Chapter 19

71 0 0
                                    

Hanggang sa aming pag uwi ay umiiyak parin si Lili. Pinaupo ko na sya sa kama at binigyan ng maiinom. Uminom naman sya ng konti pero nagpatuloy parin sya sa kanyang pag iyak.

"Gusto mo bang umalis ako?"

Agad naman syang napatingin sakin at bigla akong niyakap. Isang mahigpit na yakap na karaniwang ginagawad ng mga bata.

"Dito ka lang. Wag mo kong iwan."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil medyo okay na ang pakikitungo nya sakin o lalo lang akong malulungkot dahil hanggang ngayon ay iniisip nya parin si Jinn.

"Magpapalit muna ako ng damit ha" tumango naman sya. Kaya lumabas na ako ng kwarto ni Lili para pumunta ng kwarto ko at dun magpalit ng damit.

Pagkapalit ko ng damit ay muli akong bumalik sa kwarto ni Lili pero nakatulog na sya kaya kinumutan ko na lang sya at dahan dahang humiga. Pinatay ko na rin ang ilaw sa may side table at natulog na.

Ilang mga araw pa ang lumipas at nalaman na ng school ang pagbubuntis ni Lili. Kahit na pinaglaban ng mga magulang ni Lili ang kalagayan nya pero wala ring nangyari, dahil natanggal parin si Lili.

Masama syang nakatingin sakin ngayon.

"Leo, lumayas ka nga sa harapan ko!" Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi sya nakuntento sa pagpapaalis sakin dahil tumayo pa sya at tinulak ako papaalis.

Hindi ko alam kung anong meron at nagagalit na naman sya sakin.

Lili's Point of View

Si Leo ang dahilan kung bakit natanggal ako sa school. Si Leo ang may kasalanan ng lahat. Kaya kulang pa ang pagtulak ko sa kanya.

"Lili, ano bang probl—"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil basta ko na lang syang sinampal dahilan para mabigla sya. Tama! Mabigla ka nga!

"Lili ..." tinaasan nya ako ng boses. Nabigla ako sa ginawa nya pero hindi ko pinahalata sa kanya 'yon.

"Tinataasan mo na ako ng boses? Tandaan mo ang lugar mo!" Sigaw kong pabalik sa kanya at pagkatapos ay pamartsa na akong umalis at pumunta na sa kwarto.

Simula ng araw na 'yon ay hindi ko na pinapansin si Leo. Kahit pumapasok pa sya sa school, hindi ko sya pinapansin. Maging sa kanyang pag uwi. Wala akong pakialam sa kanya. Nakakainis!

Nakakainis ang buhay ko. Why am I stuck to a guy like Leo. Hindi ko naman sya kailangan dahil si Jinn ang kailangan ko.

Si Jinn lang at wala ng iba.

Pero hindi napigilan ng sitwasyon ang paghahanap ko kay Jinn kaya kahit inabot man ng ilang linggo ang naging paghahanap ko ay natagpuan ko rin ang hinahanap ko.

Magkikita muli kami ni Jinn.

Hindi nga ako ng nagkamali at niyakap nya ako ng mahigpit. Nagsorry din sya sa naging desisyon nya. Hindi ko na ring mapigilang mapaiyak at yakapin si Jinn ng mahigpit.

Hindi lang natapos sa isang araw ang pakikipagkita ko kay Jinn dahil umabot din ito ng ilang buwan hanggang sa dalawang buwan na lang bago ako manganak.

I understand that I'm clearly cheating on Leo dahil kasal parin kami pero wala akong pakialam dahil si Jinn ang mahal ko. Mahal na mahal ko si Jinn.

Si Jinn lang ang magpapasaya sakin.

Itutuloy ...

Don't You Ever Fall, Leo ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon