Kabanata 1

1.8K 73 1
                                    

Kabanata 1

Ang kaninang galit na itsura ay napalitan ulit. Nakakunot ang noo at nakataas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

At nung narealize niya ang sinabi ko ay bahagya siyang natawa.

"Wait! Sandali lang ah. Tama ba yung narinig ko? Gusto mong tumira sa bahay ko?" Sabi niya pagkatapos niyang tumawa.

Yumuko naman ako dahil sa kahihiyan ko. Dapat hindi ko na lang ito tinuloy! Dapat talaga nakitira na lang ako sa kaibigan ko kahit malayo sa pinagtatrabahuan ko.

I looked at him again before i looked back down because he is giving me a facial expression that i don't want to see.

"Bakit?" Tanong niya, inangat ko ang tingin ko sa kanya at matapang na tumingin sa mga mata niya.

"Wala na kasi akong ibang mapupuntahan. Ikaw lang kasi yung kakilala ko na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko. Kaylangan ko lang naman ng matutuluyan pansamantala." sabi ko sa kanya.

"Sa tingin mo papayag ako na titira ka sa condo ko?" Tanong niya. Pinagkrus niya ang kanyang braso sa may dibdib habang nakatingin sa akin.

Pwede bang magdamit ka muna bago mo ako kausapin?

"Please! Eli! Kahit mga tatlong buwan lang. Kapag nakaipon ako ng malaki laki, aalis nadin ako. Tsaka hindi ako magiging pabigat sayo. Ako na maglilinis ng bahay araw araw, ako na din magluluto." Sabi ko dito. Please! Sana naman pumayag siya. Kung hindi, wala na talaga akong pagasa kindi makitira sa kaibigan ko.

"Ayoko." Sabi niya. Isasarado na sana niya yung pintuan ng harangan ko ng katawan ko.

"Please! Eli! Kahit mga tatlong buwan lang talaga! Please! Wala na talaga akong ibang mapupuntahan. Kung meron man malayo yun sa pinagtatrabahuan ko." sabi ko with matching paawa effect. Sana naman effective. Kung dati hindi niya ako matiis at tanggihan, ngayon nagagawa na niya. Talaga bang wala na?

"Wala kang matirahan na malapit sa pinagtatrabahuan mo? Mag file ka ng resignation letter pagkatapos maghanap ka ng trabaho na malapit sa inyo." Sabi niya, halata sa mukha na naiinis na siya sa akin.

"Mahirap kaya makahanap ng trabaho sa panahon ngayon! Alam mo ba yon? Syempre hindi kasi nga meron ka ng stable na trabaho at may ari ka pa nitong building na to! Kaya lahat sayo madali na lang!" sabi ko. Naiinis na din ako sa kanya, nagiba ang ugali niya! Talagang nagiba! Parang hindi siya si eli na boyfriend ko five years ago.

"Sa tingin mo, naging madali sa akin lahat?! Sinasabi mo lang yan dahil tinitignan mo lang kung ano ang meron ako ngayon. Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa akin simula nung hiniwalayan mo ako. Tapos ngayon makikita ko ang ex girlfriend ko pagkatapos ng limang taon, nagmamakaawa na makitira sa bahay ng ex boyriend?!" Galit na paliwanag niya, malakas na isinarado niya ang pintuan. Iniwan niya akong nakatulala at pinoproseso ang sinabi niya.

"Bakit? Ano bang nangyari sa kanya, pagkatapos naming maghiwalay?" I asked my self. Umiling ako para mawala pansamantala ang iniisip tungkol sa amin. Kaylangan ko muna ng matutuluyan ngayon.

"Eli! please! Kahit tatlong buwan lang talaga! Kaylangan ko lang talaga ng matutuluyan pansamantala!" Sabi ko, pinagkakakatok ko yung pintuan niya at pinidot pindot yung doorbell.

Tignan lang natin kung di ka mainis sa pinaggagagawa ko. Any minute or seconds from now ay bubuksan mo na yang pintuan.

"CAN YOU PLEASE STOP KNOCKING ON MY DOOR!!" He said ng binuksan niya ulit yung pintuan. Anger was written in his face.

Malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Tama nga ako, hindi nagbago ang pagiging short tempered niya. Isa sa mga namiss kong katangian niya.

"Pwede ko namang itigil, basta patirahin mo ako diyan sa condo mo." Nagpapacute na sabi ko dito. Nag puffy eyes pa ako para mas lalong imiffective.

"Ayoko!" He said, ginulo niya ang buhok niya dahil halatang naiinis na siya sa akin.

"Bakit ba kasi ayaw mo?" Tanong ko dito. Nagpapacute parin sa kanya.

Tinignan niya ako bago siya nagsalita ulit.

"Ayoko ng my magulo sa condo ko!" Simpleng saad niya.

"Hindi naman ako magulo eh! Organized pa nga akong tao! Lahat nasa tamang ayos." Proud na sabi ko. Bakit ba kasi ayaw akong patirahin nitong lalaking ito?

"Still, Ayoko! Maghanap ka ng ibang apartment! At wag mo na akong iistorbohin!" Sabi niya. Isasara na sana niya yung pintuan kaso humarang na ako kaya hindi niya nasara ng tuluyan.

"Wala ng ibang apartment na malapit sa pinagtatrabahuan ko! Kung meron man, mahal yung paupa nila! Hindi kaya ng budget ko!" Paliwanag ko dito. Nakaharang parin sa pintuan.

Tinitigan niya ako habang nakakunot ang noo at tila nagiisip ng sasabihin.

"Don't you have friends?" He asked.

"Meron! Kaso nga lang malayo sila sa pinagtatrabahuan ko! Tsaka ayoko doon!" Sagot ko sa tanong niya.

Bakit ba kasi ayaw pumayag ng lalaking toh? Wala naman akong masamang gagawin sa kanya! Hindi ko naman siya gagapangin kapag tulog! Slight lang.

"Sige na kasi Eli! tatlong buwan lang naman eh." pagmamakaawa ko talaga dito.

"Kapag sinabi kong hindi, hindi. Do you understand?" he said looking straight to my eyes.

"So? Payagan mo na kasi ako! saglit lang yung tatlong buwan, may pera na ako nun, makakahanap na ako ng apartment." Sabi ko sa kanya.

"I'll give you some money, para makahanap ka ng apartment." sabi niya. Ang pinaka ayoko yung palagi niya akong binibigyan ng pera. Lagi niyang ginagawa yun sa akin kapag walang wala na talaga akong pera. At ito naman ako, tinatanggap. This time ayoko na ng ganon.

"Ayoko! Marami na akong utang sayo, tingin ko nga aabot na sa million ang perang mga pinautang mo sa akin eh." sabi ko sa kanya.

"Tapos titira ka sa condo ko?" he sarcastically said.

"Oo. Para naman mabawasan kahit papaano yung utang ko sayo." sabi ko.

He smirked, "Sa tingin mo mababawasan yang utang mo kapag tumira ka sa akin?" tanong niya sa akin. Lumapit siya sa akin ng konti. Kaya halos manlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Dahil unang una. Wala parin siyang suot na damit!

"O-oo. K-ka-kasi ako naman maglu-l-luto, maglalaba, maglilinis ng buong condo mo, edi kahit p-p-papaano, mababayaran ko yung u-ut-tang ko sayo." Utal utal kong paliwanag. Dahil halos magdikit na ang aming ilong sa sobrang lapit niya.

"At ako magbabayad ng kuryente na ginagamit mo kapag naglilinis ka ng bahay o kaya naglalaba, sa akin din manggagaling ang perang ipangluluto mo. So now tell me, paano mo mababayaran yang utang mo? Kung ako lahat ang gagastos ng mga kakailanganin para sa condo ko?" tanong ulit nito na nakapagpatigil sa akin. Wala akong masabi, hindi ko alam ang sasabihin ko.

Bakit ganyan siya sa akin, bakit niya ako pinahihirapan? Bakit parang iba na siya sa Eli na nakilala ko noon? Dati siya pa mismo nagsasabi na sa condo na lang niya ako tumira, kaso tinatanggihan ko yung alok niya.

Ngayon, ako na mismo ang lumalapit sa kanya para sana patuluyin sa condo niya ayaw niya. Malaki na talaga ang pinagbago niya simula ng maghiwalay kami. Ganito ba ang naging epekto sa kanya?

Tumulo na lang ang luha ko dahil sa mga naiisip kong kung ano ano.

Agad ko naman itong pinunasan gamit ang palad ko dahil baka makita niya. Pero alam kong nakita niyang umiiyak na ako. Tinulak ko siya para mapalayo sa akin.

"Sige. Kung ayaw mo. Okay lang." Sabi ko. Hindi ko na siya tinignan at maglalakad na paalis ng magsalita siya.

"Aish! Oo na! Payag na ako! In one condition. Hindi! Not just one condition dahil madami akong rules na kaylangan mong sundin."

04-23-19

[UNEDITED!]

Living At My Ex HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon