CHAPTER THIRTEEN

2.3K 74 46
                                    

CHAPTER THIRTEEN

April 15 2020 11:27pm

   Malamig ang simoy ng hangin sa papasok na Desyembre. Mainit at tutok naman ang panonood ni Royal sa cellphone na hawak nya.

"Putsa! Tanga naman din kasi nitong lalaki!" Inusisa ko sya minsan umiiyak sya, minsan tawang tawa, kinikilig at naiinis sa pinapanood nya.

"Adik ka na talaga wala ka ng pag asa." It was Maam Gelly alas syete na ng umaga at naghahanda na silang umuwi.

"Ajummoeni!" Pabirong sikhal ni Royal.
"Hindi ganyan sa totoong buhay kahit sa Korea. Mababaliw ka lang kakanood diyan." Kumaway sya sa amin at sumakay na sa pulang Civic ng kanyang asawa.

Oo si Royal Drew Buencamino ay adik sa Korean Drama. Sa kanya lang ako nakakanood niyon ngunit pahapyaw lang dahil sa tuwing makikinuod ako sa kanya kapag di ko natapos kinabukasan ay nakalimang hakbang na episode na sya. Kaya siguro namumula na ang mga mata nito.

"Yung nanay nya at yung ex nya ang may pakana lahat!" Balik ulit sa pinapanood nya. Isang family affair iyon na umiiot sa buhay ng mag asawa at hindi ko na alam ang kasunod na istorya.

"Hindi naman ganyan sa totoong buhay Royal." Sinamaan nya lang ako ng tingin habang inaayos ko ang pack ng mga noodles. "..tignan mo yung eyebags mo, yung mga mata mo umiiyak na at nagmamakaawa na patulugin mo sila."

"Bakit ikaw MaUrea di ka pa nakaencounter sa in-laws mo? Well mababait naman ang mga Magdallion mapwera lang talaga kay Blaster na maiinitin ang ulo.
"Hindi ko pa naman sila ganun kaclose at di ko pa sila in-laws."
"Binabahay ka na ni Blaster. Tss. Ehh pano yung ex? Alam mo isa sa balakid yan mga ex relationship ehh!"

Napaiisip ako.. sa punto ng relasyon namin ni Blaster parang wala pa naman ako na encounter na mga dating karelasyon ni Blaster.
Meron naman na nagpapahiwatig ng inis sa akin at minsan ngang gusto akong saktan pero sabi naman ni Blaster mga 'FLING' nya lang iyon. Mga kaharutan at nagkatikimin ngunit di nagkatuluyan.

Tatlong babae lang ang dumaan sa buhay nya.
"Si Winter, si Annika at Ikaw."
"Ex mo si Annika?"
"Oo pero di kami nagtagal mga one month lang. Tinry ko lang all though mahal ko sya pero hanggang kaibigan lang. Si Winter ang una kong girlfriend. At ikaw na pinakamatagal ko at huli. Tatlo kayo I Love You. You are the only one. Kaya wag mo na akong usisain kung sinong mas higit sa inyo. Mahal kita higit sa kanila. Kaya huwag mo ng balakin na pagselosan silang dalawa."

Ganun kahaba ang eksplenasyon nya noong mag usap kami. Hindi naman ako ganoon kababaw na pagseselosan ang nakaraan nya sya nga itong seloso.

Si Sylvester na lagi syang iniinis pinapatulan pa nya talaga. Kahit hindi naman dapat pang patulan.

"One day Maurea mapapanood ko din ang drama ng buhay mo and if that day will happen i will enjoying watching your story." Ngumisi sya at ibinato ko sa kanya ang hawak kong tissue.

"Kaya wala kang girlfriend nauubos yung oras mo diyan sa kakanood mo." Inirapan ko sya.

Ganito na kami kaclose sa halos isang linggo namin pag sasama.

"Gagawin ko pa ngang karelasyon iyong kaibigan mong si Judy nakaplano na nga kung ilan ang anak namin." Ngumiti sya at tumaas baba nag kilay.

"Well sa ngayon pa lang sasamahan na kitang magluksa." Tinapik ko ang mga balikat nya.
"Bakit may karelasyon na ba sya?" Di ko sya sinagot. Walang kumpirmasyon si Judy pero alam kong mayroon namamagitan sa kanila. Mayroon syang minamahal. At isang mahigpit na pinagbabawal ni Kuya Jasper ang pakikipagrelasyon ni Judy hanggat hindi ito nakakapagtapos.

Madali naman siguro iyon hinihingi ni Kuya Jasper kung walang katulad ni Blaster na masigasig.

"Maurea! Tsk! Alam mo sa hugis pa lang ng mukha mo mukhang iiyak ka ng sobra. Sabi ng Lola ko yung may mga taling sa daanan ng luha ay hindi magandang senyales." Umiling pa sya. Madami ng nagsabi nyan sa akim kahit noon bata pa ako.
"Royal itulog mo na yan. Iyakin naman talaga ako."
"Basta Maurea kapag may problema ka maasahan mo ko." Tinapik nya ako at bumalik ulit ang atensyon nya sa panonood.

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon