Kabanata 3
"Dito ka titira. Hindi ka pwede sa condo ko dahil baka pakielaman mo lahat ng mga gamit ko." sabi niya pagkababa namin ng kotse niya.
Pagkatapos namin kumain kanina, iniwan niya muna ako saglit sa loob ng restaurant. Noong una ayaw ko pa kasi hindi pa nababayaran yung mga pinagkakakain namin. Baka kasi takasan ako ni Eli at ako ang magbabayad. Wala pa naman akong pambayad. Biro mo umabot lang naman ng seven thousand six hundred pesos lahat ng binili niyang pagkain! Halos pang dalawa o tatlong buwang upa ko na rin yon.
"Hindi naman ako pakielamera. Tsaka marunong akong lumugar." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa bahay niya.
"Kilala kita, Sophia Alexis! Kahit saang bahay ka tumira o pumunta, hindi ka aalis ng walang nahahawakan o nababasag na bagay." sabi niya.
"Hindi naman. Talagang na curious lang ako noon sa naka display na kakaibang klaseng vase doon sa bahay ng kaibigan mo." Sabi ko sa kanya.
"Nabasag mo pa din." Sabi niya bago pumasok sa loob ng napakalaking mansiyon. Oo mansiyon talaga dahil pagpasok ko pa lang napakalaki na agad ng salas niya.
Pinaghalong black, brown and parang creame white or white yung makikitang kulay sa bahay niya. Minimalist lang.
Pumunta agad ako sa sofa at umupo. Wow! ang lambot naman ng sofa niya. Humiga pa ako para maramdaman ko kung gaano kalambot at kasarap yung sofa niya. Grabe, ito palang ang sarap ng matulog, paano na lang yung tutulugan ko? Edi mas malambot pa dito.
"Ang lambot ng sofa mo dito." Sabi ko sa kanya. Nakahiga pa din ako. Dinadamdam ang lambot ng sofa. Gusto ko ng matulog.
"Tsk! Lumayas ka diyan! Hindi pa nalilinis yan. Puro alikabok lahat ng gamit dito pati ang mga kwarto." sabi niya.
"Edi ipalinis mo na! Dito ako titira tapos puro alikabok? Pag ako nagkasakit ng Asthma, ipapakulong kita." sabi ko sa kanya. Bumango na ako mula sa pagkakahiga.
"Kaya nga dito kita dinala dahil sayo ko ipapalinis itong buhay bahay. Your first task bilang isang slave ko ay linisin mo itong buong bahay ko." Sabi niya na ikinanganga ko.
"ANOOOO?! Ipapalinis mo talaga sa akin itong buong bahay mo?" Tinignan ko ang buong paligid. Ngayon ko lang napansin na maalikabok nga. Hindi ba siya umuuwi dito? Wala bang care taker ito? Bakit ganito ito kadumi?
"Bakit? May problema ka ba doon? Kung meron, the door is widely open, lumayas ka na dito." he simply said, tinuro niya pa yung pintuan kaya tumingin din ako sa bukas na pintuan.
"Okay! Fine! Oo na! Lilinisin ko na po MASTER itong buong bahay niyo po MASTER!" Sarcastikong sabi ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inabot ang mga gamit ko. Pagod na nga ako sa pagbibitbit ng mga ito, lalo pa akong mapapagod.
"Then, Good! You can start now, i'll only giving you three hours to clean this whole house. When i come back kaylangan wala na akong makitang alikabok sa buong bahay ko." sabi niya bago direderetchong lumabas ng bahay.
Argh! Tatlong oras? Sa laki ng bahay niya, tatlong oras lang ang ibibigay niya sa akin? Mabuti sana kung my katulong! Pero wala! Ako lang magisa ang maglilinis nitong bahay niya!
Padabog akong umakyat sa taas, para mailagay na ang gamit ko sa kwarto. Uunahin ko na muna siguro yung magiging kwarto ko bago yung sala.
Pag akyat ko sa taas may apat na kwarto ang nandoon.
Una kong pinuntahan yung malapit
lapit lang sa hagdanan. Dahan dahan ko binuksan yung pintuan kahit alam ko naman na walang tao sa loob.Sinilip ko kung ano yung nasa loob, May dalawang higaan, siguro guest room yon.
Pinuntahan ko naman yung sumunod na kwarto, Sinilip ko yung nasa loob, Puro libro, siguro study room yan ni Eli. Minsan nga makapasok diyan. Wala naman sa rules na bawal ang pumasok sa study room niya eh.
Sunod kong pinuntahan ang katapat na kwarto nung study room. Binuksan ko yun at sinilip kung ano ang nasa loob. Black and White ang tema ng kwartong ito, siguro kwarto ito ni Eli.
Sinarado ko na ulit. Pinuntahan ko naman yung katabing kwarto ni Eli, Pagbukas ko, Plain White Color lang ang tema ng kwarto at my isang queen size bed at study table, ito na siguro yung akin.
Pumasok na ako sa loob at binaba lahat ng gamit ko. Pumunta ako sa kama ko at humiga. Tama nga ako, mas malambot ang kamang ito. Gusto ko na lang magpahinga at matulog.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto ko at halatang maraming alikabok, siguro dahil sa hindi na nagagamit.
Hindi pa ako nagsisimulang maglinis, pagod na kaagad ako. Gusto ko na lang talagang matulog magdamag. Kaso hindi pwede dahil baka mamaya kapag naabutan niya akong natutulog at hindi pa nalilinis yung kanyang bahay, mapalayas na kaagad ako dito.
Bumangon na ako para simulan na ang paglilinis. Kinuha ko yung isang bag ko dahil magpapalit ako ng mas komportableng damit.
Pumunta ako sa banyo para doon na magpalit. Isang plain white t shirt na medyo manipis na at isang sport short na nasa mid thigh ko lang.
Paglabas ko ng banyo tinali ko na yung buhok ko into messy bun.
Huminga muna ako ng malalim bago simulan ang paglilinis.
Kumuha ako ng basahan para punasan yung side table ko, and daming alikabok. inipon niya siguro ito ng isang dekada. Isang punas ko palang ang dumi na kaagad ng basahan. Paano pa sa salas o sa ibang lugar ng bahay na to?
Pagkatapos kong punasan lahat ng kaylangang punasan sinunod ko naman yung kama ko, pinalitan ko ng cover at conferter.
Sunod kong ginawa, inalis ko lahat ng laman ng bag ko at inayos na ito sa dapat nilang kalagyan.
Nang matapos ko ng malinis at maayos ang kwarto ko, bumaba na ako para isunod yung salas. Uunahin ko muna lahat ng nasa baba, dahil iyon ang unang makikita ni eli pagpasok. Di niya naman siguro ichecheck isa isa yung kwarto sa taas.
Kapag tinitignan ko ang buong bahay niya konti na lang, susuko na ako dahil sa pagod.
Meron na lamang akong dalawang oras para maglinis, umabot ako ng isang oras kakalinis ng kwarto ko, syempre ayoko naman ng maduming kwarto gusto kong lahat malinis. Walang kalat alikabok na makikita.
Ang hirap linisin ng sala ni Eli ng ako lang magisa dahil kaylangan ko pang buhatin yung ibang gamit para lang matanggal yung alikabok.
Kung alam ko lang na ganito, ipapalinis niya sa akin ang buong bahay, sana di nalang ako pumayag. pero saan naman ako titira kung hindi ako papayag diba?
Konti na lang malapit ko ng matapos linisin yung napakalaking sala niya, isusunod ko na yung dinning niya.
Binubuhat ko na yung mga dapat ibalik sa kanilang pwesto dahil baka mapagalitan pa ako at di ko sinusunod yung rules niya. Ingat na ingat ako na sana ay wala akong mabasag na kahit ano dahil kung meron, goodbye na ako dito sa mansyon niya.
Nang matapos na ako, sinunod ko na agad yung dinning, pinunasan ko na lahat ng dapat punasan. Pati lahat ng kaylangang linisin nilinis ko na.
Malapit na akong matapos sa buong bahay ni Eli. Meron pa akong fifteen minutes. Siguro magdidilig na lang ako ng halaman.
Mas okay na yung magdilig ng halaman kaysa sa makita niya akong nakahiga at nagpapahinga.
Oo, natapos kong linisin yung buong bahay niya sa loob lang ng tatlong oras. Yung iba di ko na gaanong nilinis mabuti dahil di naman niya titignan isa isa, lilinisin ko nalang iyon sa mga susunod na araw.
Ang importante muna sa ngayon, ay malinis yung madaling makita ng mga mata ni Eli.
♡
04-26-19
[UNEDITED!]
BINABASA MO ANG
Living At My Ex House
RomanceSophia Alexis Alcantara made her own decision to live with her Ex Boyfriend Eli Hunter Salvador. They been together for almost three years but suddenly they broke up. At magugulat nalang si Eli na ang babaeng minahal niya ng buo at sisira sa kanyang...