CHAPTER ELEVEN

2.2K 82 15
                                    

Chapter ELEVEN

February 24 2020

    Mahirap ang pag aaral lalo na ngayon na nasa ikatlong taon na ako ng kolehiyo. Kaunti na lang makakapagtapos na ako at makakahanap ng trabaho.

"Bakit ganyan mukha mo?" Si Eric.
"Ang dami kong bayarin ngayon semester nag abot-abot na. Hindi pa ko pinapadalahan ni Kuya Rydell dahil nagkaproblema sa anak nyang si Austin."
"Sabi sayo dapat pumayag ka ng mag free lance model noon inialok ni Virgie pang dagdag sa gastusin mo lalo ngayon mas madaming gastusin ang kakaharapin natin."

"Nag apply na ako sa isang convinient store mukhang matatanggap naman ako don. Mababawasan nga lang oras namin ni Blaster di ko pa din nasasabi sa kanya pero pakiramdam ko papayag naman sya."
"Sinasakal ka ba nya?" Napaisip ako sa loob naman ng dalawang taon namin relasyon ni Blaster hindi ko naramdaman na nasasakal ako sa kanya. Minsan sa tuwing nagseselos sya lalo na kay Sylv na pilit pa din itinutulak ang sarili nya sa akin.

At patungkol naman kay Winter Adicer ang unang pag ibig ni Blaster wala akong masyadong alam. Base lang iyon sa kuwento ng mga kaibigan ko lalo kay Kuya Jasper na malapit na kaibigan ni Blaster, hindi nila alam kung nasaan si Winter tanging si Blaster lang ang nakakaalam. Sinubukan ko naman tanunging si Blaster pero hindi talaga sya palakwento. Basta ang lagi nyang sinasabi ay 'Mahal na mahal nya ako at higit pa.' Kaya hindi ko na din inusisa tutal nakaraan na iyon ang mahalaga at matatag kami sa isa't isa.

"Gorl uuna na kami sayo susunduin ka naman dito ni Blaster di ba?"si Eric kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil abala ang dalawa si Judy at Virgie actually kami na lang magkasama sa isang subject ni Eric nakakalungkot man ngunit nagkakasama naman kami sa tuwing may bakanteng oras kaming magkakaibigan.

"Sige Eric ingat ka sa pag uwi mo." Kinawayan ko sya habang naglalakad sya palayo sa akin.

Hinihintay ko si Blaster pauwi minsan naman umuuwi din ako mag isa. Ewan ko ba kay Blaster bakit paulit ulit syang nagtatake ng semester nya. Nasa 2nd year palang ulit si Blaster habang ako ay nasa ikatlong taon na ng pagkokolehiyo ko. Di ko alam ang trip nya sa pag aaral pero nanghihinayang ako sa pera na ibinabayad nya. Ngayon nagkaroon kami ng kasunduan na kapag hindi sya nakatungtong ng ikatlong taon ay maghihiwalay muna kami. Hindi naman sya bobo para ulit ulitin ang taon nya ng ganito katagal i mean-- bente kuwatro anyos na si Blaster he should have stable job right now pero nina nais pa din nya ang pagbubulakbol. Pinagpasalamat ko na nga lang na nabawasan na ang paggiging basagulero nya huli na nung last year na nakipag rambulan sya sa kabilang university ng ibang bayan. Sa presinto ko na sya naabutan kitang kita ko kung paano sya sermunan ng mga magulang at kapatid nya. Naawa ako sa itsura nya lalo sa sugat na natamo nya.
Ano na lang iisipin ng iba na hindi ako naging mabuting nobya para sa kanya kung sa pag aaral pa lang napapabayaan nya? Pano na yung kinabukasan namin lalo na at kinukulit nya ako sa pagpapakasal

Gusto ko ay maayos sya katulad kung ano ang ipinararamdam nya sa akin. Matalino si Blaster sa tuwing nahihirapan ako sa mga aralin ko ay lagi syang tumutulong sa akin. Lalo na sa tuwing my thesis ako at kung ano anong school reports nanjan sya sa tabi ko at kasama kong magpuyat at umiyak sa frustration na nararamdaman ko.

Nilalamon na ng dilim ang buong paligid ngunit maliwanag pa din sa buong University. Nakikita ko na ang paglabas ng mga estudyante sa Engineering Department.

Papalapit na sa aking ang lalaking pinakamamahal ko sa lahat si Blaster. Ngumiti ako at sinamsama ang folder at librong bitbit ko.

"Kamusta naman ang araw mo?" Tanong ko sa kanya dahil nakasimangot na naman sya.
"Parang gusto ko na lang mag sundalo  o pulis na lang kaya? Nakakasawa na eh." Tumigil ako ng paglalakad.
"Gusto mo agad na mabyuda ako?" Natawa sya ng pagak.

Since You've Been Gone (Abusado SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon