UNO
"Hello po Mam , sir?" Kunwari'y magalang na sabi nito kilala ko na ang mokong na ito pakitang tao lang niya yan pilit din kasi yung ngiting binibigay niya pero syempre hindi nila yun napapansin
Bahagya pang nagkatinginan sina tito't tita "Aba Juan ang galang mo naman tito na ang itawag mo sakin at sa asawa ko naman tita" nakangiting sabi naman ni tito oscar
"Ah sorry po , sige po tito ? Tita?" Sagot naman ni juan sa mga magulang ni bria. At teka magkakilala sila ni bria? "Uno nasaan nga pala si bria? Kanina nandito siya where is she?" Baling sakin ni tita amandha hindi ko alam ang isasagot ko
"Tita ah hindi ko po alam" kamot batok kong sagot kita kong napatingin sakin si juan yung kuya ni devon lumapit ito sakin
"Hey Parang nagkita na tayo? I dunno kung saan o kailan basta nakita na ata kita" napalunok naman ako sa sinabi nito
Juan Sixton Diaz siya ang nag-iisang kapatid ni devon naalala ko pa nga noon na mabigat ang dugo nito sakin lalo na nung nalaman niyang magkarelasyon na kami ni devon lalo itong nagalit sakin hanggang isang araw nalaman kong sinabi ni Juan yung tungkol samin ni devon syempre ano pa bang aasahan ko nagalit yung mga magulang niyang sina HIDALGO NAUDEV DIAZ na kaniyang ama at si KATE MILL TRAL - DIAZ na kaniyang ina isa din yun sa dahilan kung bakit kami pinaglayo ayaw nilang kami ang magkatuluyan
"Mom dad! Look oh! Kamukha niya yung dating .." At talagang pinuntahan pa niya yung mga magulang niya sabay turo sakin mabuti na lang nagpakita na si bria pero nakangiti na ito agad namang nagpakitang gilas si tutoy kaniya itong inalalayan hanggang sa makaupo na ito
Ako naman ay nasa nagpunta sa kusina pero rinig kopa din ang kasiyahang nangyayari sa sala "Bagay talaga kayo anak" rinig kong sabi ni mrs.kate sa anak niyang mukhang itlog sumilip ako ng konti para hindi halata
"Mom! Nakakahiya sikreto lang natin yun pero wala na may naka alam na" sagot ni juan kurimaw tsk yabang
"Bagay ba sila?"
Sinagot ko yung nagsalita "Hindi mukhang itlog yung isa"
"Eh nagseselos kaba?" Tanong ulit nito
"Tsk Nagseselos ako? Oo" sagot ko naman bakit nga ba ako nakakaramdam ng salitang selos? Ano ba ako sa kaniya ano ko ba siya? Higit sa lahat ano ba kami?
Nagtaka ako kung bakit ko sinasagot ang taong- tsk si sydney pala ang kausap ko na ngayon ay nasa likod ko pala
"Haha easy ka nga lang diyan! Pagkaka alam ko kasi type ni bria yan dati ewan ko lang ngayon" sabi niya at nakisilip na din sa mga taong masayang nagkukwentuhan.
"Anong pake ko sa kanila?" Naiinis kong sabi dito itong babae na ito lagi akong inaasar tsk iniwan kona lang siya at umakyat sa kwarto
Nakakabagot wala pa akong ginagawa dito sa bahay bigla kong naisip si mama at si dos grabe parang gusto kona silang puntahan sa probinsya nakakamis
Lumipas ang oras ay nagsi alisan na ang mga bwisita nila kaya ito kaharap ko si bria gusto ko siyang makausap dahil hindi niya pa din ako pinapansin naiinis ako sa inaasta niya na parang hindi niya ako kilala
"Ano bang problema mo bria? Pwede ko bang malaman kung bakit moko iniiwasan?" Mahinahon pang sabi ko sa kaniya at ang isa ay napaikot ng mata
"My problem is you and your slut ex" natulak pa ako mabuti na lang mabilis akong kumilos kung hindi baka humalik nanaman ako sa sahig
"Ha? Ibig sabihin may problema ka sakin? At bakit naman damay dito si devon?" Sagot ko nag uumpisa na akong mainis
"Tch! Ang manhid mo! Ang manhid manhid mo! Hindi moba alam kung bakit ako nagkakaganito? Hindi diba? Kasi manhid ka uno! Magsama kayo ng malandi mong ex!" Sumigaw ito at bahagyang pumiyok natulala ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya ako manhid?
Huli na nang maisip kong wala na siya sa harapan ko at alam ko sa nangyaring ito ngayon marami ang magbabago , maraming mawawala alam ko yun kasama nang mawawala si bria
Dalawang linggo -_- dalawang linggo na niya akong iniiwasan at sa dalawang linggo na yun nakakaramdam ako ng pagkamis sa kaniya mabuti na lang hindi napapansin yun nila tita dahil nagkukunwari kaming okay kapag kaharap namin sila
Maski pagpasok ay hindi na kami nagkakasabay nagtaka si tito at tita kung bakit hindi na ako sumasabay kay bria sabi ko na lang na sinasanay ko lang ang sarili kong wag umasa sa iba dahil d'un ay binilhan ako ni tito ng motor medyo gulat ako dahil sa pagbigay niya sakin ng motor nung una ayaw kong tanggapin pero nagpumilit si tito kaya wala nakong nagawa kundi ang tanggapin na.
Pinarada kona ang motor lunes ngayon kaya may pasok medyo kinakabahan pa ako at syempre excited dahil makikita ko ulit si bria hindi kopa pala nasabi sainyo na bigla din itong lumipat hindi na siya nakatira sa bahay nila nalungkot ako sa ginawa niya alam ko naman paraan niya yun para makaiwas sakin
"Woah ayos pormahan natin ngayon ah?" Biglang nagsalubong ang mga kilay ko ng makasalubong ko din ang taong bwisit
"Tabi" mahinahon kong sabi pero ang bwisit ayaw umalis at kapag sinusubukan kong tumawid sa kabila ay sumusunod ito dahilan para hindi ako makadaan.
"Kalma masyadong hot? Ahm gusto sana kitang iinvite sa party ko you know lahat sila pupunta at nakakahiya naman kung hindi ka pupunta na ako pa mismo ang nag-invite sayo diba? Isang monterozi?" Mayabang talaga ang isang ito kailangan kong magpigil.
Para matapos na ay sinapak ko siya.. Djk lang kinuha ko na lang yung invitation card at tama nga ako umalis na ito habang nakangisi palaging ganiyan yan kapag nagkikita kami parang laging may masamang plano
Pumasok na ako sa room konti pa lang ang tao kaya umupo ako at yumuko mga five minutes pa bago dumating ang professor
"Hello best?" Napatuwid ako ng upo ng marinig ko ang sigaw ni Sachna tsk ang babaeng ito parang nakalunok ng megaphone sa tindi ng sigaw
"Bakit?" Walang gana kong sagot "Best naimbitahan ako ni jenemie oh moo!! Ikaw ba best?" Parang kinikilig na sabi nito alam kong may gusto ito kay jenemie
"Oo at wala akong balak na pumunta " ewan ko ba hindi maganda ang pakiramdam ko sa party na yun "Whattt? Pumunta kana best! Eh kung hindi ka sasama hindi na din ako sasama" nakalabi itong tumingin sakin ayaw kong pumunta pero hayst
"Hayst Oo na oo na" sukong sabi ko
BINABASA MO ANG
𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪
Romance𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮♡ ✫ April 17,2019✰ ★ June 21 , 2020✔✫ 𒊹 @Ilovemyself_too(2018-2019) 𒊹 @Seanyorita (2020) 𒊹 @Seannnyoritooo (2020)