Kabanata 20

501 22 1
                                    

Kabanata 20

"Where do you wanna go? I'll date you today." Eli asked.

"Talaga? Wala ka bang gagawin? Like projects?" Tanong ko sa kanya. Mas maganda kung tanungin, baka mamaya busy pala siya ulit. Madalas kasi siyang nagiging busy dahil pareho na kaming graduating, busy rin naman ako kaso nga lang mas busy siya.

"Nope. I make sure that i cleared my schedule for today, just to be with you." He said that while looking straight to my eyes. He even put the strand of my hair at the back of my ears.

"Let's go!" Aya ko dahil di ko na kayang tumingin ng matagal sa kanya. Kinikilig na ako ng sobra.

"Are you sure you want to eat here? I can treat you somewhere else." He asked.

Nandito kasi kami sa tapat ng school kung nasaan yung mga nagtitinda ng fishball, barbeque, quek-quek at marami pang iba.

"Yup! I am a hundred percent sure. Namiss ko ng kumain dito kasama ka." Sabi ko. Hinatak ko na siya sa loob ng lugawan.

"I'll order for you. Just find a sit for us." He said. Tumango naman ako bilang sagot.

"Okay." I smiled at him and find a place to sit.

Dumating na siya dala ang mga inorder niya. Sobrang saya ko ng makitang marami siyang biniling lumpiang toge, at tokneneng.

"Thank you!" Masayang masayang sabi ko sa kanya.

Pagkababa palang niya ng tray kinuha ko na agad yung isang pirasong lumpiang toge.

"Careful, mainit pa yan." Sabi niya, habang umuupo sa tabi ko.

"Ouch!" Napaso tuloy ang dila ko sa pagmamadaling kainin yung lumpiang toge.

"Sabi ko sa'yo magdahan-dahan ka. Ayan napaso ka tuloy. Alam mo namang ayokong nasasaktan ang baby ko." Sabi niya habang inaalok niya sa akin ang isang basong tubig.

"Masakit parin?" Tanong niya. Umiling naman ako. Hindi naman na gaano kasakit.

"Sure? Gusto mo dalhin na kita sa clinic?" Tanong niya na agad ko naman tinanggihan.

"Napaso lang ako, Eli! Hindi mo naman na ako kaylangan dalhin agad sa clinic." Sabi ko.

"Gusto ko lang makasigurado." Sabi niya.

"Wow, bro ano yan? Penge nga!" Napatingin kami pareho ni Eli doon sa nagsalita.

Naglalakad papalapit sa amin si Paulo, Kerby, at Lance.

Napasimangot naman ako bigla. Ngayon na nga lang kami magda-date ni Eli ng kaming dalawa lang, bigla namang nagsisulputan tong mga kaibigan niya.

"Penge kami ah!" Sabi ni Kerby, kinuha niya yung tokneneng na nakalagay sa inlok. Nakita ko naman na tinignan ng masama ni Eli ang mga barkada niya.

"Sarap pala talaga kapag libre, pre!" Sabi naman ni Lance na kumakain naman ng Lumpiang Toge. Di ko namalayan na nakatabi na pala rin pala siya sa akin.

"What are you guys doing here?" Seryosong tanong ni Eli.

"Bakit? Bawal ba kami dito?" Tanong naman ni Paulo, luminga lingga siya sa paligid siguro para tignan kung may nakalagay na sign na bawal sila rito.

"Ang gusto ko lang sabihin, bakit nang-iistorbo kayo ng date." Seryoso ngunit medyo mataas ang boses na tanong ni Eli.

"Nagda-date ba kayo, pre? Kala ko kakain lang kayo, kaya nakisama na kami." Sabi ni Paulo.

Living At My Ex HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon