"Hope that platonic relationship of yours stays long. Ayaw naman namin na makita na sinasakal nyo lang ni Lili ang isa't isa sa kasal na pinasok nyo"
Isang pekeng ngiti na lang ang pinakita ko kay Layla.
Lili's Point of View
Tatlong buwan na akong nagdadalang tao pero hanggang ngayon ay masakit parin para sakin na tuluyan na talaga akong iwan ni Jinn. Kung hindi lang sana nangealam si Leo, edi sana ay okay na ako pero hindi.
Hindi ako okay.
Hindi ako okay kahit na tuwing gabi ay pinipilit ko si Leo na makipagtalik sakin para lang mawala sakin ang sakit at pagka ramdam ng awa para sa aking sarili.
Wala akong nararamdaman para sa butler kong 'yon na ngayon ay pumayag pang pakasalan ako. May nararamdaman sakin ang lalaking 'yon pero wag syang umasa na magugustuhan ko sya dahil si Jinn lang ang laman ng puso ko at hindi mapapalitan 'to.
I also hate my parents na ipakasal ako kay Leo. Natupad na ang kagustuhan nila. Nakakainis! I hate them all.
Ala sais na kami nakauwi ni Leo. Hindi ko sya pinapansin at dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit at magpahinga at sya naman ay siguro sa kusina.
Mabuti naman at hindi na kami binigyan pa ng katulong ng mga magulang ko at hinayaan na lang nyang si Leo ang kumilos dito well, gusto din nilang kumilos din ako sa bahay pero ako ang anak nila kaya gagawin ko ang gusto ko. Oo nga't hindi ko na butler si Leo at hindi na sya binabayaran ng mga magulang ko pero sila ang sumasagot ng pag aaral namin.
"Lili, what do you want for dinner?"
Hindi ko pinansin ang tanong nya at sinuot na ang lingerie ko. Tutal pupuntahan din naman nya ako dito pero wala akong balak kumain. I will sleep. Wala rin namang magbabago kung kumain ako, di na rin naman ako babalikan ni Jinn.
"Lili, tara kain tayo. Handa na ang hapunan."
Hindi ko sya pinansin at nagtuklob lang ako ng kumot. "Wala namang magbabago kung kakain ako, di parin ako babalikan ni Jinn"
"Lili .." i can hear anger in his voice. Naramdaman ko na rin na umupo sya sa kama dahilan para umupo na rin ako. Wala na akong dapat takpan pa sa katawan ko dahil lahat naman ito ay nakita na nya at nahawakan.
"Totoo naman ang sinasabi ko ha, nothing will change! Kaya umalis ka na lang" pinagtatabuyan ko na sya pero pinigilan nya lang ang kamay ko.
"Lili, makinig ka sakin, makakasama sa yo at sa bata ang ginagawa mo. Kailangan mong kumain"
Lalo lang akong nainis sa sinabi nya. Pinaghahampas ko lang sya hanggang sa maubusan ako ng lakas.
"Hindi ka nasasaktan sa nagyayari Leo, ako—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng may naramdaman akong maligamgam na likido na lumalandas sa may binti ko. Napalingon ako dun at nalamang dugo.
Hindi ko na napigilang umiyak habang patuloy paring hinahampas si Leo pero niyakap nya lang ako ng mahigpit at pilit akong pinapakalma pero hindi ko magawa.
"Kasalanan mo ang lahat ng 'to!"
At bigla na lang dumilim ang paligid ko.
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
Don't You Ever Fall, Leo ✔️
RomanceLili is one lucky girl, she's rich and popular and all the boys in her school will do anything just to be labeled as her boyfriend. Many boys want her but her heart only belongs to one guy and that is Jinn, the school's player. She will do everyth...