Kabanata 15
"Hoy, may gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni Rizza pagkadating ko sa pwesto ko.
"Anong oras?" Tanong ko dito.
"Pagkatapos ng trabaho natin. Nagaaya kasi si Sir Lance na magbar daw. Libre niya." Sabi ni Rizza sa akin.
Gusto ko sanang pumayag kaso nauna na si Eli na nag-aya mamaya.
"Hindi ako pwede mamaya. May lakad akong pupuntahan." Sabi ko sa kanya.
Mabilis siyang lumapit sa akin. Nanliliit matang tinitignan niya ako.
"At saan naman niyan, ha?" Tanong niya.
"Inaaya kasi ako ni Eli mamaya. May pupuntahan daw kami." Sabi ko sa kanya. Pero mukhang hindi siya naniniwala dahil sa klase ng tingin niya sa akin.
"Gagawa kayo bata?" She asked.
"Ano ba Rizza! Nasa trabaho tayo tapos ganyan mga sinasabi mo?" Sabi ko dito.
"Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko. Nagtatanong lang naman ako. At saka pareho naman na kayong nasa tamang edad. Dapat nga magpakasal na kayo eh. Anyways..... kayo na ba ulit?" Tanong niya. Lumapit pa lalo siya sa akin. Tila ba sobrang excited sa sagot ko.
"Hindi pa kami." Deretchahang sabi ko sa kanya para manahimik na siya. Ang aga-aga ganto ang pinaguusapan namin.
"Hindi pa... so meaning, may pag-asa na magkabalikan ulit kayo?" Makahulugang tanong niya. Hindi ko siya sinagot.
"#SopEli" mapang-asar na sabi niya sa akin.
Tinignan ko siya nang masama. #SopEli? Really? Hindi niya parin nakakalimutan yon?
Sabagay siya kasi yung gumawa nang pangalan na yan nung college pa kami. Ang corny lang.
"Good Morning, Sir!" Bati ni Rizza sa boss namin. Napatingin din tuloy ako at binati siya.
"Come to my office, Sophia." Sabi ng boss namin bago siya umalis.
Tumayo na ako para sana pumunta sa opisina ng boss ko, kaso ito namang si Rizza, nakaharang.
"So ano nga? Bakit ka inaaya ni Eli mamaya?" Tanong niya.
"Hindi ko alam." Sabi ko dito, tinulak ko siya papunta sa gilid para makadaan ako.
Kumatok na ako sa pintuan ng boss ko.
Tumambad agad sa akin ang plate name niya na nakalagay sa lamesa.
Lance Barrios Alvendia
"Oh, bakit?" Tanong ko sa kanya. Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa niya.
Kababata ko itong boss ko. Kaya ganto ang trato ko sa kanya kapag wala masyadong tao or kapag kaming magkakaibigan ang magkakasama. At kapag nasa opisina naman kami, nagtatrabaho, ang trato namin sa kanya ay boss.
"Libre ka ba mamaya?" Tanong nito.
"Baka hindi, may lakad kasi akong pupuntahan." Sabi ko sa kanya.
"Saan? Importante ba yan?" He asked, again.
Importante nga ba? I mean.... si Eli kasi iyon, eh importante siya sa akin.
"Oo, pasensiya ka na. Biglaan rin kasi yung ngayon." Sabi ko sa kanya.
"No. It's okay. Maybe next time?" He asked.
"Sure. Just tell me kung kaylan." Nakangiti kong sabi.
"How about... this coming friday?" Tanong niya ulit.
"Friday? Sure. I think wala naman akong gagawin pagkatapos ng trabaho. Basta wag mo ako masyadong bibigyan ng trabaho sa biyernes." Birong sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Living At My Ex House
RomanceSophia Alexis Alcantara made her own decision to live with her Ex Boyfriend Eli Hunter Salvador. They been together for almost three years but suddenly they broke up. At magugulat nalang si Eli na ang babaeng minahal niya ng buo at sisira sa kanyang...