U N O
"Let's Talk"
Napahilot ako sa'king sentido tsaka ipinikit ko ang mga matang hilam na.
Ang buong akala ko ay masaya na ang araw ko pero heto't pinoproblema ko nanaman ang lahat na pilit kong winawaglit sa'king isipan.
Ibinalik ko sa'king bulsa ang cellphone hindi ko 'to nireplyan dahil wala naman akong maisip na isasagot mabuti nang walang isagot sa text niya alam ko rin namang hindi niya ako sasagutin.
"Uno?/bessy" Sabay na sabi ng dalawang nag gagandahang mga dilag.
"Napag-usapan namin nitong si beshy Dev na isama ka sa party namin mamaya right dev?" sabay baling niya sa isa na nakatingin lang sa'kin.
"Yeah,so sana sumama ka dahil 'to lang ang una nating bonding" Sabi naman ni devon habang nakangiti.
Napailing na lamang ako sa dalawa,Ang akala ko ay mag aaway ang dalawa dahil ng magkita sila ay nakataas na ang kanilang kilay sa isa't-isa pero nagkamali ako.
"Duhh! I know her na kaya" Conyo na pagkakasabi ni sachna kaya napatawa na lamang kaming dalawa ni devon nung mga oras na yun.
Doon ko lang nalaman na magkakilala na nga pala sila si sachna nga pala ang matagal nang nag-aaral dito kaya halos magkakilala na rin sila ang sabi nila hindi sila close pero ngayon.
"Oo nga naman uno dapat sumama ka! dalawang linggo tayong walang pasok" Sabat ni sachna na parang gusto na akong sabunutan.
Hindi nga ako pwede dahil magkikita kami ni bria baka kasi importante ang sasabihin niya ramdam ko 'yun dahil kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.
"Pwedeng next time? sunod na linggo sama na ako sa inyo" Sagot kona lang sa kanila pero nakita kong napatirik ang mata ni devon hmm patirikin ko yan sa sara- charot.
"Okay" Si devon na ang nagsalita akala ko ay pumapayag na sila na sa susunod na lang pero hindi pa pala siya tapos "Kapag hindi ka sasama well hindi ka namin papansin ni sachna" Sabay crossed arms ni devon sa harap ko kaya napalunok ako ng sarili kong laway.
Yung Ano niya! naiipit kaya nagmumukhang malaki lalo yung ano niya!.
"Hayst Oo na po sasama na ako" kunwaring naiinis na pagkakasabi ko.
"Then good, hihintayin kana lang namin ni devon sa bahay ng mga dela fuente" Nakangising sabi ni sachna. alam ko ang mga naglalaro sa isip nitong si sachna tsk! as if namang magseselos si bria kapag nakita niya si devon na kasama ko.
"Oo na nga" Nakukulitan ako kay sachna gusto ko tuloy siyang konyatan ng marami.
Natatawang lumapit sa'kin si devon tsaka hinawakan ang magkabilaang kwelyo ko kaya wala akong kawala.
"Don't worry kami ang bahala sayo mamaya" Sabi nito na may kasamang kagat sa labi na para akong inaakit.
Lumapit din si sachna tsaka tinanggal ang pagkakahawak ni devon sa kwelyo ko. "Tch! Ang landi niyong dalawa , Tama na 'yan dev Nandyan si bria " hindi ko na narinig yung huling sinabi ni sachna kay devon.

BINABASA MO ANG
𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪
Romans𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗨𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮♡ ✫ April 17,2019✰ ★ June 21 , 2020✔✫ 𒊹 @Ilovemyself_too(2018-2019) 𒊹 @Seanyorita (2020) 𒊹 @Seannnyoritooo (2020)