Abala ako sa pagmamasid sa'ming paligid habang 'yung iba naman ay nagkakasayahan na at nagkakamustahan tungkol sa pangyayari.Natigil lang ako sa pagmamasid nang may pumitik sa'king noo dahilan nang pagbaling ko dito.
Inabutan muna ako nito nang Beer tsaka tumabi sa'kin at sinimulan na niyang inumin ang kaniyang hawak na alak.
"Congrats Uno" Nakangiting bati sa'kin nang kapatid ko kaya naman hindi ko mapigilan ang ngumiti dito.
"Salamat Dos , Pero bakit ganiyan naman ang itsura nang mukha mo?" Bigla kasi akong nag-alala sa ekspresyon nang kaniyang mukha baka may nangyari dito ma hindi ko alam.
Napahinga muna ito nang malalim bago sinagot ang tanong ko. "Ih , Kasi naman.. buti ka pa kasal na eh ako? Ni hindi man lang ako tinanong ni Edward" Sabay baling niya sa pwesto nang boyfriend niya na abala din sa pakikipag-usap sa pamilya nila.
Muntik na akong matawa dahil sa sinagot niya pero inayos ko pa rin ang aking ekspresyon para hindi niya mahalatang muntikan na talaga akong matawa sa sinagot niya.
Alam ko naman talaga na si kuya Edward at Dos talaga ang magkakatuluyan Paano ko nasabi? Dahil pareho silang dalawa na may taglay na kalandian sa katawan. Tsaka hindi na ako nagtakaka kung bakit naging sila alam ko naman type na siya agad ni kuya Edward nang mapadpad ito sa bahay namin kasama ang kapatid na si bria.
Isa lang talaga ang masasabi ko. Sa sobrang daming nangyari hanggang ngayon sariwa pa rin sa ala-ala ko 'yung nangyari. Alam kong isang taon o mahigit na ang nakakalipas pero matindi talaga ang pinsalang nagawa ni Xia sa'ming lahat.
Akala ko noon katapusan na naming tatlo at talagang pina-alis ko talaga si bria sa lugar na 'yun para hindi na siya madamay pa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't gusto kong samahan si devon hanggang sa sumabog na lang ang bomba.
Kung tatanungin niyo kung kumusta na si devon? Masasabi kong nasa mabuting kalagayan na siya masaya ako dahil pareho kaming naligtas sa pangyayaring 'yun.
At dahil sa pangyayaring 'yun ay naging mag-kaibigan na ulit kami ni devon na siya namang laging kinaseselos ni Bria sa'ming dalawa ni devon. Kesyo daw diyan daw kami nagsimula at baka bumalik ulit kami sa dati at baka marealize ko na si devon talaga ang mahal ko at hindi siya. medyo naiinis na ako sa kaniya pero kinakalma ko talaga ang sarili ko para hindi ito masaktan.
Hanggang sa Lagi na lang nagseselos si bria kay Devon kaya naman nilinaw ko ang namamagitan sa'min ni Devon , Sinabi kong mag-kaibigan lang talaga kami at wala nang iba pang pwedeng idagdag pa dun.
Pero hindi naniniwala si bria dahil sa ilang buwan siyang nawala at baka nga pinagpalit ko na daw ito na siyang kinailing kona lang.
Hanggang sa Hindi kona makaya ang pagiging selosa niya kaya ito , Inaya kona siyang magpakasal para sabihin sa kaniya na siya lang ang babaeng mahal ko at mamahalin pa hanggang kamatayan.
Sinakto talaga namin ang Kasal dahil kanina ay graduation day namin at pagktapos nun ay dumiretso na kami sa simbahan para magpakasal na.
"Hintayin mo lang , Wag kang magmadali" Sabi kona lang kay dos dahil ang totoo niyan alam ko na magpopropose din si Edward sa makalawa sadyang pinauna lang kami.
BINABASA MO ANG
𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪
Romance𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮♡ ✫ April 17,2019✰ ★ June 21 , 2020✔✫ 𒊹 @Ilovemyself_too(2018-2019) 𒊹 @Seanyorita (2020) 𒊹 @Seannnyoritooo (2020)