CHAPTER EIGHT

2.8K 113 15
                                    

Chapter Eight

September 28 2019 12:33pm

Pangatlong araw na simula ng magbukas ang lahat ng booth. Madami ngang tao sa Engineering booth na may horror booth pero hindi tipikal na horror booth lang lahat ng gwapo sa Engineering department ay nakasuot ng Vampire Attire at ang magaganda na Engineering students ay nakasuot ng Sexy halloween attire.
May kulay Pink at Silver silang kabaong sa loob ng horror booth nila at pwedeng magpakuha ng litrato kasama ang kung sino man mapili mo.

Though hindi pa ako nakapasok tanging ang dalawa ni Judy at Eric ang araw araw yatang nabingwit ng tiga-Engineering at araw araw na pumapasok at dinig ang tili bago babalik sa puwesto namin. Mabenta ang ginawang halloween sweets ni Virgie maging ang tindang Red Juice at Black Juice na timpla naman ng grupo ni Winona at ilan pa sa Senior na kasama namin.

Si Winona naman ang nagtatawag ng mga costumer nagaling sa kabilang booth. Nagpapalitan silang apat isa galing sa 3rd Year at isa din sa 2nd year at dalawa ang represent ng 1st year ay naging dalawa dahil sa walang gusto sa 4th year.

"Judy time mo na!" Nakataas ang kilay ni Winona. Habang tinatawag sa likod ng tent si Judy.
"Gurl! Si Judy!" Hinila agad ako ni Eric papunta sa likod. Nakita ko don na naka-ub-ob ang ulo nya sa plastic na lamesa habang hawak ang tiyan.
"Anong nangyari Judy?" Nag aalala kong tanong. Tumunghay sya at maputla ang mga labi.
"Masakit yung tyan ko." Butil-butil ang pawis sa noo at dibdib nya.
"Ano! Pagod na ko Judy! Hindi pwedeng ako maghapon ang yumaya sa ibang estudyante." Mataray na si Winona at umupo sa plastic na upuan kanina pa syang umaga kaya alam kong pagod na talaga sya.

"Halika dalhin kita sa clinic." Nag alala ako para sa kanya, iba kasi ang pagkaputla nya.
"Gurl ako na bahala sa kanya, nag text na ako kay na Tita at iuuwi ko sya. Ang problema ay ang papalit para kay Judy. Pwede bang ikaw?" Nakahawak sya sa likuran ni Judy habang hinang hina na sa nararamdaman nyang sakit.

"Pwede naman siguro hanggang bukas naman yon di ba?"
"Talaga ba Aurea? Pero baka magalit si Blaster!" Tugon ni Judy na namimilipit sa paghawak ng tyan nya.
"Sige ako ng bahala. Hindi naman sya magagalit lalo pa at para naman sa eskwelahan ito."
"Nasa loob ng paper bag yung damit bagong laba yan magpamake up ka na lang kay ate Damaris Jamia Vallinger 4th year, Eric pasamahan mo na sa pagpapalitan ng damit ni Aurea." Humawak naman ako kay Eric at nagpatangay sa hila nya.
"Saan ka pupunta?" Si Winona.
"Ehh ano pa ba? Magpapalit ng damit itong si Aurea ng makaawra ka na." Nakataas ang kilay ni Eric at mabilis na tinalikuran si Winona. Sa likod kami dumaan kaya hindi ko nakita si Blaster alam ko sya ang nasa loob para manakot?

Manakot nga ba ang ginagawa nya? Ehh bakit sa tuwing lumalabas yung mga babae ay halos maihi sa kilig. Nangingisay pa ang iba?

Sa kwarto ng mga fourth year kami pumasok, may kurtina doon na nakatabing para siguro sa magpapalit ng damit. Abala din sila para sa gaganapin na Night Out ngayon sabado pagtapos ng Halloween at sa wakas bakasyon na isang linggong pahinga iyon.

"Ate Damaris eto po yung sub kay Judy." Sabay tulak ni Eric sa akin papasok.

Humarap sa amin ang babaeng may kausap sa telepono alon alon ang buhok nito. Kilala ko sya! Sikat sya dahil sa pilat sa mukha nya.

"Hello po."
"Magbihis ka na." Nasa tainga pa din ang telepono nya at itinuro sa akin ang kurtinang puti.
"Gurl i need to go! Si Judy kasi."
"Sige ingatan mo sya ahh!"

Kumaway sa akin palabas si Eric, tuluyan na akong pumasok sa loob ng kurtina at sinuot ang damit ni Judy.

Mahirap na lalo at madaming kadena iyon mukha tuloy akong malaswang anime. Masyado kasi revealing sa may parteng dibdib ko! Pero bakit kay Judy hindi masyadong labas ng cleavage nya! Nakatatlong araw naman ito sa kanya?
Tinaas ko yung tela para matakpan kahit paano ang sumusungaw kong dibdib. Hindi naman ganun kalaki ang boobs ko tama lang sa mapayat kong katawan. Sinuot ko yung mahabang stocking sa kabilang paa ko at ang net na stocking sa kabilang paa ko mabigat din yung boots lalo na at may mga chain din iyon. Itinupi ko na ang damit ko at ipinasok sa loob ng paper bag.
Nilugay ko na ang buhok ko at lumabas ng kurtina, tapos na din sa katawagan nya si 'Ate Damaris.'

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon