Kabanata 22
Tinitignan niya ako, inoobserbahan niya ang magiging reaksyon ko.
Totoo ba yung narinig ko? Baka nagkakamali lang ako. Imposible naman kasi.
"I like you..... matagal na." Sabi niya na mas lalo kong ikinagulat.
Matagal na? Sigurado ba siya?
"Gusto kita, simula college. Kayo na ni Eli non." Paumpisa niyang kwento.
"I like you every much simula college palang hanggang ngayon, gusto parin kita." Sabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sabihin ko sa kanya.
"Syempre dahil may relasyon kayo ni Eli non, ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Kaya ako na ang nagkusang loob na lumayo sa inyong dalawa kung naaalala mo pa yon." Paliwanag niya.
Seryoso lang akong nakikinig sa kanya, pinoproseso ang mga bawat salitang binibitiwan niya.
"Hindi ko naman kaylangan ng agarang sagot mo. Pero kung balak mo akong bastedin, sabihin mo na agad ngayon para hindi na ako umasa sa mga susunod na araw." Dagdag niya.
Ano ba ang dapat kong sabihin? Hindi ko alam. Walang lumalabas sa bibig ko.
Sobra akong nagulat na may gusto pala siya sa akin. Nagiisip pa ako kung sino ang babaeng gusto niya. Hindi ko naman na inakala na ako pala ang gugustuhin niya.
"Ingat ka pauwi. Ingat sa pagdadrive." Sabi ko dito bago ako bumaba ng kotse niya.
Pagkatapos niyang umamin, nag-aya na ako sa kanya na uuwi na ako, kaya pumayag naman siya agad.
"Pumasok ka na sa loob." Sabi niya at sinunod ko naman siya.
Pumasok na ako sa loob at hindi na siya inantay na makaalis.
Anong gagawin ko?
Paano ko sasabihin kay Lance ang totoo? Ayoko na umasa siya.
Kinabukasan, sakto lang ang oras ng pasok ko sa trabaho. Pagdating ko doon ay may nakapatong na isang pirasong pulang rosas sa lamesa ko.
Nagtaka ako kung sino ang nagbigay non.
Tinignan ko si Rizza na nakatingin sa akin at tinanong ko kung sino nagbigay nito.
"Hindi ko alam. Pagdating ko ay nandiyan na yan sa lamesa mo." Sabi niya.
Walang nakalagay kung kanino nanggaling ang rosas na to. Walang nakasulat o papel man lang.
"Baka kay Sir Lance." Bulong ni Rizza sa akin na agad naman nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Naalala ko na naman ang pag-aamin niya na gusto niya ako.
Hindi ko pa nga alam kung paano siya haharapin eh.
Isinantabi ko muna ang rosas na nasa lamesa ko. Kung si Sir Lance nga ang nagbigay non, dapat ay hindi niya gawin iyon.
Hindi dahil sa ayaw ko, pero dahil baka may nakakita sa kanya at gawan na naman kami ng issue.
Natapos ang buong araw na hindi ko nakita si Sir Lance, doon ko lang rin nalaman na nag out of town siya dahil may meeting siya.
Tatlong linggo siyang mawawala. Siguro sakto na yung dalawang linggo para sa preparasyon ko na sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko.
Kung ano man ang maging disisyon ko ay sana manatili parin kami na magkaibigan.
Katulad ulit kahapon, may isang rosas na naman ang nakapatong sa lamesa ko.
Kinuha ko agad iyon dahil may nakita akong nakasulat.
"I miss you so much!" Hindi ko makikilala kung kanino galing ang rosas dahil nakaprint ang sulat.
Kung sulat kamay siguro iyon, baka makilala ko pa kung sino.
O baka si Lance nga ang may pakana nito? Ipinauutos niya lang sa empleyado niya na ilagay sa lamesa ko.
Palaging may isang pirasong rosas ang naaabutan ko tuwing papasok ako. Karamihan dito ay walang mga sulat na nakalagay.
Hindi ko inuuwi ang mga rosas na nakukuha ko. Iniiwan ko dito, nakalagay sa isang babasaging vase.
"Ang dami mo ng roses Sophia, kanino galing yan?" Tanong ng isang katrabaho ko
"Baka sa secret admirer niya?" Singit naman nung isang katrabaho ko.
"Masyado na tayong matanda para magkaroon pa ng secret admirer." Sabi ulit nung katrabaho ko na nagtanong kanina kung kanino daw galing.
"Kilala ko kung kanino galing yan." Sabi ni Rizza. Lumapit siya sa akin at kinuha ang rosas.
Kaso pagkakuha niya ay may nahulog na maliit na papel.
Mabilis ko yon pinulot, nakatupi iyon, binuksan ko iyon at printed na naman ang makasulat dito.
"Palagi kitang iniisip." Mas lalo pa akong nagulat na may initials na nakalagay doon.
Ang mas lalo ko pang ikinagulat at ipinagtaka ay letter H.S ang nakasulat na initial.
H.S.... sino iyon? Wala akong kilala na H.S.
"H.S? As in Harry Styles?" Birong sabi ni Rizza.
"Singer pala ang secret admirer mo eh." Pabirong sabi ni Rizza.
H.S.
Wala namang H.S sa pangalan ni Lance.
Kaya sigurado ako na hindi si Lance ang nagpapadala ng rosas.
Natapos ang araw na iniisip ko parin kung sino ang H.S na yon.
Inuwi ko ang papel sa bahay dahil gusto ko talagang malaman kung sino ang may initials na H.S.
Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, napatingin ako sa nalaglag na picture.
Pinulot ko iyon at tinignan. Kamibg dalawa ni Eli. Picture namin ito ni Eli noong college palang kami. Nakahiga si Eli sa hita ko habang sinusuklay ko naman ang buhok niya. Isa itong stolen shot. Basta nagulat nalang ako ng may mag-abot sa akin nito.
Eli...
Kamusta na kaya siya? Nagalit kaya siya ng nalaman niyang iniwan ko na naman siya ulit?
"Miss na kita." Sabi ko.
Buwan palang ang nakakalipas, kaya hindi parin ako nakakamove on. Pero alam ko darating din ang araw na makakamove on rin ako kayy Eli.
Siguro dapat ko na talagang alisin lahat ng mga bagay na magpapaalala sa amin. Katulad na lang nitong pictures.
At siguro, dapat ko rin bigyang pagkakataon si Lance. Buksan ang puso ko para sa kanya.
Tinignan ko ulit ang picture, bago sana itago ulit. Kaso may napansin ako sa parteng ibaba.
S.A.A. ♡ E.H.S.
Wait!
H.S?
Hunter Salvador?
Si Eli ba ang nagbibigay ng mga pulang rosas?
♡
09-21-22
BINABASA MO ANG
Living At My Ex House
RomanceSophia Alexis Alcantara made her own decision to live with her Ex Boyfriend Eli Hunter Salvador. They been together for almost three years but suddenly they broke up. At magugulat nalang si Eli na ang babaeng minahal niya ng buo at sisira sa kanyang...