Lili's Point of View
Isang taon na rin ang lumipas simula nangyari ang insidenteng 'yon. Ilang buwan kong tiniis ang sakit ng nakaraan, ilang beses kong tiniis na gigising ng madaling araw para lamang umiyak.
Wala na ata akong ginawa kundi umiyak. Ang tanging ginawa ko lamang naman ay mahalin si Jinn pero ganito pa ang ginawa nya sakin.
Ang balita ko ay nagpakalayo layo na talaga si Jinn. Napapabalita na ring kabikabila na ang mga babaeng sinisipingan nya at kapag nabubuntis ay iniiwang luhaan.
Nalaman na rin ng mga magulang ko ang nangyari. Ilang beses ang umiyak dahil sa masasakit na salita ang natamo ko at idagdag mo pa ang malakas na sampal ng ipadama sakin ni Dad.
Natigilan ako ng malasahan ko ang lasang metal na pulang likido na nagmumula sa gilid ng labi ko. Bibigyan pa sana ako ni Dad ng panibagong sampal ng agad na akong niyakap ni Leo na syang nagpagulat sakin.
Maging ngayon na isang taon na ang nakakalipas ay hindi ko rin malaman kung bakit ginawa nya 'yon. Ang Leo na kilala ko kasi ay walang pakialam sakin at ang wala ng ibang ginawa kundi pagalitan ako at awayin pero ibang Leo ang pinamalas nya ng araw na 'yon.
Isang Leo na nandyan para sayo. Isang Leo na ayaw kang umiiyak o nasasaktan. Isang Leo na matuturing na husband material—- wait! No. Hindi totoo ung huli.
Naaagos na ako sa nangyayari. No! Hindi ako pwedeng mahulog kay Leo dahil he is just my butler. He's my butler and he will always be one.
Kahit pa sabihin mo na kasal kami sa papel at ayon sa batas na gamitin ko ang apelyido nya ay hindi ko parin gagawin 'yon dahil I will always be Reed and a Gonzalez.
"Dinner is ready" isang nakangiting Leo ang nakita ko. I can see his perfectly white teeth and those kissable lips, parang ang sarap ikiss—- Ugh!! Ano ba 'tong utak ko! I hate this.
"Ayokong kumain!" Pabalang kong sagot at basta na lang lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng bahay ay agad ko namang tinawagan si Layla.
Tutal alam narin naman ng kambal na 'to, might as well ay humingi na rin ako ng tulong sa kanilang dalawa.
"Layla, I need your help .."
"Kung tungkol 'to kay Jinn, ayaw naming makigulo ni Lolly. Okay na naman kayo ni Leo ha. In fact, bagay kayo ng butler mo— I mean ng asawa mo pala bat di na lang ikaw kay Jinn—" I cut her off. Nainis lang ako bigla sa sinabi nya, tama ba namang ipaalala pa sakin si Jinm.
Ugh!
"Don't put words into my mouth lalo na kung mali ang sinasabi mo! Anyway, don't you ever mention Jinn's name at please lang ayoko kay Leo. He's my butler!"
"Fine. Butler na kung butler. Di mo lang matanggap na kasal kayo. Psh!"
Di ko na lang pinansin ang sinabi nya. Konti na lang tong pagpipigil ko. Nakakainis na!
"Pwede ba akong makitulog muna sa inyo? I mean for just a day. Ayoko munang makasama si Leo. At for sure di nya naman malalaman dahil tomorrow morning na ang first day nya ay acting coo ng company."
"Wow .." and there a long silence. Dapat ko na bang ihanda ang sarili ko na di papayag si Layla?
"Ugh! Fine! Kung hindi lang kita kaibigan!"
"Thank you" kulang na lang ay magtatalon ako sa tuwa pero hindi ko na ginawa at nagmadali na akong pumara ng taxi para makaalis na.
Sana di mapansin ni Leo.
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
Don't You Ever Fall, Leo ✔️
Roman d'amourLili is one lucky girl, she's rich and popular and all the boys in her school will do anything just to be labeled as her boyfriend. Many boys want her but her heart only belongs to one guy and that is Jinn, the school's player. She will do everyth...