Chapter 41

59 3 0
                                    

Pinatagal ko ng 5 seconds ang kiss para mabigyan ng diin. At di pa umaabot ng 5 seconds ay mabilis na tumalikod si Leo. Galit na galit sya.

At dahil sa kanina pa nagpupumiglas ang lalaking to ay hinayaan ko na lang syang itulak ako.

"Ano ba Lili? Gusto mo bang maghiwalay kami ng asawa ko?" Nakita kong naasar at naiinis si Jinn.

"I'm sorry Jinn. Hindi na ako nakapag isip ng tama. Akala ko kasi okay na ako. Akala ko nakalimot na ako. Hindi pa pala. Mahal na mahal ko parin si Leo"

Hindi ko na na-enjoy ang gabing 'to. Umuwi na ako ng maaga. Pag uwi ko ay nakita kong curious na nakatingin sakin si Ana. Di na lang ako nagsalita at niyakap na lang sya ng mahigpit.

Bakit kasi hindi mo ako minahal Leo? Umasa lang ba ako?

"Mama .." hindi ko na rin napigilang mapaluha.

"Mahal na mahal kita Leo ..

Leo's Point of View
Dalawang taon ang hinintay ko para lang muling makita si Lili pero hindi ko inaasahan ang pagtagpong makikita ko sya.

May kasayaw syang lalaki. Gustong gusto kong sumugod at wasakin ang mukha ng lalaking 'yon pero hindi ko nagawa bagkus ay hanggang tingin lang ang nagawa ko.

Hanggang tingin na lang ang galit na nararamdaman ko. Ang bilog din ng kamao ko at ang paglagok ng alak na hawak ko.

Wala na akong pakialam kung anong isipin ng mga tao dito. Tutal sira na rin naman ang gabi ko dahil sa nakita ko. Sira na ng lalaking 'yon.

Nakailang lagok ako ng alak bago muling naglakad at lalabas sana para magpahangin ng makasalubong ko si Gab.

"Bro! Kumusta!" Full of energy na sabi nya. Halatang lasing na ang taong 'to kaya napangisi na lang ako.

"Hindi mo ba kasama si Layla?"

"Hindi! Pinauwi ko na! Sige bro. Uuwi na rin ako" sinisinok nyang sabi habang nagpapagewang gewang sa paglalakad.

Akala ko pa namang high profile ang mga nandito tapos makakahalubilo ka ng ganyan. Napangiti ako ng tipid pero nung naalala ko ang mukha ni Lili kanina ay agad nabura ang ngiti na 'yon.

Muli ay lumagok na naman ako ng alak mula sa hawak kong kopita na kinuha ko sa nagse-serve.

Kailangan kong magpahangin. Walang mag yayari sakin kung hahayaan ko sa isipan ko ang nakita ko kanina kundi baka masira lang ang gabing 'to para sa marami dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka magwala ako.

Ilang hakbang ang ginawa ko bago muli  kong nilagok ang alak sa kopita.

Hanggang sa nakita ko si Lili, at may kahalikan syang iba. Galit sa gabi ay hinawakan ko ng mahigpit ang kopita dahilan para mabagsak 'to at kumalat ang bubog sa sahig isama mo na rin ang kamay kong dumudugo na. Pero wala sa kamay ko o sa bubog ang atensyon ko kundi sa asawa kong abala sa pakikipaghalikan sa ibang lalaki.

Nagtama pa ang aming mga paningin pero hindi sya natinag. Gustong gusto ko ng sugurin sya at agawin si Lili mula sa lalaking kahalikan nya ngunit wala akong lakas.

Hindi ko kaya.

Gusto kong gumawa ng paraan pero hindi ko kaya.

Itutuloy ...

Don't You Ever Fall, Leo ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon