CHAPTER TWENTY TWO

4K 138 177
                                    

Chapter Twenty Two

June 1, 2020 3:06pm

'Sometimes the place you are used to is not the place you belong'

From my favorite movie line of The Queen of Katwe.
Its my new motivation to live for my own, to live on my mother's land.
Lutuad, Diffun, Quirino. Mag aanim na buwan na akong dito naninirahan. Nabili ni Kuya Rydell ang maliit na lupain noon ni Mama. Maliit na kubo lang ito at dito ko napagpasyahan na tumira na habang buhay.

Anim na taon ang nakalipas ng umalis ako sa lungsod na nakasanayan ko. Mahirap sa bawat pag aadjust pero nagtulungan ako ni Kuya Rydell. Apat na taon bago ko makuha ang lisensya bilang isang opisyal na guro.

Dahil malaki ang naging gastusin sa operasyon ni Austin itinulong ko din ang pera na naipon ko sana para sa board examination ko pero ok lang dahil umayos na ang lagay ni Austin.

Mabilis at matulin ang lumipas na panahon. Noong panahon na binagtas ko ang Norte. Ang malakas na kidlat at ulan ang sumabay sa pagtakbo ko.

Alaskwatro ng umaga ay nakita ko ang kotse ni Kuya habang humihigop ako ng noodles sa isang convinient store. Nilalamig ako at nanakit ang mga sugat na natamo ko.

Agad akong tumakbo sa kanya para makita ako. Niyakap ko sya at bahagyang napaiyak sa kanyang dibdib.

"Kuya.." mahina kong anas.
Inalalayan nya ako papasok sa kotse.
Doon ko binuhos lahat ng emosyon ko umiyak ako ng umiyak sa harap nya at galit na galit sa ginawa ni Blaster.
Si Kuya naman ay galit na galit at gustong magsampa ng kaso kay Blaster lalo ng makita nya ang kalunos lunos kong lagay. Kumuha kami ng 'medico legal' at doon nga napatunayan na narape ako. Ang mga kinuhang litrato ni Kuya Rydell sa buong katawan ko ngunit hindi ko itinuloy ang pagsulong sa pagsampa ng kaso.

"He should pay! Aurea dapat nyang pagdusahan ang ginawa nya sayo! Ilalaban kita Aure kukuha tayo ng magaling na abugado." Ilang buwan na ang nakalipas humihilom na ang ilang pasa at sugat ko. Maliban sa lapnos sa likod ko na nag iwan ng malaking peklat.

Kahit na gusto kong ilaban ang kaso nakikita ko ang paghihirap nya lalo na ng lumalala ang sakit ni Austin at kailangan na ng agaran pag oopera may kaunti akong ipon at ibinigay ko iyon kay Kuya.

Halos isang taon ang naging paghihintay para nagkaroon ng donor si Austin at halos ubos lahat ng perang ipon ni Kuya Rydell.

Sa isang Day Care Center sa Candaba ako nagturo ng halos dalawang taon para makatulong kay Kuya Rydell hanggang sa makuha ko ang aking lisensya sa pagtuturo.

Wala na akong naging balita kahit kanino kahit sa mga kaibigan ko. Kay Royal lang ako huling nagpaaalam para kunin ang mga alaga kong pusa dahil hindi ko na sila nadala.

Hindi ako sumagap ng anuman balita sa kung sino man. Iniwan ko lahat ng alaala ko sa lungsod.

"Teacher Rea.." nagmano sa akin si Itoy na estudyante ko sa Kinder kasama ang Mama nya. Nagwawalis ako ng harapan ng aking bahay.

Pinunasan ko ang likod ng aking palad bago idinampi sa ulo ng bata.

"Eto po may dala kaming bilo-bilo para imeryenda nyo po. Alam nyo po bang tuwang tuwa ang Ama nitong si Itoy namin dahil natututo na po magbasa ng paunti-unti itong anak namin."

"Maraming salamat sa dala nyo at tamang tama hindi pa ako nakapag meryenda. Trabaho ko po ang matuto ang mga batang kagaya nya." Walong taon na si Itoy at ngayon lang sinubukan ulit mag aral. Nakakatuwa nga at nahikayat ko sya dahil noon lagi syang parang kabute sa maliit kong silid. Lulubog at lilitaw napag alaman kong lumiliban pa sya sa klase para lang manghuli ng talangka para idagdag sa paghahanap buhay ng kanyang magulang.

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon