Chapter 11: Rajah Soliman University

87 11 0
                                    

--

Oo nga no? Ipapaubaya ko na lang ba si Shaira kay Jake? B-bakit? Mahal ko na ba si Shaira? Bakit nagkakaganito ako? Parang ayaw ko siyang bitawan? Bakit parang ayaw ko siyang pakawalan sa isip ko? Parang gusto ko na din silang pigilan. Yung saakin mapupunta si Shaira. Pero hindi madali yun para sa akin.

"Brad! Pigilan mo sila! Wag ka ngang magtakip ng unan dyan! Para kang kengkoy na ewan! Para kang si Matteo Do na Alien! Hindi mo maamin yung nararamdaman mo sa taong mahal mo! Kailangan, ang taong mahal mo pa ay lalapit sayo!"

Nakatakip pa din ako ng unan. Pero, parang gusto ko talaga silang pigilan. Pero may humihila sa akin at may pumipigil na huwag ko na silang pakelaman.

"Hoy! Brad! Wala ng Matteo Do! At wala na yung My Love From The Star! Wag mong gayahin si Matteo! Kung kailan na paalis na siya, saka niya palang sinabi sa taong mahal niya na "Mahal kita". Kaya tumayo kana dyan at maligo kana at--

Inalis ko yung unan ko na pinantakip ko at "Ayoko na! Ayoko na talaga! Wala na akong pakealam sa kanilang dalawa! Hayaan mo na silang dalawa na masaya! Wala eh! Hindi naman talaga ako yung para sa kanya!"

"Brad. Sayang ka, pinagkatiwalaan pa naman kita na mababawasan ang pagka-torpe mo kapag tutulungan kita."

"Sh*t! Wala na akong pakealam sa kanilang dalawa! Move On na ako sa mga ginawa ko sa kanya!"

"Brad. Move on? Hindi yan nakukuha sa pagkagalit mo at hindi ka agad makakamove-on dahil sinisimulan mo palang tapos kakalimutan mo na agad? Hindi yan makukuha na hindi mo na siya papansinin! Hindi mo yan makukuha na hindi sumulyap sa kanya, dahil... Dahil may nararamdaman ka pa rin sa kanya! Woo! Bahala ka na nga dyan!"

**

JAKE's POV

"Jake. Oo na daw sabi nina Aishin at ni Yesha." Josh.

"Talaga? Ano sabi?" Ako.

"Pwede kana daw tumalon sa building." Carlo.

Sinipa ko si Carlo at bigla naman siyang napailag kaya naman sablay -_-"

"Sasapakin na kita!" Ako.

"Sabi ni Aishin at Yesha, Oo na daw. Bibihisan nila ng magandang maganda si Shaira para sayo." Josh.

"Sige. Maligo na din kayo dahil kasali din kayo sa mga pasabog ko mamaya." Ako.

"Edi patay na kami nun." Carlo.

"Kontra ka talaga -_-" Ako.

"Kontrabida ako syempre, tapos ikaw dadaan ka lang eh, bigla ka agad nakuhang horror actor. Hahahahaha! Oh diba? Actor ka agad bilang horror ac--- Masakit yun ah!" Nabatukan ko kasi ang daldal parang pw*t ng manok na hindi mapigil mapigil.

"Bilisan mo! Naghihintay ako!" Ako.

Napatingin naman ako sa orasan ko.. "6:24pm na pala. May time pa ako para nag pagwapo."

Kakatapos ko lang din kasing maligo, kaya naman magbibihis na ako. Black coat at black shoes. Yung dalawang lalaki naman ay papasuutin ko sila ng kulay pink na coat at ang pang ilalim nilang t-shirt ay puti. Para naman sila yung magbibigay ng bulaklak kay Shaira at sasamahan nila si Shaira para umakyat sa stage.

"Tapos na ako." Josh.

"Ako din tapos na." Carlo.

"Sige. Oh!" Hinagis ko sa kanila ang kanilang susuotin.

"Pink? Bakit pink? Ginawa mo naman kaming baduy." Carlo.

"Basta! Binabagay ko lang sa inyo! Bilisan niyo na! Dami pang arte! Dinaig mo pa ang babae!" Ako.

Maybe It's You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon