CHAPTER FOUR

3.7K 130 4
                                    

Chapter Four

April 11 2019 11:17pm

    Mahirap ang naging pagsusulit namin pero sa tingin ko ay nakuha ko ang tamang sagot sa lahat ng tanong.
Masaya ang mga kaklase ko sa pagtatapos ng exam namin. Bakasyon na at excited ang ilan sa mga kaklase ko.

Maging kami nina Virgie at Eric dahil sa pag babakasyon namin sa bayan ni Judy mag fifiesta sa bayan nila katumbas iyon ng family reunion sa probinsya nila.

"Minsan ko ng nakita si Kuya Jasper ehh ang gwapo nya talaga. Hindi ko nga alam bakit hindi pa ako nirereto nitong si Judy baka sakaling magkadelopan kami ehh." Utas ni Eric na ilang nagdaan araw nya ng binibigkas ang kuya ni Judy na syang susundo sa amin patungo sa bayan nila.

"Hindi napatol si Kuya sa malalansang halaman dagat." Biro naman ni Judy.

Maaga kaming natapos sa exam at halos mag aalas kwatro pa lang ng hapon.

Mag-eempake na kami ng gamit para manayang hapon ay doon na kami matutulog kay na Judy dahil madaling araw ang alis namin.

Sumama na ako dahil gusto ko din makapagrelax at makaligo sa dagat at higit sa lahat ay libre lahat ng pamilya ni Judy.

"Buti na lang sumama ka excited na talaga ako ehh lalo na at parehas natin first time umuwi sa probinsya ni Judy. Si Virgie lang kasi palagi ang kasama nya sa pagpunta sa Garchietorena. Tsaka gusto ko na din masuot ang bikini ko. Mayroon pa akong extra na bikini gusto mo ipahiram ko sayo."
Natawa ako sa mungkahi nya.

Never pa ako nakapag suot ng mga sexy na panglangoy kaya siguro itatry ko na din.

Nang makarating kami sa bahay nina Judy ay kahon kahon ang nakasalansan sa sala nila. Mga pasalubong daw nila iyon sa kamag anak nila.
Halos hindi din kami nakatulog dahil sa kanya kanya namin kwentuhan at lahat kami ay excited sa pagbabakasyon.

   Mahigit dose oras ang naging byahe namin lulan ng isang Grande na Van na nirentahan ng magulang ni Judy bakas sa mukha nito ang paggiging mabait.

Nasa byahe pa din kami tulog sina Virgie at Eric habang kaming dalawa ni  Judy ay ineenjoy ang magagandang tanawin. Isang hilera ang inakupa namin. Si Judy malapit sa bintana, ako, si Eric at si Virgie na malapit sa pintuan. Kanina pa kuha ng kuha ng litrato si Judy gamit ang cellphone nya at mamahaling camera minsan puro ako lang ang kinukuhaan nya. Sya din ang nagtiritas sa buhok ko at may ibinigay din sya sa akin na damit na tinernuhan ko ng short na maong. Nilagyan nya ng kaunting pulbos ang mukha ko at pink na lipstick.

Napakaganda ng tanawin na nadaraanan namin lalo na at padapit hapon na mag aalas singko na yata. Sa tuwing napapadaan kami sa dagat kumikinang iyon sa mlpagtama ng sikat ng araw parang dyamante na kumikislap sa malawak na kaparangan.

"Holy shit!" Mahinang utas ni Judy lumingon ako sa kanya. "..500 shares and one thousand likes ang litrato mo Aurea. At isang komento galing kay Blaster. '82117' sabihin mo anong connect sa litrato mo ang numero na yan?"

"Hindi ko alam. Hindi ko naman sya nakakausap palagi ehh."

"As in wala ba talaga. Matagal ko ng friend yan si Blaster pero never pa yan nag like o nagkomento sa mga post ko. At yung nakaraan na nagcut kayo ng klase ni Blaster ano bang nangyare sa inyong dalawa noon?"

"Nakwento ko na sainyo iyon. Nasasak sya at ginawa nya akong alila sa condo nya. Hindi big deal sa akin ang mga ginagawa nya."

"Alam mo Aurea, matagal ko ng nakikita si Blaster kahit noon pa na elementarya kami ni kuya, kaklase pa nga nya dati si Kuya Jasper. May katigasan talaga ang ulo nyan kaya kung nagpapalipad hangin sya sayo ay pag isipan mong mabuti mahirap na at baka maging sakit sa ulo mo lang ang lalaking iyon. At isa pa hindi nagtatagal ang mga naging karelasyon nya. Kaya binibigyan na kita ng babala."

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon