Chapter 18

1.8K 63 12
                                        



I won our 1v1 game yesterday. As expected. Hahahaha. Pero unlike before, he was not that upset when he lost. He was so energetic the whole time kahit pa napapatay at tinatrashtalk ko siya. He would always say lakas naman ng Bea ko and I would blush from embarrassment kaya hindi nalang ako naimik.

Since it's a Bea-Thirdy kind of game, hindi pwedeng walang kapalit kapag natatalo. It was supposed to be money, kasi yun naman talaga lagi pustahan namin. But it was different this time.

Everything became so different after yesterday. Everything feels nice and bright. Parang nakasafe guard ako at 1% lang ng sadness yung pwedeng tumama sakin.

Oh naks. Pakacorny ko naman. Sarap tumalon ng bente.

*beep beep*

Tumayo agad ako at mabilis na pinatay ang TV. Nilock ko din ang bahay before running to the gate.

I saw him standing there already and I almost fall kasi hindi agad ako nakatigil. Buti nalang nasambot niya ko.

"Are you that excited to see me?" nakangising tanong niya sakin while holding both of my arms.

I blushed on what he said. Hindi pa din ako sanay. Ang hirap din kasing ideny ng mga bagay na obvious na obvious na naman.

"Yes." I answered with confidence.

He was taken aback with my answer. Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya kaya natawa nalang ako.

"Tara na nga." Sabi ko nalang bago siya hinila papunta sa sasakyan.

I told him yesterday na I want to go beaching. Sakto naman na yayakagin niya din dapat ako kasi nakakuha siya ng coupon from a relative in Nasugbu. 50% off for day tour. The resort is called Canyon Cove. It's located in Nasugbu Batangas. Nirecommend din nila Ate Ly samin kasi they've been there before. And the service, foods, views are really great daw.

I was still excited until now. Pero ilang minuto na ata akong nakaupo sa loob ng sasakyan pero hindi pa din pinapaandar ni Thirdy ang makina.

I looked at him with confusion. "What's wrong?"

He looked at me sadly. Nagulat ako sa reaksyon niya. Para siyang batang paiyak na pero halata namang nagpapaawa lang siya for some reason.

"Kiss ko?"

Agad akong namula sa sinabi niya. What the hell!! Where did that come from?!

"G-gago! Tigilan mo nga ko!" sita ko sa kanya bago itinutok sakin ang aircon sa tapat ko.

"Fine then. No kiss, no beach."

I looked at him unbelievably. Pero mukhang seryoso siya dahil talagang nakacross arms pa siya.

I groaned in defeat.

"S-sa cheeks lang ha!" sabi ko sa kanya and he smiled.

He leaned sidewards para mas malapit yung pisngi niya sakin.

Okay Bea, kaya mo yan. Just make it quick para matapos na.

I sighed bago lumapit sa kanya para ikiss siya sa cheeks. Pero this jerk suddenly turned his head nung sobrang lapit ko na sa kanya kaya I ended up kissing his lips.

He smiled like a fool leaving me hanging.

Hindi nalang ako umimik kasi alam kong mauutal lang ako, mas nakakahiya.

Let's make it realTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon