Chapter SEVEN

3.1K 108 18
                                    

Chapter Seven

August 26 2019 8:35am

      Napapikit ulit ako ng aking mata habang nakasandal sa likuran ng pinto. Naalala ko kung paano ako bumigay sa paghalik sa akin ni Blaster.
Ang init sa pakiramdam at ang lambot ng mga labi nya!

Jusko hindi ko alam kung tama ba ang format ng paghalik ko nung gabing hinalikan nya ako sa loob ng apartment ko. Nakakaliyo at nakakakiliti sa pakiramdam na para bang may sumusundot sa aking sikmura.
Napapadyak ako sa frustration na nararamdaman ko.
Maling mali! Pero bakit nagustuhan ko? Bakit ako bumigay? Bakit kaya nyang buhayin ang mga pandama ko?

Hihikab hikab akong naghihintay sa susunod na professor namin, pero ang utak ko naglalakbay.

    
          "H-hindi nga iyon. Bakit mo kasi ako hinalikan kahit na alam mong wala ako sa tamang pag iisip."

"You called that a kiss? Its just a peck my girl. Gusto mo ba nang tunay na halik?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Bakit ba sya ganito! Bakit may peke bang halik?

"Iidlip lang ako dito promise bukas uuwi din ako."
"Bawal nga kasi dito magagalit yung may ari ng apartment ko."
"I really cant drive right now. Please.."

Nagdadalawang isip pa ko kung papayagan ko ba syang matulog dito o hindi? Wala naman sigurong gagawin masama si Blaster sa akin.

Inihanda ko ang tutulugan nya nilatagan ko sya sa baba ng higaan kong kawayan.

"Pasok ka na Blaster."
Nilibot nya ang paningin sa buong kwarto ko maliot lang iyon may isang tokador na lagayan ko ng damit at maliot na drawer na pinatungan ko ng mga ilan sa luma kong litrato.
"Dyan ka sa ibaba matutulog." Lumabas ako ng kwarto para makapagbihis sya ng pambahay nya.

Naghilamos lang ako at sa banyo ako nagpalit ng damit kong pangtulog.
Paglabas ko ay nakaupo sya sa higaan ko.
Kinuha ko ang suklay at sinuklay ko ang buhok ko.

"Sino yung lalaki sa litrato mo?" Napakunot ako ng noo sa sinabi nya.
Nilinga ko ang mga litrato na nakaframe.

"Sya si Kuya Rydell, sya ang guardian ko."
"Where's yout parents? I think he is too young for you to be your Guardian."
"Matagal ng naghiwalay sina Mama at Papa sya ang nag alaga sa akin mula ng dose ako."
"How old is he?"
"Thirty yata o mahigit pa."
"So sya ang nagpapaaral sayo?"
"Oo, dami mong tanong. Matulog na tayo." Tumayo ako binuksan ang electric fan at lumapit ako papunta sa higaan ko para mahiga. Habang sya ay nasa ibaba sa may paanan ko. Nakatingin sya sa kin.
"Sabi mo pagod ka na? Magpahinga ka na."
"Bakit sa iba ang bilis mong tumanggap ng tulong at bakit sa akin parang saradong sarado ka?"  Hinawakan nya ang bukong-bukong ko paakyat sa binti ko. Anak ng boogie! Kahit balot ako ng kumot ay daman dama ko ang maibit nyang palad.

"M-matagal ko na syang kakilala bata pa lang ako, sya na ang tumitingin sa akin." Hindi ako makatingin sa mapungay nyang mga mata.

Umisod sya sa gilid ko umakyat sa baywang ko ang haplos ng kamay nya. Dahan-dahan syang bumaba palapit sa katawan ko.

"Goodnight my love.." Ginawaran nya ako ng halik sa labi ko, napapikit ako sa paglapat ng labi nya sa labi ko. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na nakataklob sa katawan ko.
Magaan at punong puno ng pag-iingat. Dampi lang iyon!
Ibinababa nya ulit ang mukha nya at hinalikan ako ng malalim.
"Fuck i cant get over to your lips. Open your eyes for me Baby.." gamit ang malamyos nyang tinig. Nakakaakit!
Hinawakan nya ang leeg ko at bahagyang hinaplos iyon na mas napaawang sa aking labi. Ang init at bango ng hininga nya ang nalalasap ko. Malalim ang bawat halik nya na para bang may ginagalugad sya doon na hindi nya mahanap. Parang may sinisisid! Buong puso ko iyong tinugon kong tinugan kahit na alam kong ako'y baguhan.
Kinakapos ng hininga sa paraan ng paghalik nya, naipon sa baga ko ang mga hininga na dapat kong pakawalan.
"Mmhh.." mahina kong impit.
"Damn! Stop moaning!" Tumigil sya sa paghalik at nilapat ang noo ko sa noo nya, ang matangos nyang ilong ay nasa gilid ng kanan pisngi ko.
"Akin ka lang Aurea.." napapikit ako sa pagtama ng mainit nyang hininga sa mga pisngi ko. Dinilaan nya ang kanyang mapupulang labi.

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon