Kabanata 13

514 25 1
                                    

Kabanata 13

"Mom." Tawag ni Eli sa mommy niya.

"Hello, my dear son." Bati nung mommy ni Eli.

Lumapit agad si Eli at hinalikan sa pisngi ang kanyang mommy.

Ako naman, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Aalis ba ako o tutungo sa kwarto para magkulong hanggang sa umalis siya o babatiin.

Sa huli, napagpasya kong batiin na lang siya.

"Magandang gabi po, madam." Bati ko rito.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago bumaling kay Eli. Hindi man lang ako nagawang batiin pabalik.

"Saan ka galing, anak?" Tanong ng mommy niya.

"I'm with Sophia, Mom. Sinamahan ko siya to find her new place to stay." Sabi ni Eli, lumingon pa siya sa gawi ko.

Naalala ko pala yung dala kong pagkain para sa babae ni Eli, hindi ko alam kung ibibigay ko ito dahil para lang sa isang tao ito. Parang hindi ata maganda kung ibibigay ko itong pagkain doon kay Zacia tapos wala sa mommy ni Eli.

"Why? Is she living with you?" Tanong ng mommy ni Eli.

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin ni Eli dahil pumasok na ako sa kusina para magasikaso ng pagkain na ibibigay sa bisita.

Kumuha ako ng tatlong baso na may lamang tubig. Inilagay ko iyon sa tray pati narin ang nakita ko sa fridge ni Eli na Vanilla Cake. Kahit favorite ko yung Vanilla Cake, wala akong karapatan angkinin iyon, dahil hindi naman ako ang bumili non para sa sarili ko.

Lumabas na ako ng kusina at nagtungo kung nasaan sila. Magkatabi sina Eli at yung babae, at sa single couch naman nakaupo ang mommy ni Eli.

Inilapag ko ang hinanda kong pagkain sa lamesa sa harap nila. Hindi man lang pinagtuonan ng pansin, tanging si Eli lang ang tumitingin sa bawat kilos ko.

"Is it okay with you, son?" Tanong ng mommy ni Eli.

Mula sa akin, napabaling ang tingin niya sa mommy niya.

Wala naman dahilan para magstay ako dito. Siguro aakyat nalang ako sa taas at magkukulong o hindi kaya ay matutulog nalang ako tutal napagod din naman ako kakahanap ng mauupahan.

"Listen, son. Both of you will marry anytime soon so-" hindi ko na tuluyang narinig ang sinasabi ng mommy ni Eli dahil umakyat na ako sa taas.

Naligo at nag-ayos na ako pagkadating ko sa kwarto.

Marry?

Ibig sabihin ba nito, bago palang ako pumunta dito at magpakita ulit kay Eli, may fiancee na siya at malapit na siyang ikasal?

Huli na ba ang lahat? Hindi na ba ako aabot?

Sabihin ko na kaya ang totoo? Kaso ayoko namang magaway sila ng mommy ni Eli.

Siguro nga huli na ang lahat. Siguro nga hindi talaga kami ni Eli ang para sa isa't isa.

Tatanggapin ko nalang ang pagkatalo ko, kung wala naman na akong ibang choice. Kung gawin ulit ng mommy ni Eli ang ginawa niya dati kaya kami naghiwalay ni Eli.

Siguro ito na rin ang huli at titigil na rin ako. Panahon na rin siguro para mag-move on.

Then i remembered what kerby said. "Ano ba talaga ang dahilan at bumalik ka pa dito?"

Narealize ko lang mahigit isang buwan na akong nakikitira kay Eli pero yung totoong dahilan kaya ako bumalik, hindi ko parin masabi sa kanya.

Totoong wala akong intensiyong masama kay Eli. Gusto ko lang talagang ayusin ang lahat. Kung walang pag-asa na magkabalikan kami ni Eli, ang importante ay maayos ko ng tama ang pagkakamali ko noong naghiwalay kami.

Nagising ako ng bandang ala-sais ng umaga. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang mga iniisip ko kagabi.

Mabigat ang pakiramdam ko ng bumangot ako. Feeling ko dala-dala ko lahat ng problemang hindi man lang magawan ng solusyon.

Nagayos na ako ng sarili ko, bago ako bumaba para maghanda ng agahan.

Nagtaka ako bigla dahil pababa palang ako ng hagdanan may naririnig na akong ingay sa kusina.

Ang aga naman ata ni Eli?

Mabilis akong pumunta sa kusina. Akala ko si Eli ang madadatnan kong nagluluto pero nagkamali pala ako.

Zallicia Espinosa is the one cooking in the kitchen. She is wearing a white dress shirt. Mapapansin agad na bukod tanging yoon lang ang kanyang suot.

Is that Eli's dress shirt? Malaki ang damit na suot niya, parang kay Eli talaga. Wait.... dito siya natulog? It's possible since magpapakasal naman na sila.

Suddenly, a picture came out on my mind. Zacia is on top of Eli, they are both panting and sweating.

Just....what the heck, Sophia Alexis! Ang dumi ng iniisip mo! Natural gagawin nila iyon, kasi nga ikakasal naman sila!

I erased the dirty thought about them on my mind. At tuluyan ng pumasok sa kusina. Wala akong pakielam kung nandiyan siya o wala.

Ano to? Wifey duties na ba?

At saka.....bakit ganto kulay ng mga luto niya? Yung sunny side up, yung white part sobrang brown na. Tapos yung ham, bakit ang itim? Nakakain ba itong niluto niya?

"What?" Tanong nito ng makitang nakatingin ako sa mga niluto niya.

Hindi ka pwedeng maging asawa ni Eli. Dahil unang-una palang hindi ka na marunong magluto, paano pa kaya sa mga gawaing bahay?

Kawawang Eli, uuwi sa bahay na palaging sunog ang kinakain.

"Don't you dare laugh on my cooking skills. I know how to cook. It's just that..... it's just that......" What? Wala kang masabi? Sabihin mo lang na hindi ka talaga marunong magluto.

"Okay lang. Sabi nga nila, practice makes perfect. Ituloy mo lang yang ginagawa mo para kung sakaling kasal na kayo ni Eli, marunong ka ng magluto at hindi niya balakin na hiwalayan ka para maghanap ng iba. Alam mo naman maraming nakapaligid diyan. Yung isa nasa harap mo na." Sabi ko bago umalis ng kusina.

04-26-22

Living At My Ex HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon