CHAPTER TWELVE

2.1K 82 7
                                    

CHAPTER TWELVE

April 12 2020

"Blaster.." tinapik ko ang mga braso nya.
"Blaster gising na!" Kalahati lang ang katawan nya ang natatalukbungan ng comforter.
"Wala naman akong pasok Aurea. Mamaya mo na ko gisingin." Tumalikod sya.
"Aalis na ko kaya kita ginigising-- wait nga!" Bigla nya akong hinila palapit sa katawan nya.
"Bakit kasi ayaw mong tumabi sa akin? I already promise you that we dont do that." Mahigpit ang yakap nya sa mga baywang ko nakakulong ang mga mukha nya sa leeg ko habang halos dumagaan ako sa kanya.

"Nakatira na ako sayo Blaster kailangan din natin ng privacy para sa isa't isa. Kailangan natin ng space para hindi tayo magsawa. Bata pa tayo at marami pang pag dadaanan."

I grew up on a poor family, lack of love from my parents but im still thankfull to God.
Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako magpupursigi ng ganito at gusto ko na maging si Blaster ay mas maging seryoso sa kinabukasan nya. Mayaman ang pamilya nya pero ayokong doon lang sya kukuha ng magiging buhay namin.

Pangatlong araw ko ng naninirahan sa bahay nya at ngayon ang unang araw ko sa trabaho alas singko y media pa lang, alas syete ang pasok ko. Parehas kaming walang pasok ni Blaster ngayon Huwebes.

Bumangon ako at maging sya. Hinagilap ko ang mga tsinelas nya at isinuot sa kanya.

"Please wag mo naman akong pagsilbihan ng ganito." Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi habang nakaluhod ako sa kanya.

"Ang babae ay magpapasakop sa magiging asawa nya. Minsan lang naman.." ngumiti ako sa kanya. Inabot ko ang dark green na t-shirt at sinuot nya naman iyon.
Bago ako inilalayan sa pagtayo ko, umakbay pa sya sa akin habang palabas kami ng kwarto nya.

"Naihanda ko na ang almusal natin kain na tayo bago ako pumasok. Yung tanghalian mo nasa ref initin mo na lang kapag kakain ka na." Sinuklay ko ang magulo nyang buhok upang umayos iyon.

Sabay nga kaming nananghalian at hinintay ko syang makapag ayos bago nya ako hinatid sa trabaho ko.

Isang Korean Convinient Store iuon malapit sa University na pinapasukan ko at may walong oras na duty hindi ganoon kahigpit ang may ari na nakapangasawa ng lalaking Koreano. Ok lang sa kanila ang mga katulad kong working students. Pang apat ako sa bagong magiging empleyado nya. Malapit na kasi grumaduate yung naunang part timer kaya hinire na nila ako.

"Are you nervous?" Hinawi ni Blaster ang nalaglag kong buhok. Maayos naman ang pagkakapusod ng kalahati kong buhok habang ang kalahati ay naiwan na nakalaylay mahaba na ang buhok ko na alon-alon umabot na sa baywang ko ang.

"Medyo Blaster first time ko kasing magtatrabaho." Nabisita na din ni Blaster ang work place ko at ok lang naman sa kanya. May mga upuan sa labas na pwedeng kainan ng mga binili sa store.
"Did you bring your phone?"
"Oo nandito sa akin."
"Mag ingat ka Aurea. I love you so much." Pinatakan nya ako ng halik bago nya ako iniwan sa labas ng convinient Store.
"I love you Blaster." Kumaway ako sa kanya habang naglalakad sya pabalik sa Audi.

Kumindat lang sya sa akin.

"Ang aga mo naman hija." Ngumiti ang Babaeng may ari ng convinient Store kasama ang asawa nya.

May tatlong part timer din ang dalawa ay nakilala ko na habang yung isa ay hindi pa.
"Opo first day ko po ngayon ayokong malate." Bahagya kong inayos ang suot kong pink t-shirt na may maliit na heart at pangalan ng store sa may dibdib ko tinernuhan ko naman ng itim kong pants at itim kong Vans na binili ni Blaster paborito ko ito dahil kumportable sa paa at may engrave ng pangalan ko na disenyo sa gilid.

"Eto din isuot mo." Abot ni Miss Gelly ang hairnet at white na visor hat. Salary deduction ang uniform ko kaya ok lang.

May locker room at nandoon na ang gamit ko.

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon