CHAPTER FOURTEEN

1.9K 74 12
                                    

CHAPTER FOURTEEN

APRIL 28 2020 8:57PM

    Mabango ang amoy ng nilulutong shawarma. Tutok pa din si Royal sa panonood nya habang walang humpay ang kakasbainnyang gutom na gutom na sya. Kasama ko si Reline na papasok pa lang at ako na day off ko dahil biyernes. Wala din masyadong aktibidades ng hapon kaya maaga kaming pinauwi ng professor namin.

"Nakakagutom talaga ang amoy." Saka lang napuknat ang mata nya sa panonood.

Nakauniform na pang nurse si Royal madami dami din ang lumilingon sa kanya at ngingitian naman nya iyon.
Masyadong palakaibigan ang awra ni Royal yung tipong di ka mahihirapan na kaibiganin ang tulad nya.

Ibinababa na ng service crew ang inorder namin shawarma rice, shawarma pita at iced tea samen tatlo.

"Salamat sa libre mo Aurea."

"Aalis nga pala kayo ni Boss mamaya?" Lumingon naman si Reline sa sinabi ni Royal.
"Oo sa Tagaytay lang kami sa bahay ni Annika doon daw gaganapin ang birthday nya."
"Mahirap ba makiaalamuha sa mayayaman?" Tanong ni Reline sa akin.

Mukhang hindi naman ako nahihirapan sa pakikisama ko sa mga kaibigan ni Blaster. Although may ibat ibang ugali din sila na kagulad din natin na normal na tao.

"Hindi naman. Mababait naman sila kung sa ugali lang ang pagbabatayan pero sa arawaraw na pamumuhay nila nakakalula talaga. Sa pagkain pa lang obang iba na sa pangkaraniwan natin na kinakain. Mga gamit na pulos may pangalan na kahit isang taon yata natin pag ipunan ay di natin mabibili. Katulad din natin sila may mga kanya kanyang ugali at may kanya kanyang topak." Ngumiti ako sa kanila.

"..minsan nga naiisip ko bakit ako yung gusto ni Blaster? Anong mayroon sa akin na wala sa iba? Hindi ako mayaman. Hindi din maganda--"

"Maganda ka MaUrea.." nakangiting sabad ni Royal.
"At mabait pa." Si Reline.

"Basta kahit ano pa yon magtatapos ako ng pag aaral at maghahanap ng trabaho. Ayokong umasa sa kung anong mayroon si Balster ayokong may masabi ang iba dahil sa pag angat ko. Gusto ko sarili kong sikap iyon. Sariling pawis at pagod."

Simple lang ang naging salo salo namin, nakakabusog at nakakagaan sa pakiramdam na may pumapaligid sa akin na mga kaibigan.

"Ingat kayo Reline Royal."

   Umuwi ako sa condo para iayos ang gamit na dadalhin namin ni Blaster, overnight lang naman kaing dalawa kaya siguro isang pares ngdamit ang babaunin ko. Hindi naman kami makakapag langoy sa Villa nina Annika dahil malamig pero nagdala pa din ako ng swimsuit na binili sa akin ni Blaster.

Naggawa ako ng sandwich na mababaon namin ni Blaster busog pa naman ako sa kinain namin shawarma.
"Aurea let's go." Nilahad ni Blaster ang kamay nya nasa loob ng backpack nya ang mga gamit ko dahil kaunti lang naman ang dala namin at may extra naman sa loob ng kotse nya.

Inayos ko ang chain ng bag na nakasabi sa akin.

"Wear your seatbelt."

Inabot ng halos apat na oras ang naging byahe namin dahil sa trapik. Alas otso pasado ngnakarating kami sa malamig at tuktok ng tagaytay sobrang ganda ng Villa Maze bumungad sa amin ang malawak na paradahan ng sasakyan ang mga pine trees na nakahalera ng tuwid may nakapalibot din na bumbilya at streetlights na nagbigay liwanag sa daan at ang westernized style ng bahay nina Annika may chimney iyon sa labas pa lang naghihumiyaw na ang kagadahan at kaperpektuhan ng pagkakagawa ng bahay kulay kahel at kayumanggi.

Sa gitna ng paikot na daanan ng mga kotse ay ang fountain na may disenyo ng bata at ang babae na may hawak na banga na pinagtutuluan ng bote may nakapalibot din na spotlight na tumututok sa mag ina na rumereflect ang ilaw sa tubig.

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon