CHAPTER TWENTY THREE

3.9K 133 186
                                    

Chapter Twenty Three

June 7, 2020 4:05 pm

        MALAKAS ang palakpakan ng mga tao sa plaza lalo na ng matapos ang maikling talumpati ni Blaster.

"Maraming salamat sa masipag at sobrang bait ang C.E.O ng Magdallion Food Corporation."

Namatay ulit ang ilaw sa paligid plaza, bumitaw ako sa pagkakahawak kay Kapitan Ivan at mabilis na umalis. Hindi ko na ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaalam sa mga kananay ko.

Mabilis akong nakapasok sa loob kahit na alam ko naman na walang sumusunod sa akin. Hindi pa ako handa sa ganito, hindi ako handa na makita sya! Im still healing myself.

Hindi pa ako tapos sa proseso.

Kahit patay ang ilaw ay diretso ako sa kwarto walang pintuan iyon at tanging kurtina na puti ang nag tataklob sa loob ng kwarto.

Maliwanag ang buwan tagos sa bintana tangin electric fan lang ang nakabukas at walang ingay ang buong kabahayan mga mumunting huni ng insekto.

Humiga ako dahil sa panglalambot na nadama. Hindi ko alam kung bakit parang naubos yata lahat ng aking inerhiya.

Kinakabahan ako at natatakot.

Hindi nya naman siguro ako nakita? Hindi nya naman alam na nandito ako?  At hindi sya magtatagal dito dahil sa lungsod ang buhay nya at wala dito.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata, pero ang mukha nyang direkta na nakatitig sa akin ang naalala ko para akong tinamaan ng kidlat ng magtagpo ang mga mata namin.

Nakita nya ba ako?

Ohh God! Nag uumpisa pa lang akong buuin ang pangarap ko. Binubuo ko pa ang pagkatao ko. Bakit ngayon pa?

Bakit masyado kang mapaglaro sa akin?

Tumulo ang mga luha ko sa kabiguan na nararamdaman ko.

Kinabukasan ang maiingay na musika ng banda ang gumising sa akin. Pangatlo na yata iyon na musikero na pumarada. Saradong sarado ang bahay ko kahit na gising na ako. Mag aalas onse na at hindi pa ako bumabango sa kinahihigaan ko. Pabiling-biling ako sa pagkakahiga.

Hindi naman siguro sya magtatagal dito, kaya magkukulong na lang ako sa loob ng bahay.

Ilang beses ng may kumakatok sa labas at hindi ko pinagbubuksan kahit na halos kalampagin na nila ang buong bahay ko.

Natapos ang maghapon ng fiesta ay hindi ako lumabas pirmi lang ako sa kwarto hanggang kinagabihan.

      "Maam Rea.." boses ni Aling Nemia na nanggaling sa labas. Ilang beses na ba syang kumatok dito.

Pinagbuksan ko sya ng pintuan, Lunes na at may pasok na muli sa eskwelahan. Nakabihis na ako ng uniporme dahil maaga ang pasok para sa flag ceremony.

"Magandang umaga po." Bati ko, bahagya syang sumilip-silip sa loob ng bahay na para bang mag itinatago ako.

"Nag alala po kami sa inyo Maam bigla po kayong nawala matapos kayong magsayaw ni Kap at ang siste nataranta kami kakahanap sa inyo."

"Pasensya na po may biglaan lang po akong pinuntahan kaya napaluwas po ako."

"Ganoon ho ba? Kagabi po kasi yung bisita ni Mayor Viruzo nandito sa labas ng bahay nyo nasa loob ng kotse. Pero hindi naman po sya lumabas." Parang may bumundol sa dibdib ko.

"Ah sige po Aling Nemia kailangan ko na po pumasok." Sinarado ko ang pinto at sumabay sa paglalakad palabas.

Maya't mayaang lingon ko dahil sa sinabing kotse ni Aling Nemia.
"Maam may problema ba?"
"Po? Ahm-- wala po." Kinipit kong maigi ang dala kong eco bag na naglalaman ng visual at ilang textbooks na ituturo ko sa araw ngayon.

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon