Chapter 32

62 0 0
                                    

1 year later. 

Isang taon ang lumipas sa mga buhay namin. Lalong lumaki ang company na pinamamahalaan ko. Everything is running smoothly kaso everything nga ba?

Hindi ko alam kung okay ba talaga ng lahat?  I can't help but to think what Leo said on that day.

Di ako makatulog sa gabi dahil sa sinabi nya. At lalong di ako mapatulog ng puso ko dahil nangungulila ito kay Leo.

After that day, inamin at tinanggap ko na sa sarili ko na mahal ko na talaga si Leo.

Too stupid of me na ngayon lang mapansin.  Pero I don't want Leo to know this dahil alam ko naman na hindi ako ang dapat para sa kanya. Alam ko na napilitan lang syang pakasalanan ako, sino bang hindi? Wala naman syang magagawa diba? It's part of his job as my butler to follow the rules kahit ayaw nya.  

Kasalanan ko kung bakit napasok sya sa kasalanang ito na walang pagmamahal na involved. It's all my fault.  

Pero kung magpapakatotoo lang ako sa sarili ko. Aaminin ko, nalulungkot ako.

Namimiss ko na rin si Leo, I miss his face, his smile, I miss everything about him kaso wala akong karapatang hiningin ang isang bagay na ako ang dahilan kung bakit nangyari.

Ilang gabi rin akong umiiyak at sinisisi ang sarili ko. Masyado akong tanga para mahalin ng lubos si Jinn para madamay si Leo. Should I considered getting an annulment?

Siguro magiging masaya na si Leo at ako, magiging masaya ako dahil mahal ko sya.  

Ayoko ng maging selfish dahil pagiging selfish ko kaya napunta kami sa sitwasyong 'to.  

----- 

"Everything was a success! Thank you team for being part of it and by that cheers!" sabi ni Dad.

Napangiti naman ako at pinalakpakan namin sya. He really did it. Kahit na ako ang naging CEO ng Reed Airline Company ay si Dad parin naman ang pinakautak ng lahat and for that Iam very grateful that he is indeed my father. 

"And because of this, I'd like to inform all of you that the celebration will be at the Reed Grand Hotel. Everyone is welcome, you can also bring a guest if you want" at muli  ay pinalakpakan si Dad ng lahat.

Kitang kita ko rin ang ngiti sa mga labi ni Mom. I'm so happy kaso parang nawala ang ngiti sa aking mga labi ng masagap ko si Leo na nakangiti rin. 

Ang laki na ng pinagkaiba nya sa Leo na butler ko lang dati dahil ngayon siya na ang COO ng Reed Real Estate. I must say, he really did a great job. Napalago nya ang company up to 5 % in just a span of 1 year.  

"Anak, why don't you talk to your husband? Lagi ka nyang kinukumusta samin ng Dad mo. He's really worried, we are worried" I just gave my mother a reassuring smile.

Ayoko munang kausapin si Leo. Mahal na mahal ko sya at kapag nilapitan ko sya ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at yakapin sya ng mahigpit. 

"I'm okay, Mom. Nothing to worry" at pagkatapos ay umalis na ako. Sa hindi ko malamang kadahilan ay parang nagslow ang lahat na maging ang pagtingin sakin ni Leo ay nakita ko.

I can see longing in his eyes and something else.  

"Lili .." I know it's him pero hindi ko sya pinansin. 

Ang lakad ko kanina ay naging pagtakbo. Hindi ko na rin napigilang mapaluha. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at dun na ako umiyak ng umiyak.  

Why am I so coward? Gusto kong maging masaya si Leo pero bat di ko magawang iwan sya?

Itutuloy ...

Don't You Ever Fall, Leo ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon