikilos niya sa mga pinagsasabi niya sa mga salitang binibitawan niya naguguluhan talaga ako sa kaniya. Bakit mahalaga pang malaman niya kung mahal ko paba si devon o hindi na?
"Eh ano naman sayo kung mahal ko pa siya?" Sagot ko na lang dito parang gusto kong bawiin ang sinabi ko sa kaniya kita ko kasing lalo lang siyang nagalit
"DAMN YOU! FUCK YOU!" may pahabol pa itong hampas sa balikat ko gusto ko siyang sundan pero gusto ko na ding umuwi
Pagdating sa bahay nand'un na ang mga magulang ni bria pero wala pa siya? Dahil hindi kami nagsabay umuwi paano namang hindi pa yun umuwi? Nakakotse naman samantalang ako sumakay nang jeep o baka na traffic lang?
Binati ko sila tita Amandha at tito Oscar "Hello po tita, tito" nagmano na din ako na kinatuwa nilang pareho "Aba eh napakagalang mo talaga uno.. Alam ko na kung saan ka nagmana" wika ni tito oscar nang makaupo na sa upuan at nakaharap na sa hapag
"Oo nga mahal nagmana siya kay mama Arlyn kasing buti mo siya anak I remember pa nga nung mga bata pa lang kami nitong tito oscar mo siya palagi ang nag-aasikaso samin dahil sa mga busy ang aming mga magulang hanggang sa tumanda na kami nandiyan pa din siya" nakangiti nitong sabi. Napangiti na din ako
"Naku po tita kung nandun lang po kayo sa bahay naku hindi niyo na kailangan ng alarm clock" sambit ko sa kanila pareho pang nangunot ang noo nila "Kasi naman po yung bibig ni mama tinalo pa ang paborito kong rapper na si glock9 kaya talagang magigising ka sa inagay ni mama haha" sabay silang natawa ni tito oscar sa sinabi ko
"Nga pala uno nasaan si bria? Hindi ko siya nakita? Nagsabay ba kayo?" Tita amandha
Napakamot ako saking batok dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila "K-kasi po ano eh May ano traffic po kasi naisipan kong maglakad na l-lang po kaya nauna na akong umuwi" nakangiwi kong sabi
Kita kong tumango sila kaya nagpaalam na ako sa kanilang magpapalit muna ako ng pang bahay "Hoo Nasaan naman kaya ang babaeng yun?" Sabi ko ng makaakyat na ako sa kwarto naming dalawa
BINABASA MO ANG
𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪
Romance𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮♡ ✫ April 17,2019✰ ★ June 21 , 2020✔✫ 𒊹 @Ilovemyself_too(2018-2019) 𒊹 @Seanyorita (2020) 𒊹 @Seannnyoritooo (2020)