Hinarap ko na sya at binigyan ng isang malakas na sampal. A slap that will make him realize his place.
"Dapat lang yan sayo. You should know your place. Wag kang mapapel, Leo. Hindi kita boyfriend, butler lang kita. Trabaho mong batayan ako, at hindi ang pakialaman ako. Akala ko matalino ko dahil akala ko ay maiintinidhan mo ang bagay na 'yon pero hindi pala."
Serve him right. Umalis na ako at dumiretso sa kwarto ko at nilock ito.
I feel like my life becomes a living nightmare because of that guy. I hate him being so controlling.
"Lili .." tawag nya sakin pero tinalikuran ko lang sya at umalis na. Hindi ko dapat sinasayang ang oras ko para sa isang katulad ni Leo.
------
Leo's Point of View
Tinawag ko ang pangalan ni Lili pero hindi man lang nya ako pinansin. Aaminin ko, naiinis na ako, trabaho ko na bantayan sya at para hindi sya mapahamak. Isang matalik at mahalagang kaibigan ang turing ko kay Lili kaya hindi ako papayag na nagkakaganyan sya sa Jinn na hindi.
Wala akong gusto kay Lili, sa katunayan parang nakakabatang kapatid na nga ang turing ko sa kanya kahit magkaedad lang kami. Lumaki na kasi akong binibilin sya sakin ng mga magulang ko hanggang sa ngayon na ako ang butler nya at bodyguard nya.
May binigay saking responsibilidad na dapat kong gawin at ito rin ay ang ilayo si Lili sa lalaking 'yon.
Lalaki ako kaya malakas ang pakiramdam ko na may kakaiba sa lalaking 'yon kaya nagresearch ako tungkol sa lalaking 'yon at natuklasan ko na habulin sya ng mga babae sa loob at labas ng school. Ilang mga babae na rin ang nakarelasyon nya, kulang pa ang bilang ng mga daliri nya sa kamay at paa kung bibilangin mo ang lahat ng babaeng nakarelasyon nya.
Hindi rin sya tumatagal sa isang relasyon. Ang pinakamatagal na nyang naging relasyon ay isang buwan. Hindi kinaya ng babae ang pag iwan sa kanya ni Jinn kaya ang huling balita na lamang sa kanya ay nagpariwara na daw, may nakakitang naging g.r.o. na daw sa isang mumurahing bar.
Naglabas ako ng isang buntong hininga. Dapat gumawa ako ng paraan para matigil na ni Lili ang kabaliwan nya sa lalaking 'yon. Pero paano?
--------
Lili's Point of View
Wala akong pakialam sa sasabihin ng lalaking 'yon, hindi naman sya mahalaga at si Jinn ang mahalaga. Kung pwede nga lang si Jinn na ang gusto kong makasama sa bahay at araw araw kong makita sa araw araw kaso hindi pwede.
Ang sama ng ugali ni Tadhana noh? Pinaghihiwalay nya ang nagmamahalan at pinagsasama ang ayaw sa isa't isa.
Pabagsak akong humiga sa higaan ko at tumingin lang sa may kisame. Ano kayang magandang gawin mamaya? Saan kaya magandang pumunta para hindi ko makita ang lalaking 'yon?
Hanggang sa may naisip ako.
Kinuha ko agad ang phone ko na nasa bulsa ko at dina-al ang number ni Jinn.
"Yes, babe!"
"Hotsun Midnight Bar, tonight!" saad ko. Napangiti ako. Nababalitaan ko lang na maganda daw dun pero ni minsan ay hindi ko binalak na pumunta dun, alam magagalit si Leo at panigurado ay hindi sasama ang kambal.
"Sure. I'll be there at 9"
"Great. I love you" hindi ko mapigilang sabihin sa kanya na mahal ko sya. Hindi lang mahal kundi mahal na mahal pero hindi ko muna sasabihin sa kaya para kasi matakot ko sya.
Narinig ko syang ngumisi. Oh! I love his voice.
"See you later babe!" at sya na ang nagbaba ng tawag.
Napatingin ako sa may pinto habang nakahiga. I guess, I don't have to see you later, Leo.
Itutuloy ...

BINABASA MO ANG
Don't You Ever Fall, Leo ✔️
RomantikLili is one lucky girl, she's rich and popular and all the boys in her school will do anything just to be labeled as her boyfriend. Many boys want her but her heart only belongs to one guy and that is Jinn, the school's player. She will do everyth...