Chapter 27

1.7K 38 7
                                        



Thirdy

"Kuya naman eh! Kapaplantsa ko lang niyan!" reklamo sakin ni Dani nung guluhin ko buhok niya.

"Alin ang bagong plantsa? Eto ba? Ha?" Sumunod na dumating naman si Manong na ginulo din ang buhok ni Dani.

Tawa kami ng tawa habang paiyak na ang mukha ng bunso namin.

"I hate you both!" sigaw nito sabay bato ng unan na naiwasan naman namin.

"We love you too." mapangasar na sagot namin ni Manong bago tumawa.

Katatapos lang ng training ko ng tawagan ako ni Mom. May importante daw kasi silang sasabihin ni Dad.

Akala ko about sa tres ko sa Phil History, pero mukhang hindi yun ang sasabihin nila since nandito din si Manong.

Minsan nalang umuwi yan kasi nakatira na siya sa condo nilang dalawa ni Ate Ly.

Mapapa-sana all ka nalang talaga.

Samantalang kami ni Bea..argh. Bakit ba kasi pagdating sa kanya natotorpe ako.


Napalingon kaming tatlo sa pintuan nung bumukas 'yon. Bumungad si Mom na mukhang pagod at si Dad na seryoso ang mukha.

Napaayos naman kaming tatlo ng upo. Kapag ganito kasi ang aura nilang dalawa, alam namin na seryoso ang pag uusapan.


Ngumiti si Mom nung makita kami. Isa isa niya kaming bineso bago umupo sa tabi ni Dad sa maliit na couch. Di bale nasa mahabang couch kaming tatlo habang nakaharap sa kanila.

Halata sa mukha ni Mom na hindi siya mapakali, napansin ko naman ang paghawak ni Dad sa kamay niya.

"Okay so, i'm gonna be needing you guys to hear us out first before you utter another word. No questions while we're talking. Bibigyan namin kayo ng time para magsalita. Are we clear?" panimula ni Mom.

Sabay sabay kaming tumango na parang mga tuta. Mas lalo tuloy akong nacurious dahil mukhang seryosong seryoso sila.

Madaming sinabi si Mommy at hindi agad 'yon naprocess ng utak ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na may nakatayo nang lalaki sa harapan namin.

"This is Fordinand Alex, your sibling, and Thirdy's twin."

Walang umimik samin. Pati mga kapatid ko ay hindi din umiimik at mukhang nahihirapan din iprocess ang nangyayari.


"Can we talk now?" dinig kong tanong ni Manong.

Hindi ko siya nilingon dahil nakatitig lang ako sa isa pang..ako.

Halos parehas lang kami ng katawan at kulay. Magkaiba lang kami ng gupit ng buhok at napansin ko ding may taling siya sa may baba niya.


"Bakit niyo tinago 'to samin?" tanong ni Manong na mukhang naguguluhan din.

"We wanted to tell you pero masiyado pa kayong mga bata non at alam naming hindi niyo maiintindihan." mahinahong sagot ni Mom.

"So you guys waited for 20 years bago niyo naisip na sabihin samin 'to?" sagot pa ni Manong na mukhang hindi din matanggap ang nangyayari.

"Things got worse anak. And..and we don't want you guys to get involve. Mahirap na sa part namin na nagsusuffer yung isa sa inyo, baka hindi ko na kayanin kung pati kayong tatlo madamay." naluluha na si Mom kaya agad naman siyang kinomfort ng tatay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's make it realTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon