Kabanata 23
Si Eli nga ba talaga? Siya ba ang palaging nagpapadala ng mga rosas?
Pero paano? Paano niya nalaman kung saan ako nagtatrabaho?
Oh! Siya nga pala ang may ari ng isa sa mga kilalang hotel, at mayaman siya. Malamang pwedeng nag-hire iyon para hanapin ako.
Dumaan na ang tatlong linggo, nakauwi na rin si Lance galing ibang bansa.
Nagulat nga ako ng pagkauwi niya palang dito sa pinas, dumiretcho na agad siya sa bahay ko. Hindi man lang nagpahinga.
"Hindi ka ba pagod sa byahe?" Tanong ko rito, bitbit ko ang basong may lamang tubig.
Nakasandal siya sa may sandalan ng sofa at nakapikit ang mga mata.
Umiling siya bilang sagot.
Inilapag ko ang baso sa may lamesa sa harap niya, bago naupo sa isahang upuan.
Tinignan ko siyang mabuti. He is wearing a navy blue dress shirt, black pants and a black leather shoes.
Nakakunot ang noo niya habang nakapikit at medyo magulo ang buhok.
Tignan mo nga naman, tinanong mo kung hindi ba siya napagod sa byahe, umiling kanina, tapos ngayon sa ayos niya alam mong pagod na pagod.
"Umuwi ka kaya muna sa inyo, Lance. Para makapagpahinga ka." Sabi ko dito.
Idinilat niya ang mga mata niya at tinignan niya ako. Umayos rin siya ng pagkakaupo.
"Bakit ba kasi dumiretcho ka kaagad dito?" Tanong ko sa kanya.
Kinuha niya ang basong nasa harap niya at ininom ito. Tinitignan ko lang ang bawat galaw niya.
Oo, nakakaattract siya, pero hindi ko naman mapipilit na gustuhin siya.
"Gusto kitang makita." Sabi niya, pagkalapag ng baso. "Namiss kita, sobra." Dagdag niya.
Wala.
Wala akong nararamdamang kakaiba sa kanya. Hindi ko maramdaman yung kakaiba nadarama ko kapag si Eli ang nagsabi sa akin ng ganon.
"Hindi mo ba ako namiss?" Tanong niya. Diretcho siyang nakatingin sa akin. Tinitignan niya ang magiging reaksyon ko.
"Syempre.....namiss din namin ikaw. Tatlong linggo ka rin nawala. Maraming nakakamiss sa boss nila." Paliwanag ko.
Biglang kumunot ang noo niya.
"Hindi ko kaylangan malaman kung namimiss ba ako ng empleyado ko. Ikaw ang tinatanong ko kung namiss mo ba ako." Sabi niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Namiss ko ba siya? Bakit parang okay lang sa akin na wala siya?
"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko dito.
"Namiss mo ba ako?" Tanong niya, hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Oo, namiss naman kita." Medyo pilit kong sabi dito.
"It feels like...." yumuko siya, hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.
"Uuwi na muna ako." Pagkasabi niya non, tumayo siya at walang paalam na umalis.
Anong nangyari sa kanya? Minsan ganyan rin si Eli. Magkaibigan nga kayo, hirap intindihin ng ugali niyo.
Kinaumagahan, maaga ako pumasok para sana maabutan kung sino naglalagay ng rosas sa lamesa ko.
Kaso pagdating ko sa pwesto ko, may nakalagay ng bulaklak. Pero ngayon, hindi isang pirasong rose, kundi isang bouquet ng mga pulang rosas.
Mabilis ko itong kinuha para hanapin ang sulat kung meron man.
BINABASA MO ANG
Living At My Ex House
RomanceSophia Alexis Alcantara made her own decision to live with her Ex Boyfriend Eli Hunter Salvador. They been together for almost three years but suddenly they broke up. At magugulat nalang si Eli na ang babaeng minahal niya ng buo at sisira sa kanyang...