Kabanata 14

519 27 6
                                    

Kabanata 14

Ilang araw na ring natutulog si Zacia dito sa bahay ni Eli, simula noong pumunta dito ang mommy ni Eli, hindi na siya umuwi sa bahay nila.

At araw-araw siyang nagluluto ng agahan. Pero infaireness walang nagimprove sa pagluluto niya. Kung ano yung nadatnan ko nung unang araw niyang natulog rito, ganon parin ang sitwasyon tuwing umaga.

Dahil nga maikli lang ang pasensiya ni Eli, at ayaw niya ng mga ganoong klase ng pagkain, napapansin ko nalang tuwing umaga ay hindi na siya pumupuntang kusina at diretcho na lang siyang pumapasok sa opisina niya.

Kaya ngayong araw ang pagkakataon ko para mapaghanda ng agahan si Eli. Gumising lang talaga ako ng maaga sa karaniwang gising ko. Alas-kwatro palang ay naghahanda na ako ng baon ni Eli, para hindi na siya bumili at mag-aksaya pa ng oras.

Napag-alaman ko rin na hindi pala magkatabi na natutulog si Eli at Zacia. Nasa guest room si Zacia. Nalaman ko lang noong nagwalk out siya sa sinabi ko nung nakaraan.

Natapos ako ng bandang ala-singko. Siguro ay itutulog ko na lang muna ito, dahil inaantok pa talaga ako.

Umakyat ako dala dala ang lunch box na may lamang breakfast meal para kay Eli.

Ilalapag ko na lang ito sa harap ng pintuan niya o hindi kaya ay kakatukin ko siya.

Siguro ay gising na siya sa mga oras na ito dahil maghahanda pa iyon sa pagpasok niya sa opisina.

Ako naman ay iidlip muna dahil alas-otso pa naman ang pasok ko. Malapit lang naman kaya gigising na lang ako ng mga bandang alas-siyete.

Pagkarating ko sa harap ng pintuan ni Eli ay kumatok muna ako. Kaso walang nagbubukas ng pintuan.

Ibababa ko na sana iyong lunch box ng bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang bagong ligo si Eli.

Tanging twalya lang ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang katawan niya. Pero hindi parin ako sanay ngayon dahil talagang nagiba ang pangangatawan niya.

"Ginawan kita ng breakfast." Nakangiting sabi ko dito. Initaas ko pa sa harap niya ang lunch box na bitbit ko.

Tinignan niya muna iyon bago kinuha sa akin.

"Thanks." He said.

Aalis na sana ako sa harap niya para pumunta sa kwarto ko upang makapagpahinga, kaso nagulat ako ng hinatak niya ako papasok sa loob ng kwarto niya.

Wtf!

"Eliii!" Sigaw ko sa pangalan niya ng hinatak niya ako.

Mabilis niyang isinarado ang pintuan ng kwarto niya pagkatapos ay isinandal niya ako sa likod nito.

"I missed you." he said in a husky voice.

Lumapit pa siya lalo sa akin hanggang sa magkatamaan na ang parehong matatagos namin ilong.

I can feel my heart fast and beating loud. Feeling ko pati siya ay naririnig ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang lapit niya sa akin.

"Won't you say anything, sweetie?" He asked.

Nang wala siyang narinig na sagot mula sa akin ay dinampian niya ng halik ang labi ko.

Itinulak ko siya palayo sa akin. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya para makaalis na doon.

Pagkarating ko sa kwarto ko, doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Anong nangyari? Hindi naman siya ganito noong mga nakaraang linggo ah.

Lasing kaya siya?

Pero imposible dahil may trabaho siya ngayong araw.

Hindi kaya.... may gusto parin siya sa akin kahit limang taon na ang nakalipas?

Kaylangan ko siyang kausapin at malinawan. Gusto ko ng malaman kung may nararamdaman pa siya sa akin. Dahil hindi ito ang unang beses na hinalikan niya ako pagkalipas ng limang taon.

Kung sakaling may gusto pa siya sa akin at balak makipagbalikan, buong-buo ang loob ko na makipagbalikan sa kanya.

Ang totoo kong intensiyon kaya ako bumalik pagkatapos ng limang taon ay upang maayos ang nasira naming relasyon.

Hindi ko naman gusto na masira iyon. Talagang kinakailangan ko lang, kaya ako nakipaghiwalay.

Handa naman na ako kung sakaling magtanong si Eli kung bakit kami naghiwalay.

Hinanda ko na ang sarili ko, bago palang ako magpakita sa kanya.

Gusto ko maayos kong maipapaliwanag ang totoo kung bakit kami naghiwalay. Oo may kinalaman ang mommy ni Eli.

Ang mommy ni Eli.....

Si Madam Felicia Salvador.

I don't have any choice but to accept her offer. I can't refuse that eventhough i want to... i am at my lowest that time.

Again, i woke up around seven in the morning with a heavy heart inside.

I already done taking a bath. Nakapag-ayos na rin ako.

Medyo maaga pa naman. Pero dahil ayoko ng malalate ako, siguro ay sa opisina na lang ako kakain.

Bumaba na ako para sana umalis kaso pagbukas ko palang ng pintuan, nandoon si Eli, nag-aantay.

"Let's go." He said without any explanation kung bakit nandito siya sa may labas ng kwarto ko at nag-aantay.

Nauna na siyang naglakad sa akin pababa ng hagdanan.

Tinitignan ko siyang maglakad habang bitbit ang lunch bag na ibinigay ko sa kanya.

Wearing a formal attire while carrying a black lunch bag, well..... not bad.

Anyway, it's look like he is carrying a suitcase but a small version of it.

I followed him until we reach his Lexus car.

He open the door for me at pumasok na ako sa loob.

Isinarado niya ang pinto, pagkatapos ay umikot papunta sa driver seat.

"sobrang miss na miss na rin kita" sabi ko. Kahit alam ko naman na hindi niya iyon naririnig.

Sumakay na rin siya sa loob ng sasakyan at pinaandar ito para makaalis na kami.

"Bakit parang hindi ko yata nakita yung babae mo?" Basag ko sa katahimikan sa loob ng sasakyan niya.

"Hindi ko siya babae, Sophia." Sabi niya na may bahid na inis.

I rolled my eyes to him.

Sinong niloko mo? Narinig ko ngang magpapakasal na kayo tapos itatangi mo pang hindi mo siya babae.

"So, asan nga siya?" Ulit ko sa tanong ko.

"She went home to her condo." Saad nito.

Sana wag na siyang bumalik. Di naman siya kaylangan.

"Thanks for the ride." I said, pagkababa.

Isasarado ko na sana yung pintuan ng kotse niya ng may itinanong siya sa akin.

"What time is you out?" He asked.

"5pm kapag hindi loaded yung pinapagawang trabaho. But kung marami, siguro 8 or 9. Why?" Tanong ko naman dito.

Balak niya ba ulit ako sunduin?

"Are you free after your work?" Tanong niya.

Bakit ba kasi? Ayaw sabihin ng derechahan eh.

"Maybe." Sabi ko rito.

"Make yourself free later, may pupuntahan tayo." Sabi niya.

"Saan?" Curious kong tanong.

"Pumasok ka na sa trabaho mo. I'll see you later after your work." Sabi niya. Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.

Isinarado ko na ng tuluyan ang pintuan ng kanyang sasakyan.

Inantay ko iyon hanggang sa makaalis at mawala sa paningin ko bago ako pumasok sa trabaho ko.

04-28-22

Living At My Ex HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon