Parang nakisama sakin ang oras at hindi ko na lang naaintana na aalis na pala ako at pupunta na sa napagusapang lugar ni Jinn. Aaminin ko, hindi ko mapigilang hindi kiligin. Magkikita na naman kami ni Jinn, masayang masaya ako .. sobra.
"Tara na!" pag aaya nya. Sumunod naman ako at niyakap ang braso nya.
Pagkapasok mo sa loob ay sasalubong sayo ang iba't ibang kulay, mga taong nagsasayaw, mga naglalampungan sa mga sofa at ilan na umiinom sa may bar counter.
Sa sobrang daming pwedeng gawin, hindi ko alam kung ano ang uunahin.
"Anong una mong unang gawin?" napa lip bite ako ng hindi ko inaasahan dahilan para mapangiti sya at ilahad ako sa may bar counter at umorder sya ng dalawang mild drinks.
Sabi nya, di daw muna hard dahil gusto daw nyang ma-enjoy namin ang gabing 'to. Hindi ko na lang pinahalata na kinilig ako dun sa sinabi nya. Sobra akong kinikilig.
Uminom lang kami habang nagkukwentuhan ng bagay bagay hanggang sa nung medyo nakakaramdam na ako ng hilo ay nag-aya akong sumayaw. Ilang minuto ang lumipas at natgapuan ko na lang ang sarili ko sa may sofa dito at kahalikan si Jinn.
Naging mabilis ang pangyayari at parang pumikit lang ako sandali ang the next thing I know was we are doing it again. And just like the first one, we done it double the time than last time.
Hindi ko na pinansin na pawis na pawis na ako at pagod na pagod hanggang sa nakatulog na ako. Wala na rin akong pakialam kung rumenta pa kami ni Jinn ng isang vip room para lang dito. Mahal na mahal ko sya kaya lahat gagawin ko para sa kanya.
Sa lahat ng naging boyfriend ko, si Jinn lang talaga ang minahal ko ng ganito dahil si Jinn lang naman talaga ang pangarap ko.
Nang magising ako nang umaga ay kahit hindi ko malaman sa sarili ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob ay natagpuan ko na lang ang sarili kong ginagawa na naman namin 'yon.
Pagtapos ng panibagong round ay para na akong lantang gulay at niyakap na lang si Jinn at bumulong ng :
"I love you JInn"
Bago ako tuluyang makatulog.
-------
Leo Joshua Gonzales' Point of ViewHalos kalahating araw ng wala si Lili dito sa bahay at aaminin ko, nag-aalala ako. Nakailang tawag na ako kina Lolly at Layla pero hindi daw nila kasama. Nakakainis, nasalisihan ako ng babaeng 'yon. Ginamit nya ang pagkakataon na lumabas ako sandali ng bahay para icheck ang garahe para makaalis sya.
Napatampal ako sa noo ko dahil sa frustration. Ano na lang sasabihin ko sa mga magulang nya? Nakaisip lang ako ng alibi kaya hindi sya pinagalitan nung nakakaraan pero ngayon, hidni ko na alam kung anong sasabihin ko.
Na sa kalagitnaan ako ng pag-iisip at pag-aalala ng biglang tumunog ang phone ko. Napailing na lang ako ng makita ko ang caller. I'm sorry, Ma.
"Anak, kumusta ka na?' bakas sa boses ni Mama na masaya sya. Paano ba naman sya hindi sasaya kung nangako akong uuwi ako kahit dalawang araw lang. Matagal na akong pinayagan ni Mr and Mrs Reed pero hindi ko na pwedeng gawin 'yon dahil sa nangyayari.
Malalagot lang ako lalo kapag umalis ako at nangkakaganito si Lili.
"Ma, ano ka--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad nagsalita si Mama. Wala na lang akong nagawa kundi makinig na lang sa masasaya nyang sinasabi at malungkot dahil di ko matutupad ang pangako ko.
"Alam mo, anak. Nakabili ako sa bayan ng bago mong damit, dalawa lang ang nabili ko, sana okay lang 'yon sayo. At saka alam mo ba, may peryaan na dito uli, diba nung bata ka pa, tuwang tuwa ka sa ferris wheel--"
Hindi ko na kaya at masyado akong nalulungkot kaya kahit ayaw ko ay nagpaalam na lang muna ako kay Mama. I miss you, Ma. Sorry dahil hindi ko matutupad ang pangako ko.
Si Lili kasi ...
Itutuloy ...
![](https://img.wattpad.com/cover/164397896-288-k377607.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't You Ever Fall, Leo ✔️
RomanceLili is one lucky girl, she's rich and popular and all the boys in her school will do anything just to be labeled as her boyfriend. Many boys want her but her heart only belongs to one guy and that is Jinn, the school's player. She will do everyth...