Kabanata 7
Ang bilis ng panahon. Apat na araw na ang nakalipas simula nung makabasag ako. Apat na araw narin akong nagtitiis doon sa masungit at walang pusong si Eli nayon!
Sa loob ng apat na araw nayon was my hell day! Kung ano anong pinapautos sa akin. Pinagluluto niya ako pero hindi naman niya kakainin. Minsan titikman niya lang tapos mamimintas na siyang hindi daw masarap, baka nilagyan ko raw ng lason! Tapos pinaglaba niya pa ako ng sangkatutak na mga damit niya pati bedsheets at blankets!
Meron namang laundry shop bakit hindi niya nalang doon ipalaba? Gustong gusto kong sabihin sa kanya iyon pero ayoko dahil baka mapaalis pa ako ng di oras. Dalawang linggo pa naman bago ko makuha yung sweldo ko.
"Maggrocery ka. Wala ng stocks ng pagkain." Sabi niya sa akin pagkababa niya. Nakabihis na siya ng blue longsleeve na polo at naka necktie. Habang hawak naman niya sa kaliwang kamay yung coat niya.
Inilahad niya ang hawak na pera. Kinuha ko yon at binilang.
"Ubusin mo lahat yan. Ayoko ng sukli. Aalis na ako." Sabi niya. Naglakad na siya palabas ng bahay.
"Sandali! Masyadong malaki itong perang binigay mo sa akin. Three thousand lang okay na." Sabi ko sa kanya. Paano ba naman sampung libo ang iniabot niya sa akin.
"Ano ba ang sabi ko? Diba ubusin mo yan dahil ayoko makatanggap ng sukli." Halos magdikit na ang kilay niya ng sabihin niya iyon.
"Pero....kasi... masyado talaga itong malaki." Ulit ko. Nagbabakasakaling kunin niya ang sobra.
Tinignan niya ang perang nakalahad sa kanya bago ibalik ang tingin sa akin.
"Ubusin mo yan. Bahala ka kung saan mo gagastusin." Sabi niya at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko gagastusin ang perang inabot niya sa akin.
Ano naman kasi gagawin ko sa napakalaking pera na to?
Itabi ko na lang kaya? Para sa susunod na magpagrocery iyon meron pang perang natira. Kaso mukhang magbibigay na naman iyon eh. Hays! Napakagastos naman ng lalaking yon! Kahit kaylan hindi na nagbago. Gastador parin. Pero infareness kahit gastador mayaman parin at nakapagpatayo pa ng sariling hotel niya.
Hatak hatak ko ang push cart na may lamang mga groceries. Pupunta ako sa wet section para bumili ng pork tsaka chicken. Balak ko kasing magluto mamaya ng adobo. Favorite ni Eli ang adobo kaya balak ko siyang lutuan non mamaya. Baka kapag natikman na niya ang luto ko hindi na niya ako gawing maid at kumuha na lang siya ng katulong niya sa bahay. Tsaka para may kasama din ako. Ang hirap kayang magisa lang sa napakalaking bahay. Lagi pa naman akong nauunang umuwi kaysa kay Eli galing trabaho. Tas pag-uwi ko ang sasalubong lang sa akin ay katahimikan sa buong bahay.
"Sophia?" Napatingin ako sa tumawag sa akin.
Kumunot ang noo ko dahil inaalala ko kung saan ko ba siya nakita. She is wearing a plain white off shoulder, black pants and a silletto.
"Don't you remember me?" Lalong kumunot ang noo ko dahil iniisip ko talaga kung saan ko siya huling nakita. Nakita ko na talaga siya pero hindi ko lang matandaan.
Tumawa siya kaya napatigil ako sa kaiisip kung saan ko siya huling nakita.
"I think you don't remember me. I'm Zoey, Eli's long term bestfriend." She said. Inilahad niya ang kamay niya para makipagshake hands. Agad ko naman iyon inabot.
"Nice meeting you. Sorry hindi talaga kita matandaan eh." Nagaalinlangan ko pang sinabi pagkatapos namin magshake hands.
Tumawa naman siya sa sinabi ko.
"Okay lang. Matagal narin naman since huli tayong nagkita. I think nung kayo pa ata ni Eli." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Paano niya nalaman iyon? Wala namang pinakilala si Eli sa akin na may long term bestfriend siyang babae ah. Halos lahat lalaki ang ipinapakilala niya.
"Nagulat ka ba? Sorry ah. Hindi talaga niya ako naipakilala sayo kasi sa ibang bansa ako nakatira. And now nandito na ako and nagkita na tayo, matagal na kasi kitang gustong makilala." Nakangiti at may tonong sarkastikong sabi niya.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko kahit gustong gusto ko ng umalis.
"Well, gusto ko kasing makita yung babaeng nangloko sa lalaking minamahal ko." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Kasi halata namang doon narin pupunta iyon base sa tono palang ng pananalita nito.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi ko alam na ang pangit pala ng taste ni Eli dati. Buti natiis ka niya." Inulit niya pa ulit akong tingan mula ulo hanggang paa before she roll her eyes. "Anyway hope to see you again, soon. Sana yung sunod na pagkikita na natin is yung wedding na namin ni Eli. Bye." She said before she walk away from me.
What the heck? Wedding? Asa siya! First of all, hindi niya naman pagmamayari si Eli para magdesisyon na sila ang magkakatuluyan sa huli! Andito pa ako, miss.
Nakakainis yong babaeng yon! At saka bakit hindi ipinakilala sa akin ni Eli na may so called long term bestfriend siya nung kami pa? Ano yon? Secret secret na lang habang kami pa?
Well! Bahala na kung sino ang mananalo. Basta, Itutuloy ko parin ang plano ko, lalo na ngayong may sumulpot kung saan. May the best woman wins na lang.
♡
08-22-20
BINABASA MO ANG
Living At My Ex House
RomanceSophia Alexis Alcantara made her own decision to live with her Ex Boyfriend Eli Hunter Salvador. They been together for almost three years but suddenly they broke up. At magugulat nalang si Eli na ang babaeng minahal niya ng buo at sisira sa kanyang...