Kabanata 21
"Hoy! Lance! Ano tong nababalitaan ko na pinagkakalat mo na girlfriend mo ako?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Huh? May sinabi ba akong ganon? Buong araw akong busy sa opisina ko at hindi lumalabas." Maang-maangang sabi niya.
"Nakakainis ka!" Sabi ko at padabog na umalis ng opisina niya.
Mag-iisang linggo palang akong nagtatrabaho sa isang branch niya ng makarinig ako ng mga bali-balita na kaya madalas daw na nandito si Lance ay dahil nandito raw ako, ang kanyang girlfriend.
"Hai, Sophia, gusto ko lang itanong, matagal na ba kayong may relasyon ni Sir Lance?" Tanong ng isang co-employee ko.
Sasagutin ko na sana siya kaso may biglang umakbay sa akin. Sumunod pala siya.
"Oo, matagal na kaming may relasyon, kaya bumalik na ikaw at kayo sa trabaho niyo." Sabi niya sa mga empleyado niya.
Ako naman ay tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin, inirapan ko siya bago bumalik sa pwesto ko.
Nakakainis naman tong lalaking ito, gumagawa ng issue kahit hindi naman totoo.
"Nakakainis ka talaga!" Sabi ko dito bago bumalik sa pwesto ko.
Mapapalipat na naman ata ako ng ibang branch niya dahil sa pinagkakalat nito na girlfriend niya ako.
Dalawang buwan narin ang nakalipas ng makaalis ako sa bahay ni Eli, pansamantalang tumitira ako sa bahay na inalok ni Lance.
Sabi ko kasi sa kanya, na ayokong tumira sa nakita namin ni Eli na apartment dahil alam ko na posible niya akong puntahan doon.
Pati rin si Rizza ay nalipat ng ibang branch kung nasaan ako. Ayaw kasi ni Lance na kulitin at puntahan ni Eli si Rizza para tanungin kung nasaan ako.
Hindi naman alam ni Eli ang lahat ng branches ng companya ni Lance kahit magkaibigan sila.
"Hindi ka pa kakain?" Tanong ni Rizza.
"Mamaya na. Tapusin ko lang ito para bukas wala na akong iisipin na mga papers." Sabi ko dito.
"Kumain ka na muna." Nagulat ako ng biglang hinatak ni Lance ang braso ko kaya napatayo ako at hinayaan na siyang hatakin ako papunta sa canteen nila.
"Ako na ang bibili sa inyo. Maupo na kayo." Sabi ni Lance.
"Ang bait ni Sir Lance, diba." Sabi ni Rizza pagkaupo namin.
Mabait naman....
"Bagay kayo." Napatingin ako bigla kay Rizza, kinunotan ko siya ng noo.
"Bakit? Totoo naman. Bagay kayong dalawa." Sabi niya ulit.
"Anong pinagsasasabi mo?" Tanong ko dito.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo na bagay kayo ni Sir Lance. Husband material na yan. Mayaman, gwapo, matangkad, maputi, sobrang mabait, maaalahanin, maalaga at marami pang iba. Kung ako lang gusto niyan, di na ako magpapaligaw, oo na agad." Mahabang paliwanag niya.
"Edi sayo na siya." Sabi ko sa kanya.
"Kung ako lang ang gusto niyan eh, edi sana kami na diba. Kaso may gustong iba." Sabi niya.
Nakuha naman niya ang atensyon ko dahil sa huli niyang sinabi.
"May gusto si Lance na babae?" Paninigurado ko.
Babaero si Lance, college palang kami. Wala na siyang sineseryoso na babae, kaya sobrang gulat ko ng malaman na may gusto siyang babae. Seryoso ba siya?
"Hindi mo ba napapansin?" Tanong niya, tinarayan niya pa ako.
"Hindi. Siguro dahil sa sobrang dami kong iniisip, kaya siguro hindi ko napansin." Sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
Living At My Ex House
RomanceSophia Alexis Alcantara made her own decision to live with her Ex Boyfriend Eli Hunter Salvador. They been together for almost three years but suddenly they broke up. At magugulat nalang si Eli na ang babaeng minahal niya ng buo at sisira sa kanyang...