Kabanata 26

382 26 1
                                    

Kabanata 26

Sinamahan ako ni Eli sa malapit na grocery. Siya ang may hila ng push cart habang ako ay nasa gilid niya at tinitignan ang mga nakadisplay na bilihin.

"Ano bang favorite na pagkain ng mommy mo?" Tanong ko rito.

"I don't know." Sagot niya.

"Hindi mo alam?! Dapat alam mo dahil mommy mo siya." Sabi ko dito. Pero hindi niya ako sinagot.

Siguro ay galit siya sa mommy niya dahil ayaw niyang pinapakielaman ang personal na buhay niya.

"Galit ka ba sa mommy mo?" I asked habang papunta kami sa meat section ng grocery.

Hindi niya parin ako sinagot. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya.

"Don't be mad to your mom." Sabi ko dito at bahagyang hinaplos ang braso niya.

"How can I? Siya ang may dahilan kung bakit tayo naghiwalay years ago!" Medyo mataas ang boses na sabi niya.

"Kung ano man ang nangyari years ago, past na yon, Eli. Magfocus nalang tayo sa present and future natin." Sabi ko sa kanya, na sana nakatulong para gumaan ang pakiramdam niya.

"Still, even if it is in the past, hindi ko parin makakalimutan ang ginawa niya sa relasyon nating dalawa." Sabi niya. Nakikita ko talaga sa mga mata niya ang galit.

"Eli, let's move on from the past and move forward to our future." I said to him to lighten up his mood.

Mukhang nagwagi naman ako dahil biglang nagiba ang mood niya.

"Yeah, maybe we should start planning on having a baby?" Sabi niya sa nakakaakit na tono.

He is always like that. He always add me in planning of his future.

"Tigilan mo ako." Sabi ko at namili na ng baboy. Balak ko ay menudo na lang ang lutuin.

Hindi ko alam kung nakakain na ba o natikman na ba nang mommy niya ang menudo.

Pero kung hindi man siya kakain ng ihahanda kong putahe ay oorder nalang siguro ako sa mga restaurant na alam kong kakainin niya ang mga pagkain doon.

"Tapos na ako. Nabili ko na ang mga dapat bilhin ko para sa iluluto ko bukas." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Ikot muna tayo. I don't have enough stocks at home. I need to buy food and other things also." Sabi niya. Tumango naman ako dito bilang pagsang-ayon.

Kumuha siya ng mga chichirya. Habang ako nasa tabi lang niya, nakasunod sa kanya.

"Wala ka bang gusto?" Tanong niya. Umiling ako sa kanya.

Meron akong gusto pero ako na lang ang bibili dahil alam ko naman siya ang gagastos ng mga pinamili niya.

"You, sure? As i remember, si Sophia ay mahilig kumuha ng kumuha ng pagkain kapag nag-gogrocery tayo." Sabi niya sa akin.

Oo, mahilig nga akong kumuha ng kumuha, pero dati iyon. Ngayon, gusto ko ako na mismo ang mag-gogrocery at magbabayad ng pinamili ko.

"Sigurado ako, tsaka nakakasawa narin naman ang ibang pagkain." Sabi ko sa kanya.

Hindi niya iyon sinagot. Nagpatuloy lang kami sa pagiikot.

Nagtaka ako ng lumiko si Eli sa may mga diapers na pang baby.

Anong ginagawa namin dito? Siguro dadaan lang.

Pero mali ako. Akala ko dadaan lang kami, pero hindi pala. Kumuha siya ng isang balot ng diapers. Siguro nasa sampung piraso ang nasa loob non.

Living At My Ex HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon