04SPBF
The Comment
Ayoko mang pansinin tong gagong to pero napaka papansin talaga. He's really mad dahil hindi ko siya isasama sa two weeks vacation ko. Akala mo naman boyfriend siya kung makapag demand,daig pa niya si luis!
I rolled my eyes at nagpatuloy lang sa pakikipag text kay luis habang nagrereklamo ang galit na galit na si Anton sa unit ko. Kung hindi lang talaga may utang na loob kami ni dad sa kaniya ay nasapak ko na sya.
"I am going with you. Whether you like it or not. Can't you see? I am exerting my effort to bring back your trust. Hindi to maaayos kung ayaw mong ayusin!" He shouted.
I just looked at anton,"Anton,can you stop acting like a boyfriend? Unang una,ikaw ang gumawa ng katarantaduhan mo kaya wag mokong idamay. Pangalawa,ayaw kong kasama ka o makita ka o kahit marinig ka dahil sukang suka nako sa pagpapanggap natin. Kaya umalis kana bago pa kita ipakuha sa mga guard!"
He looked shocked. But i got shocked even more when luis grabbed anton's collar and punch him right straight on his face. Nasa sahig ngayon si anton at tila gulat din aa pangyayari.
"The next time that you'll messed up with Felice,i swear Anton,hindi lang iyan ang aabutin mo" inayos niya ang kaniyang longsleeve at pinanood na tumayo si anton habang iniinda ang labi niyang nadugo "Fucking hear me,Anton? You didn't want to make the tables turn because you know that that's where I'm good at"
Agad na lumingon saakin si luis at nilapitan ako. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakagalaw at hinayaang lumabas ng unit si anton.
"I'm not done with you yet!" Sigaw niya saamin habang iniinda ang sakit sa muka.
"Then go ahead and do your best. I'll watch you try" Luis said,ni walang bakas ng emosyon.
Hindi ako makagalaw. Panay ang pag galaw ng panga niya at hindi maitago ang galit sa kaniyang mga mata. Lumunok at nag iwas ng tingin.
"Are you hurt?" He asked.
Umiling ako at hindi umimik. Ni hindi niya sinabi na pupunta siya. He's just telling me that he finished a case and that's it. Tapos ay bigla siyang narito. Gayong hindi naman sabado.
Hindi na niya muli akong tinanong at nagpunta sa pinto ko. He's checking the locks and all as i watch him being frustrated nang dahil sa pinto.
"Why are you here anyway?" I asked at naghanda ng dalawang plato para sa agahan. Hindi ko na natuloy ang ginagawa dahil sa pamemeste ni anton saakin.
Now I changed my mind. Ayoko na ng antonio dahil kahit anong lapit ng pangalan nila ay napakalayo ng agwat ng ugali. Malayong malayo.
"Just checking if that Anton is here and I'm fucking right" singhal niya at naupo sa tapat ko.
Kinuha niya ang aking plato at saka nilagyan ng pagkain. Ayoko sanang bigyan ng malisya ang mga ginagawa niya ngunit paano? Kung patuloy siyang ganito.
"Coffee or milk?" I asked.
"Coffee" hinubad niya ang suot niyang longsleeve at nagderetso sa aking kwarto para kumuha ng tshirt. Noong isang araw ay nagdala na siya ng ilang damit niya rito para raw in case of emergency "Why are you tolerating that ass?"
"Luis,may utang na loob kami ni papa sa kaniya. And kakagaling lang ni papa sa sakit,right? I couldn't risk his health. Gayong botong boto siya kay anton at tingin niya ay kami na talaga"
Hindi na siya ulit nagsalita at patuloy nalang kaming kumakain sa hapag. Hindi ko mapigilang sumulyap sa kaniyang mga mata. Kulay kape ang mga ito at kapag natamaan ng araw ay mas lumulutang ang kulay. Ang kilay niya,bumabagay sa kaniyang muka. Ang labi niya,napakalambot at napakapula. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Strings Pulled By Fate(DLS#1)
RomanceAurora Felice Guillermo,rumored to be fucking her dad's lawyer- What a headline in the making.