Chapter 19:

63 7 0
                                    

JAKE’S POV

Napamulat ako ng mata at nakita ko si Shaira na nakatingin lang sa akin. “Good Morning.” Bati ko sa kanya, pero ngumiti lang siya sa akin. “Ayos kana ba?”

“Medyo, medyo  masakit pa yung ulo ko.” Mahinang sabi niya.

“Ahh ganun ba?”

“Wait lang, ibibili lang kita ng  breakfast.” Tumayo na ako pero hinawakan naman niya ako sa braso. “Thank you, Jake.”

“Your always welcome, Shaira. Ok sige, ibibili lang muna kita ng breakfast mo baka kasi nagugutom ka na.” Binitawan na niya ako at lumabas na.

JACOB’S POV

Umaga na naman, bibisitahin ko na muna si Shaira, pero magdadala na muna ako ng almusal niya. Baka kasi umuwi na kagabi si Jake, kaya naman ako na lang ang mag-dadala. “Good Morning Par.” Bati sa akin ni Marlon. “Oh, happy? Ano mayroon?” Sabi ko naman sa kanya. “Uuwi na kasi dito si Alisha. Yung nakwento ko sa’yo. Ang saya ko nga dahil nakachat ko siya kagabi at sabi niya uuwi na daw siya dito.”

“Talaga? Nasabi mo ba yung gusto mong sabihin sa kanya?” tanong ko naman sa kanya habang nag-lalagay ng tubig dito sa bottle. Then kumuha ako ng tupper ware para lagyan ng kanin at ulam. “Oo, nung sinabi ko yun sa kanya, ganun din pala siya sa akin.”

“Nice. Sige par, alis na muna ako. Mamaya pa naman ang pasok ko eh. Si Shaira kasi bibisitahin ko sa hospital.”

“Sige, ingat.” Lumabas na ako at pumunta sa hospital.

Kumatok na lang ako pero nung pinihit ko yung pinto, bukas ito. Kaya naman pumasok na lang ako. Nakita ko si Shaira, gising na pala. “Oh, Hi Shaira. Dinalhan na kita ng almusal mo, eto oh.” Nilapag ko sa table na katabi niya. Nagsmile na lang siya sa akin. Nilabas ko na yung tupper ware na may lamang pagkain niya. Kinuha ko naman yung kutsara at sinubuan siya ng dahan-dahan. “Ang sarap ha, sino nagluto nito?” Tumungo na lang ako, “Ikaw, ano? Ang sarap Jacob. Favorite ko itong kare-kare nung bata pa ako eh.”

Napasunggab na lang ako sa sinabi niya. “Talaga? Thank you, Shaira.”

“Marunong ka palang magluto. Ako hindi ako marunong magluto eh. Ang alam ko lang lutuin ay yung, hotdog, maling, itlog, meatloaf. Pero nung tinuruan ako ni Mommy magluto ng sinaing, sa di inaasahan.. Nasunog.” Tumawa na lang ako at kinuha yung bottle na may lamang tubig. “Ahh, natuto lang ako kay Mommy magluto. Actually nga niyan, chef si mommmy pero huminto na siya sa pagiging chef. Dahil si Daddy wala na kaya naman si Mommy na lang ang nag-aalaga at nag-aaruga sa amin.”

“Ahh sorry to know that.” Malungkot na sabi niya. Kinuha ko yung tubig at inalalayan siyang uminom.

*Tok-tok-tok*

“Bukas ‘yang pinto.” Binuksan naman niya yung pinto at nagulat kami sa isa’t-isa. Si Jake, may hawak siya ngayon ng plastic bag na galing sa 7-Eleven. “Shaira? Sino siya?” Takang tanong  niya at lumapit siya sa table para ilapag ang plastic bag. “Ah si Jacob siya, siya yung kaibigan ko.”

Tumingin naman ako kay Shaira at tumingin naman siya sa akin at nagsmile. “Jacob, Siya si Jake na kaibigan ko din.”

“Sayang naman yung binili ko para sa’yo, Shaira.” Tss, sa’yo na lang yung binili mo kung gusto mo para hindi masayang. “Sige ilagay mo na lang yan dyan, kakakain ko pa lang eh. Sige mamaya kakainin ko yan.” Sabi naman ni Shaira.

“Jacob? Ikaw ba yung nagbantay sa kanya kahapon?” Lumapit naman siya sa bintana habang ako naman ay nakaupo lang sa tabi ni Shaira. “Oo ako nga. Bakit?”

“Ahh..”

“Sige,iwan ko na muna kayo dito. May gagawin pa kasi ako.” Sabi ko naman sa kanila pero hinawakan naman ni Shaira ang kamay ko at sa mukha niya ay ayaw niya akong paalisin. “Shaira, kasi ano.. may gagawin pa kasi ako.” Nag-smile na lang ako sa kanya, pero ang totoo nyan ay hindi totoo na may gagawin ako. Sinabi ko lang yun dahil ayaw kong mahalata na may gusto ako dito kay Shaira. “Sige, Jake alis na ako.”

Lumabas na ako at sinara ang pinto. Kailan kaya gagaling si Shaira? Gusto ko siyang dalhin sa lugar na ikakaligaya niya.

MARLON’S POV

Paano ko kaya malalaman kung uuwi na talaga dito si Alisha? Siguro naman alam niyang dito pa rin ako nag-aaral. Maka-open na nga lang ng Fb kung sakaling doon siya mag-message. Pagka-log in ko may nakita akong message. Agad ko naman itong binuksan.

Si Alisha ang nag-message. ‘Nandito na ako sa Airport. Sunduin mo nalang ako dito.’ Buti na lang nag-online ako, kundi kanina pa siya naghihintay doon,may green cirlce sa tabi ng name niya sa itaas kaya naman nireplyan ko siya. ‘Sige, hintayin mo na lang ako dyan.Paalis na din ako. Sige ingat.’ Nag-log out na ako at naligo para pumunta sa Airport para sunduin siya.

Parang ayaw ko na tuloy mag-dorm dito. Gusto ko yung kasama ko na siya, yung araw-araw ko siyang nakikita.

**

“Hi Marlon!” Kaway niya sa akin, pinuntahan ko naman agad siya at kinuha ang dalawang maleta niya. “Bakit ang dami mo namang dala?” “Dalawang maleta lang yan, basta kasi nakapag-ipon na ako ng pambili ng bahay. Kung pwede nga lang, isama mo na yung kaibigan mo doon para doon na lang tayong lahat, para masaya.”

Nilagay ko naman sa likod yung dalawang maleta niya sa van ko at pinag buksan siya ng pinto. Sumakay na din ako, katabi ko siya ngayon dito sa may driver seat. “Talaga? Sige, tutulungan na lang kita. May nakita na din akong bahay eh. Ayoko na mag-dorm nakakaborring.”

“Gutom kana ba?” Sabi ko sabay start ng engine ng van ko. “Medyo,medyo kumikirot na yung tummy ko eh.”

“Oh buti na lang may dala akong snacks dito. Clover, yung favorite mo nga pala.”

“Shemz, hindi mo talaga ako nakalimutan. Thank you.”

“Syempre ako pa ba?”

“Ang laki talaga ng in-improve mo. I proud of what you are now.” Binuksan naman niya yung clover at sinubuan naman niya ako. “Sweet… thank you.”

“Anong sweet, naawa lang ako sa’yo dahil baka napagod ka.”

“Sus, kunwari ka pa.”

A/N:  Hanggang dito muna, sorry kung ngayon lang ako nakapag-update ha.. Kasi marami kasi akong ginagawa eh, pag may time naman ako, susubukan kong magtype. Ok LOVE YOU ALL :*

Maybe It's You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon