Chapter 30

67 2 0
                                    

"Lili, okay ka lang ba?"

Kanina pa ako nakatulala dito sa may bintana ng sasakyan. Tama ba ang naging desisyon kong maging masaya si Leo? Oo naman diba? Pero bakit hindi ko mapaniwala ang sarili ko na tama ito?

"Lili .."

Wala na naman ako sigurong magiging problema kung magkagusto sya sa iba diba dahil in the first place ay ako naman ang dahilan kung bakit natali sya sakin diba? At ako rin ang makakagawa ng paraan para makaalis sya dito,diba?

"Lili ... hindi mo ba talaga ako kakausapin?"

Sana maging masaya si Leo sa magiging desisyon ko. Malay mo diba, kapag naging masaya na sya at kapag may magustuhan na syang iba ay maisipan na nyang iwan ako dito. In that way, magiging malaya na sya at hindi na sya masasakal sa kasal na 'to.

"Galit ka ba sakin?"

Hindi na siguro magiging problema na may magkakagusto kay Leo dahil ung Cindy na 'yon ay nagkakagusto sa kanya.

"Lili .. please .."

Agad naman nawala ang iniisip ko ng bigla na lang pinarada ni Leo ang sasakyan sa may gilid ng kalsada at bigla na lang akong niyakap.

Nagulat ako sa ginawa nya kaya agad ko na lang syang tinulak papalayo. Maging sya ay nabigla din sa ginawa ko kaya naglabas na lang sya ng isang buntong hininga at pinagpatuloy na lang nya ang pagmamaneho.

Ilang araw din ang lumipas ay napagdesisyunan ako na ang mag aayos ng necktie nya and such. Sinisigurado kong mabango sya at gwapo para kung sakaling may magugustuhan sya ay pwedeng pwede na.

Tanga na kung tanga pero kung may nararamadaman man ako kay Leo—- wala akong nararamdaman kay Leo, wala nga!

Ah! Basta, pag may nagustuhan na syang iba ay pwedeng na nya akong iwan. At bukas sa puso ko itong tatanggapin ng buo dahil alam kong ito ang magpapasaya sa kanya.

I want Leo to be happy.

Pagkaalis ni Leo ay sya namang pagpunta ko sa dating kong bahay. Nais kong bisitahin sina Mom and Dad and to start living my life.

Isang taon ko na ring sinayang ang buhay ko kaya mas maganda na sigurong I make the best of it na.

"My princess, how are you?" Agad naman akong niyakap ni Mom. Napangiti naman ako at niyakap sya ng mahigpit.

"I missed you so much, Mom"

Nasa ganun kasing posisyon ng madatnan kami ni dad na syang yumakap din sakin ng mahigpit. Hindi ko na rin napigilang mapaluha na syang napansin ni Mom.

"May problema ba kayo ni Leo, anak?" Isang pilit na ngiti at pag iling ang naging tugon ko.

At pagkatapos ay muli ko silang niyakap.

Napag usapan din namin ni Dad na panahon na para pag aralan ko ang pagha handle ng company dahil ako rin naman ang magmamana nito.

Pinapili ako ni Dad sa mga company namin. Masyado kasing malaki ang Reed Group of Industries para isa lang ang pamahalan kaya napagdesisyunan kong sa may airline ako. Sobrang layo sa Real Estate na kasalukuyang pinamamahalaan ni Leo as COO.

Nabigla ako ng agad na binigay sakin ni Dad ang CEO na posisyon kahit na wala naman akong ganun kaalam pero he assure me na he will be there in every step of the way.

Ilang araw pa ang lumipas at nagsimula na rin ang first day ko bilang CEO in training dito sa aming Reed Airlines  under Reed Group of Industries.

Aaminin ko naging mahirap para sakin ang lahat. Marami akong kinailangang i-adjust pero I know that it's all worth it.

Magiging masaya si Leo kapag hindi na nya ako nakikita. Yes. Dahil hindi na rin ako masyadong nakakauwi sa bahay dahil sa hindi ko rin malamang kadahilanan ay naging workaholic na rin ako na dumating na rin sa puntong bumili na rin ako ng sarili kong penthouse para lang maging malapit ako sa trabaho ko.

Pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay hinahanap ko parin si Leo. Nakakainis mang aminin pero namimiss ko sya.

"Lili, stop it!" Nakailang bulong na ako sa sarili ko habang nakatingin sa may salamin dito sa may comfort room.

Naiinis ako sa sarili ko dahil gustong gusto ko na syang makita. I hate myself na sa araw araw na lang ay nagkakagusto na ata ako kay Leo.

Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na di ko kailangan si Leo at hindi magiging masaya sakin si Leo kaya dapat lumayo na ako sa kanya pero iba ang sinasabi ng puso ko.

I hate myself. Ayoko ng ganito.

Hindi ako ang tamang babae para kay Leo. He's too perfect for a person like me.

Itutuloy ...

Don't You Ever Fall, Leo ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon