"Bar?"
Paglilinaw ko sa kausap kong si Jia. Maaga pa at nagising lang ako sa tawag niya. Nakalimutan kong i-off ang phone ko kagabi.
[Yes. Mamaya. Please comeee.]
"Anong meron?"
[I think Miguel and I broke up.]
Natigilan ako sa sinabi niya at agad na napabangon mula sa kinahihigaan ko.
No way.
"Tangina seryoso ka ba?"
[I have to go. Red Hub, 8 pm okay? Love you!]
Pinatayan niya na ko bago pa ko makaangal. Bumalik nalang ako sa pagkakahiga at chineck ang twitter niya.
Si Migs pa din naman cover niya. Ganun din naman si Miguel.
Pano na yung paniniwala ko sa forever kung nagbreak talaga sila?
Chineck ko nalang ang message app ko. Malalaman ko din naman mamaya kung totoo ba yung sinasabi niya. Humanda lang talaga siya sakin kapag ginamit niya lang yung excuse para mapasama ako sa bar. Tsk.
"Bei! Over here!"
Hinanap ko sa magulong crowd yung boses ni Jia. I saw her with the rest of the team.
Madaming alcohol ang nakahain sa lamesa at wala pang nakabukas doon.
"Are you okay?" tanong ko agad sa kanya nung makalapit ako.
She laughed. "Oo naman! Hindi ba dapat?" tanong niya na parang ang tanga ko masiyado para kamustahin siya.
Tatanungin ko pa sana siya about kay Miguel nung may tumawag naman sa kanya. Umupo nalang ako kasama ng mga teammates ko. They greeted me and I greeted them back.
"Bakit pati mga batang yan nandito?" I asked Kat while looking at our rookies.
"May i-aannounce daw si Jia eh. Mahalagang important." sagot niya.
"Bakit kailangan sa bar pa?"
Kat shrugged at bumalik na sa pagpophone.
Hinanap ng mata ko si Jia and I saw her with Miguel. They look happy.
Napairap nalang ako nung makitang papalapit sila samin. Magka-holding hands pa.
"Sana all naghoholding hands kahit break na." I smirked at her.
Nagulat naman ang ibang teammates ko sa sinabi ko.
"Break na kayo?!" Maddie.
"Akala ko ba celebration to?" Kat.
"Celebration ng ano?" Ponggay.
"Hindi niya sinabi?" Kat.
"May celebration?" Deanna.
"Well she told me na break na 'ata' sila ni Miguel." sagot ko naman.
Napatingin kami lahat kay Jia na nagkakamot ng ulo. Pati si Miguel na nasa tabi niya ay iiling iling na din.
Oh God, this woman is really something.
